Going 34 Weeks, Ftm. Kinakabahan

Ninenerbyos nako. Hayszt, Minsan tuloy napapasabi at naiisip ko na sana di muna ako nag baby. Pero guilty ako don, kasi baka maramdaman ni baby un. Basta todo dasal nalang ako na kayanin ko, at safe si baby yun ang mahalaga. Napakaduwag ko e. ? Napakababa ng pain tolerance ko, Tapos sa hospital pa na pag aanakan ko, bawal may kasama. So kaylangan ko talaga ng lakas ng loob ? Dec 26 Edd via utz and lmp. Cheer nyo ko please ?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po ako momshie kahit 2nd baby ko nato. Para kong nanganganay ulit kasi 6yrs gap sa panganay ko. Kabado din ako. Pero pray lang tayo. Para sa baby natin. Lahat kakayanin natin. Isipin mo palagi makakaraos ka. 34weeks nako today. Nakakaramdam nako ng pain.