Takot Manganak

32 weeks nako, ftm 23yrs old. Lagi sinasabi sakin ng ilan na sobrang hirap manganak, baka di ko kayanin. So ano un? Mamatay ako? Kasi sa totoo lang oo natatakot ako pero nangingibabaw yung excitement ko sa pagdating ng baby ko, at alam ko may tiwala ako sa baby ko na di nya ko papahirapan at bbgyan ako ng lakas ng loob at pangangatawan sa araw na yun, pero lahat sila tinatakot nila ko so minsan natatakot nadin ako. ? Cheer me up guys ?

63 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ftm rin mamsh 21 yrs old, pero pag may nagsasabi sakin na mahirap pag ganto ganyan pasok sa kaliwang tenga labas sa kanang tenga. Kasi kung magpapatakot ka sa mga sinasabi nila matatakot ka talaga. Ang isipin mo nlng mamsh ung makita mo baby mo. Ako di ko na iniisip ung sakit kasi normal lang naman na dadaan tau sa sakit na yan pero iniisip ko lang lagi nd ung sakit kundi ung makita ko baby ko. Kumbaga parang nag sskip na ung sakit ng labor pag naiisip kong manganganak na ako 😊😊. Much better na kausapin mo about sa pregnancy ung magbibigay ng positivity sau.

Magbasa pa
VIP Member

For me sis yung actual na manganganak ka na hindi man masakit kasi mas nangingibabaw yung sakit ng Labour. Yung labor kasing sakit ng 10times na sakit pag may period ka ganun para sakin a kasi umabot ako 2 and a half days sa paglilabor ko kaya masasabi kong 10times. Halos parang kinurot nalang ako nung hiniwa o ginupit yung kepkep ko tas pagkalabas ng baby ko saka nawala yung sakit ng tyan ko tas saka ko lang naramdaman yung hapdi ng kepkep ko nung nilabas na yung inunan ng baby ko. Isipin mo sis 16years old lang ako nun kaya mas kayang kaya mo.☺

Magbasa pa

Lakasan mo lang loob mo and pray. Hindi magandang magpa affect ka sa pananakot nila kasi ikaw din ang kawawa. Tbh masakit, mahirap kahit pagkalabas ni baby masakit pa din lalo after mawala bisa ng anaesthesia at ramdam mo na yung tahi (normal or cs) pero ginusto mo kasi yan eh kaya panindigan mo diba? Ganun talaga maghihirap para kay baby, mas madami pang haharapin after manganak. Ftm din po ako. 21 yrs old. Kakapanganak ko lang 3 weeks ago. Pero kinakaya. Pray lang and support ng partner and fam kakayanin natin yan!

Magbasa pa

Yes, masakit, super. Pero yung pain tolerance mo tataas din talaga while on labor dahil walang ibang haharap sa bagay na iyon kundi ikaw. Kaya be prepared. Read, watch videos, sobrang dami nang materilas ngayon online. Educate yourself so you know what to do when the time comes. Also, prepare and bear with your body, exercise so physically ready ka. Kaya mo iyan, nagawa nga ng iba. πŸ˜‰

Magbasa pa
VIP Member

Same here, natatakot den akong manganak kasi first time ko. Kasi daw masakit manganak, binibigyan pa ko ng sample. Pero lagi kong tinatatak sa utak ko na kaya ko kaya ko, kaya namin ni baby. Kaya kahit manganganak na ko, kahit masakit, nginingiti ko nalang, pinipilit kong tumawa para lakasan loob ko, nakanta den ako ng Christian songs. Kaya alam kong kaya nyo yan ni baby mo sis ❀️

Magbasa pa
VIP Member

yes totoong mahirap pero laking saya at ginhawa naman after. Don't be scared, tip lang, kapag pinaiire ka na, once na humilab tyan mo ire ka yung parang najejebs lang, wag kang sisigaw kase mapapagod ka lang, yung pwersa kase nasa lalamunan wala sa paglalabasan ni baby. Plus pagagalitan ka ng doktor. Kaya silent lang ang ire yung parang tibe ang nillaabas mo genern.

Magbasa pa

FTM din takot din ako pero mas nangingibabaw yung excitement talaga. Talagang gustong gusto ko na syang makita tska normal na po yun na talagang dadaan at dadaan tayo sa ganitong sitwasyon yung hirap at sakit ng panganganak ayun yung nakalagay sa bible 😊 kaya pray lang po tas kanta lang tayo ng christian songs πŸ˜‡ godbless everyone πŸ˜‡πŸ™πŸ»

Magbasa pa

Wag mo sila pansinin Ou mahirap at masakit pero hindi nman na to the point na mamatay ka. Kung regular nman check up mo sa OB at wala kang komplikasyon then no need to worry po. At alam ng doc if di mo kakayanin if ganun yung case ics ka pag nakita mo na baby mo mawawala lahat ng sakit 😊

Masakit ang labor sis pero kaya mo yan, habang naglelabor nga ako tinanong ko ung doctor kung may hinihimatay ba habang naglelabor kc feeling ko hihimatayin ako pero sabi nya wala naman daw hehe. Ung katawan natin na design para magsilang ng baby so wag mo isipin na di mo kaya...

Kaya mo yan sis. Lahat naman ng mararamdaman mong sakit sa pagle-labour at panganganak mawawala yan pag narinig mona iyak ng baby mo. Hehe 34w preggy din ako. 22yo pero malakas loob ko, tiwala ako sa dyos at sa baby ko. πŸ‘Όβ™₯️ pray kalang.