I think the feeling is mutual. Gusto mong balikan mga ex mo, gusto nya rin makipagkita sa ex niya. So, I don't know why hindi niyo pa napag-uusapan iyan-- ah i know, lack of communication.
This is just an opinion, but I think, both of you lacked communication. Communication is not just about saying what you want to say, but also making sure na nage-gets ng partner mo ang nais mo iparating. Kasi kung hindi mo nasu-sure na nagets nya kung ano ang pinapahiwatig mo, still, kulang pa rin kayo sa communication.
You lacked communication in a way na hindi mo naging concern ang reklamo ng partner mo tungkol sa work niya. The workplace can be stressful sometimes, walang malabasan yung tao ng sama ng loob so the least we can do as their partner is to listen, help them clear their heads and encourage them to go on. Ang trabaho kasi, wala yan sa laki ng sweldo. Kung malaki nga sweldo mo pero hindi tao ang trato sa iyo o chinachallenge na ng work mo ang emotional and mental state mo, talagang magrereklamo o bibitaw ka dyan kahit milyon pa kinikita mo. If I am wrong abt this then I apologize, I am just basing on your post. At hindi mo rin nilinaw dito kung ano ang nirereklamo specifically ni LIP, kung saan sya nahihirapan, etc.
Yes, you have a right to be mad at him for selling his phone for a PS4. Another lack of communication kasi mukhang clueless ka na iyon ang balak nyang gawin sa pinagbentahan. You are also unaware why he did this. What stresses him out para kailanganin nang mapaglilibangan?
Yes, you also have a point to be disappointed sa negosyong hindi natuloy at pagdiscourage nya sayo sa pagbebenta-benta.
Pero since sa diskarte ka nya may malaking problema, here's the real issue-- mukhang pinapalabas mo na hindi ka nakikialam sa pera ng LIP mo kasi pera nya 'yan-- so dapat nilinaw mo sa kanya kung pano sya gumastos. Kung alam mo na kulang sya diskarte at alam mong mas madiskarte ka sa kanya, (btw, natututunan ang diskarte, hindi yan in-born) dapat nakialam ka na. Magkaroon ka ng pakialam. Tinuruan mo. Inencourage mo yung negosyo na balak nyang itayo, niremind mo sa kanya palagi. Tinulungan mo sya hindi yung umasa ka lang at naghintay na tuparin nya on his own yung negosyo. When you see your partner spiraling down on a life aspect, dapat tinutulungan mong makapag isip ng maayos o mapansin ang mga pagkukulang niya. Inaalam mo kung bakit nagkakaganyan siya. I would have a different opinion kung minention mo rito na inalam mo kung bakit pinaggagagawa niya iyan, but due to your lack of initiative makipag communicate sa kanya, wala kang nabanggit na possible reasons kung bakit ganyan ang behavior nya.
You fix a problem together, hindi yung pera nya yan, di ako makikialam tapos at the end of the day, magrereklamo ka. Remember, magkatuwang na kayo sa buhay kaya dapat may pakialam ka na.
Yes, hindi responsibilidad nating babae na i-fix ang isang lalaki pero applicable lang ito sa dating stage. Ngayon, magkatuwang na kayo sa buhay. Ibig sabihin, nagtutulungan na dapat kayo.
Anonymous