Di pa nagsasalita ang 18 months old kong anak
Normal lang po ba sa 18 months old baby ko. Na dipa po nag sasalita ng buo kase madaldal po sya pero ang salita nya di maintindihan. Normal lang poba yun. Pero nakakaintindi naman po sya ng mga sinasabe ko sakanya. Kaso di po sya nakakasagot or responds sa sinasabe kopo. Kahit po Yes or no hindi po. Pano kaya to mga my 😔
una po zero screentime dapat below 2yo.. as in kahit TV wala po.. tapos kausap kausapin mo siya.. eye to eye level.. ganyan po ginawa ko sa baby ko simula newborn.. turning 2 na siya nung nakakita ng palabas sa cellphone at missrachel yun onting minutes pa.. at bago siya nakakita ng palabas sinigurado ko muna na madami na words ang baby ko at may conversations na kami.. totoo may kanya kanya development ang mga bata pero mi. wala masama kung eto ay ipapaconsult sa pedia.. lalo na kung may nakikita tayo delays sa kanila.. mas matutulungan natin sila na maagapan kung hindi natin eto babalewalain..
Magbasa paIts ok momsh, wag ka mapressure kasi normal lang siya eh, sabi mo nga nakakaintindi siya eh. Baka nahihirapan lang siya magexpress, kasi minsan yung mga napapanood nila English ang language or kung ano man ang language nagagaya nila tapos contrast naman sa ginagamit niyo na language sa bahay niyo. Hindi po ako expert ha, nabasa ko lang din yan momsh sa fb na mommg group same kayo dilemma. Kausapin niyo nalang po ng kausapin momsh... magugulat ka sasabihin niyan wow, yes, no.
Magbasa paJust keep talking to her po, point to the objects and say their names repeatedly, lalo na yung mga one syllable po. My 18 months' old toddler doesn't say yes or no, but she knows the names of her toys and stuff at home, some of these she can say na, yung iba, hindi man niya kaya i-pronounce pa, but she knows which/who we mean when we say the name. Ang important for me, hindi man niya masabi pa, pero nakakaintindi siya.
Magbasa paHi mommy, dont worry po. Iba iba ang development ng nga kids. What I can suggest maybe you can read to your baby or allow her to be familiarize sa words and meaning para maassociate niya ito. Kausapin natin si baby ng mas madalas :) Baka po may language siya na mas comfortable? baka po filipino/tagalog or english?
Magbasa paAng anak ko 9mos nung nag salita ng mama.. Etong 10mos sya nakapagsalita na sya ng papa na..pero d pa sya totally nagsasalita pero naiintindihan nya ko once sabhin kong no... Wag... Pro dpa sya nakakalakad magisa.. Pero pagtatayo sya minsan..matagal n yung 7 to 10seconds
ganyan din mami Yung 18months ko ngayun ayaw din gumaya like sasabihin ko say mama ayaw nya gayahin pero may times na nababanggit nya Lalo na pag umiiyak sya, pero sabi okey lang Naman daw yun SI baby Naman daw mag dedeside kung kwlan nya gusto magsalita.
Same tayo mi 14month naman ang anak ko, worried na din ako kasi di ko maiwasan na panoorin ng Ms. Rachel. Ang kaya niya lang sabihin dede at daddy. Madaldal din siya pero baby talk lang yung hindi mo maintindihan ang sinasabi.
Anak ko mi 2years/2months ngayon at kakatuto niya palang magsalita. Nung nakapag salita siya ng isang word nagsunod sunod na. Araw araw may nasasabi siya na bagong word.
When do babies start talking clearly? Guide For Parents https://ph.theasianparent.com/when-do-babies-start-talking-clearly
aking anak dalawang taon and 1month na siya ang daldal niya mag salita simula nung 1year siya
Mommy of 3 / Happy Wife