Jowa kong walang trabaho pero tagapag mana

Mag sstay ba ko sa jowa kong ubod ng tamad at walang diskarte sa buhay as in (wala syang work simula lockdown hanggang ngayon, pachill chill lang sya) pero tagapagmana ng mga ari arian nila sa china? Chinese sila at nagiisang lalaki sya. At ate nya. Dalawa lang sila. Pero same sila lumaki dito sa pinas. 78yrs old na ang papa nya, mommy nya passed away in 2013. Natatakot ako na baka once na makuha nya lahat un saka nya ko iwanan. Kasi ngayon ako palagi ang gumagastos sakanya. Ako lang kasi ang may income saming dalawa. Pag nagkakapera sya, puro luho ang binibili. Di man lang ako maalala na bilhan ng pasalubong man lang o matreat sa resto or kahit pang salon o pedi. Btw, libre ko sya lagi pag nagpapa footspa at mani pedi ako. Ayoko kasi ung ako lang ang maayos. Bibigyan ko din sya pera pang gupit nya sa brunos o kaya sa bench. Ayaw nya sa mga tabi tabi lang na barber. May pagka madamot din. Dati nung sya ung may work at ako ung wala, sobrang sama ng loob nya pag gagastusan nya ko, oorder sya milktea, bibilhan nya ko pero isa sakin, sakanya dalawa. Iinumin nya un magisa. πŸ˜” Sobrang pagtitiis ko sa kanya. Gusto ko na syang iwan kahit pa tagapagmana sya, para akong may alagang bata. Nakakapagod. πŸ˜”Pero saming dalawa sya lang parati ang nagbabanggit ng kasal. Kahapong umaga bigla na lang nya nabanggit habang naglalaro sya ps4, na once na makuha na namin ung dream house and dream business namin magpapakasal na kami, pero di ako nakaimik.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku gurl, ang pera nauubos pero yung katangian ng tao na madiskarte at masipag never mawawala yun kahit ano pang mangyari in the future. At gaano ba kalaki makukuha nya? Baka nga bago kayo magpakasal eh papirmahin kapa ng pre nup agreement. Maging matalino ka gurl, wag ka papalugi. Jowa ko before wala kapera pera pero tinulungan ko makapag put up kami business, asawa kona ngayon kasi naging masipag sya at madiskarte sa business namin.

Magbasa pa

umalis kna po kung d kna sure. kung instant yaman hindi ka masasave. bka maging instant mahirap din kayo kung hindi niya pinag hirapan, hindi niya alam pano papalaguin at aalgaan. . magulang lang niya ang mayaman hindi po siya. kung ngayon plang ganyan n siya, ilang taon lng itatagal ng yaman niya after niya mamana .

Magbasa pa