Pinagpalit sa iba

Ngayon ko lang nalaman na may iba na pala yung bf ko sa boracay sinabi sakin mismo nung gf ng kaibigan ng bf ko na palagi daw sila magkasama at tinawagan ko kanina yung number ng kaibigan ng bf ko ayaw daw akong kausapin ng bf ko tapos sinabi ko na kelangan ko siyang kausapin para malinawan ako hanggang sa sinagot na nga ng bf ko yung cp pero parang galit sya tapos parang wala din siyang ganang kausapin ako then tinanong ko siya kung totoo ba talaga yun ang sabi niya nung una hindi daw pero nung huli umamin din siya na totoo daw pala talaga tapos sabi ko sa kanya dapat sinabi mo sakin ng maaga para hindi ako naiistress dahil alam mong buntis ako tapos tinanong niya pa ako kung ano daw gagawin ko ngayong alam ko na meron na siyang iba edi sinabi ko na wala hanggang sa namatay na yung tawag tapos nung tinawagan ko ulit patay na yung cp. Kaya din pala siguro palaging lobat cp niya kasi talagang ayaw niya kong kausapin. Masakit man isipin pero wala akong magawa akala ko pa naman okay na lahat pero hindi pala saka kung kelan ako malapit na umuwi saka naman siya nagloko. Kaya nag decide ako na hihiwalayan ko na siya pag uwi ko although nakapag send na ko ng break up message sa cp niya hindi niya pa rin naman mababasa yun kasi lobat cp niya kaya makikipag break ako ng personal at saka namin pag uusapan yung tungkol sa sustento niya ky baby. Sorry po napahaba ???

74 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello Mommy. Maybe a blessing in disguise na din na nahuli mo sya na ganyan na habang BF mo palang. Mas mahirap kasi kapag kasal na. Kay baby, atleast you have a choice if isusunod mo sa surname nia then in the long run pwede mo ilaban ang sustento, or not nalang isunod sa surname mo and live peacefully without him. While bearing your child, please avoid stress as much as possible, and enjoy nalang your journey sa pregnancy. Hindi po madali pero possible. I hope you also have your circles, friends, and family na naka support and who loves you. It will help you to go through. After giving birth, I pray that you may have a blissful life together with your baby. Focus ka sa kanya and your self. Best of Luck Mommy. You can do it! You are designed to be a strong woman. πŸ™

Magbasa pa

Momsh, wag ka nang malungkot. Maapektuhan si baby nyan. Ganto na lang, kausapin mo na lang sya about sa sustento nya sa baby mopo. Since ayaw na nya, wag po nating ipilit momsh. Mas magiging misirable lang ang buhay mo kapag pinilit mo yung ayaw na sayo. Sabi nga nila ang nakakasumpong na mabait na asawa ay galing sa Panginoon (Kawikaan 19:14) Ang isipin mo yung Baby mo, wag ang sarili mo muna. Ganyan din ako noon sa ex ko, sad to say nakunan ako sa baby ko dahil pinilit kopa ding maging kami kahit alam kong magulo isip nya at kailangan nya na lang ako at hindi na nya ko talaga mahal. Iba yung kailangan ka lang sa mahal ka. πŸ™‚ Happy na ah baka mastress kapa, para kay baby happy langπŸ˜‡

Magbasa pa
5y ago

Always pray po, para sa inyo ni Baby. God BlessπŸ˜‡

Natandaan kita ate ikaw yung dating nag post na Nakunan ka at nanghinayang kase Nag antay na Kayo ng partner mo ng baby pero ngayon buntis kana ulit Hindi naman baby ang problem mo kundi yung mismong bf mo.. Alam mo ate Hindi kawalan ang ganung klaseng bf tanga nya iniwan ka nya At pinalit nya sayo yung babaeng Meron ng dalawang anak isipin mo nalang Hindi magiging Maganda buhay mo sa lalaking manloloko mahirap na magtiwala dyan ginawa na nya pwede nya ulit ulitin.be brave lahat malalagpasan mo yan kapit Lang Meron kang kakampi pag dating ng araw pag labas ng baby mo yan magiging lakas mo nya Ingatan mo sya.. Godbless you

Magbasa pa

Kaya mo yan momsh... i was once a single mom dn. When i was pregnant with my frst child, d na nagparamdam sakin ang daddy nia 2mos palang ung tummy ko.. What made me stronger is the thought na hindi ako ang nawalan, :) i have my baby. I keep on thinking that maybe his not the guy for me. GOD just use him to give me the greatest blessing i could ever have which is my son. :) God will make him realize everything that he has done. Hindi man ngaun, im sure someday he will. Forgive him. It will help you move on easily and let God do the rest :)

Magbasa pa

mabuti na rin at hindi pa kayo kasal kasi for sure kung hindi man ngayon, in the future you're still free to give your love to someone who deserves it. but for now, may isang anghel sa tiyan mo na need ng undivided attention mo. sa kanya sure ka na mamahalin ka kasi sayo iikot mundo nya lalo na in the early years of his/her life. i can feel your pain but at the same time, hinahangaan ko ang pagiging strong willed mo. goodluck mommy! God will never leave you and your baby!

Magbasa pa
VIP Member

I just hate how that man able to be with the other girl, not even thinking about the baby. If he able to sign in the birth cert of the baby, ask for a child support. It is under our Law. Demand from him. As of now, you must think about the welfare of your baby. You deserve someone better than him. He doesn't deserve to be your partner. Everything happened for a reason. God is always with you. Keep on praying. ❀️

Magbasa pa

Allow yourself to heal. Sapat na yung breakup message mo sa text. Wag mo i-look forward yung pagkikita nyo ng personal or yung sustento, baka madisappoint ka lang. Look forward to holding your healthy baby. Sa pagtatanong niya sayo kung ano gagawin mo since alam mo na, I see no commitment, ni walang remorse. Girl, wala na sya respeto o malasakit manlang sayo. You dont drserve a man like that.

Magbasa pa
5y ago

Tapos nalaman ko rin na buntis yung bago niyang gf 2 months kasi yun yung pagkakaalam ko pero nung tinanong ko talaga sya kung talagang gf niya yun at kung talagang buntis sabi niya hindi niya naman dw alam parang ayaw ko ng maniwala kasi may acct yung babae niya tapos may acct din siya na bago pareho nilang profile pic at cover pic ang mga pictures nilang dalawa kaya ayaw ko ng maniwala.

VIP Member

Masakit man pero dapat tanggapin mo Kasi wala kang pinanghahawakan like kasal, pero mas mabuti na yun nalaman mo ng mas maaga, focus ka nalang sa baby mo darating yung time na pagsisihan nya ginawa nya sainyo ng baby mo, yung nararansan nyang saya ngayon panandalian lang yan, Ang impoRtante may baby kana sa susunod lang na magmamahal ka maging wise kna

Magbasa pa
5y ago

Maigi na nga rin po kasi hindi pa kami kasal atleast alam ko na po salamat po 😒

Be strong po. Focus on yourself and on your baby. Kay baby nyo po ibuhos lahat ng love nyo. The pain might be too much right now but it will get better. It always does. Pray lang po kayo. Isipin nyo na lang po na yung baby nyo for sure di kayo iiwan at ipagpapalit sa iba. Sya yung magmamahal sa inyo nang buong-buo.

Magbasa pa

Dont worry may baby kana. Sya ang mgging dahilan para maka move on ka ng mas mdli though mhrap kasi ang hrap n nga ng pkiramdan pag buntis tpos broken pa TAKE that as a sign na nilalagay ka ni god sa tama. Atleast ngyon alam mo ng asshole sya. Buti nalang di kyo kasal.

5y ago

Kaya nga po buti na lang maaga ko pa nalaman na ganun pala siya