Parang Di Na Ko Masaya.. πŸ˜₯

Normal lang ba na mawalan ng gana sa boyfriend ko dahil hindi sya madiskarteng tao? Ung ako parati nagiisip ng pag kakakitaan namin? Pag may work sya laging nagrereklamo na ganto ganyan boss nya blah blah. Kumikita sya 60k as assistant ng chinese, napakadali ng trabaho nya para sa ganong sahod pero puro reklamo padin naririnig ko. Ending umalis din sya, puro sya plano ng plano ng business eh wala naman kaming pera pangstart, minsan naririndi na ko sakanya. More on salita sya, kulang sa gawa, napakahina pa ng loob nya, pano ako sasandal sakanya, pano kami magpapamilya. Magoonline selling ako, laging negative ung iniisip, kesyo di ko daw mabebenta, eh ending nabebenta ko naman lahat. Sarap nyang tampalin, lagi ko sinasabi sobrang negative mo. Nakakabwisit ka. Nagkababy na kami pero nakunan ako, iniimagine ko magiging buhay namin kung natuloy ung baby, umaasa lang kami sa papa nya ngayon. Binenta nya cp nya at bumili sya ng ps4. Ps4 ngayong crisis??? Ung totoo? Juskolord. Napaka immature. Di ako sanay. Mga exes ko kasi 5-10years older than me. Ayoko sya pakeelaman sa pera nya eh, baka kung anong masabi sakin. Gwapo LIP ko, sobrang in love ako sakanya nung una, pero habang tumatagal parang narealize ko di ko pala need ng htsura, madiskarte pala talaga kelangan ko na kasama sa buhay. Unti unti nadin syang pumapangit sa paningin ko. Parang pinagsisisihan ko tuloy ung mga past exes ko na sobrang stable sa buhay at binitawan ko pa.. Before pa skanya, may nanliligaw sakin, Naging boss ko sya, nanliligaw talaga laging nagpapadala ng food sa bahay, nakikipaginuman sa father ko kasama assistant nya, pinapadalhan ako coffee lagi sa work ko. Sana pala sya na lang sinagot ko, binasted ko sya over dito sa walang pangarap kong jowa, parang natatawa pa ko dahil gustong gusto ko na sya pakasalan nung 1month pa lang namin, ngayon naisip ko grabe ang emotion pabigla bigla. Pano pala kung kinasal nga kami nun, edi sobrang laking pagsisisi ko.. Kaya wag kayo papadala sa emotion nyo, kilatisin nyo muna at magsama muna kayo ng matagal bago kayo magpakasal ng hindi kayo nauuwi sa annulment πŸ˜…πŸ˜‚ mahal ko naman lip ko. Pero parang mas sya na ang nagmamahal saming dalawa. Nabawasan nadin ung love ko dahil sa ugali nya, lagi ako sinisigawan at minumura, nahuli ko pa na gusto nya kitain ex nya. Inaantay ko na lang din na sya na makipaghiwalay sakin eh. Baka mas gumaan pa buhay ko. Laki din ng hinaggard ko nung naging kami. Parang hinigop nya ung energy ko. Nakakadrain. πŸ˜ͺ

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I think the feeling is mutual. Gusto mong balikan mga ex mo, gusto nya rin makipagkita sa ex niya. So, I don't know why hindi niyo pa napag-uusapan iyan-- ah i know, lack of communication. This is just an opinion, but I think, both of you lacked communication. Communication is not just about saying what you want to say, but also making sure na nage-gets ng partner mo ang nais mo iparating. Kasi kung hindi mo nasu-sure na nagets nya kung ano ang pinapahiwatig mo, still, kulang pa rin kayo sa communication. You lacked communication in a way na hindi mo naging concern ang reklamo ng partner mo tungkol sa work niya. The workplace can be stressful sometimes, walang malabasan yung tao ng sama ng loob so the least we can do as their partner is to listen, help them clear their heads and encourage them to go on. Ang trabaho kasi, wala yan sa laki ng sweldo. Kung malaki nga sweldo mo pero hindi tao ang trato sa iyo o chinachallenge na ng work mo ang emotional and mental state mo, talagang magrereklamo o bibitaw ka dyan kahit milyon pa kinikita mo. If I am wrong abt this then I apologize, I am just basing on your post. At hindi mo rin nilinaw dito kung ano ang nirereklamo specifically ni LIP, kung saan sya nahihirapan, etc. Yes, you have a right to be mad at him for selling his phone for a PS4. Another lack of communication kasi mukhang clueless ka na iyon ang balak nyang gawin sa pinagbentahan. You are also unaware why he did this. What stresses him out para kailanganin nang mapaglilibangan? Yes, you also have a point to be disappointed sa negosyong hindi natuloy at pagdiscourage nya sayo sa pagbebenta-benta. Pero since sa diskarte ka nya may malaking problema, here's the real issue-- mukhang pinapalabas mo na hindi ka nakikialam sa pera ng LIP mo kasi pera nya 'yan-- so dapat nilinaw mo sa kanya kung pano sya gumastos. Kung alam mo na kulang sya diskarte at alam mong mas madiskarte ka sa kanya, (btw, natututunan ang diskarte, hindi yan in-born) dapat nakialam ka na. Magkaroon ka ng pakialam. Tinuruan mo. Inencourage mo yung negosyo na balak nyang itayo, niremind mo sa kanya palagi. Tinulungan mo sya hindi yung umasa ka lang at naghintay na tuparin nya on his own yung negosyo. When you see your partner spiraling down on a life aspect, dapat tinutulungan mong makapag isip ng maayos o mapansin ang mga pagkukulang niya. Inaalam mo kung bakit nagkakaganyan siya. I would have a different opinion kung minention mo rito na inalam mo kung bakit pinaggagagawa niya iyan, but due to your lack of initiative makipag communicate sa kanya, wala kang nabanggit na possible reasons kung bakit ganyan ang behavior nya. You fix a problem together, hindi yung pera nya yan, di ako makikialam tapos at the end of the day, magrereklamo ka. Remember, magkatuwang na kayo sa buhay kaya dapat may pakialam ka na. Yes, hindi responsibilidad nating babae na i-fix ang isang lalaki pero applicable lang ito sa dating stage. Ngayon, magkatuwang na kayo sa buhay. Ibig sabihin, nagtutulungan na dapat kayo.

Magbasa pa
5y ago

Before kasi pinagawayan namin ng malala ung about sa pera nya, binigyan sya ng tip ng boss nya na 100k. And guess what, nalaman ko na lang nung ubos na. Though napunta naman sa pagawa ng condo nila pero why you have to hide it from me? Galit na galit ako nun dahil ung time na un walang wala kami at pinaramdam nya na wala syang kapera pera, kahit man lang itreat ako sa labas o kahit jollibee man lang hindi nya nagawa, where infact punong puno pala ung bulsa nya. Galit na galit din sya nung nagalit ako, ang sabi pa sakin "Bakit sino ka ba, bakit kelangan ko sabihin sayo ung pera ?", masakit sakin masabihan ng ganon kaya after nun nawalan na ko ng pake sa pera nya.. Ganon pala tingin nya sakin, kahit pag tinatanong ko bakit sya labas ng labas, sisigawan pa ako ng" Sino ka ba? ", eto, may work nanaman sya, same job, assistant ulit ng chinese and 50k salary. Pero same rants nanaman naririnig ko pag nasa kotse kami. Ano bang gusto nyang gawin ko, ako ang bubuhay sakanya? And about dun sa ex