nightmare

Mga mamsh share ko lang napanaginipan ko kanina lang nangyari kaya medyo naaalala ko pa. Sa isang scene magkakasama mga tropa ng bf ko at yung gf ng isang tropa nya, Then kasama ng bf ko best friend nyang babae. Ako nandun din diko alam kung bakit pero mindset ko nun bakit sila magkasama naghaharutan pa silang dalawa tapos nagtatawanan habang ako nakaupo sa may gilid out of place. Then second scene umalis bf ko parang may gagawin ata nasa labas, Ako biglang tumayo tinanong ko yung girl na kasama nya kung bakit magkasama sila at di ako nainform pero sabe nya lang is " Ha? " tas ayun next scene nakita ko bf ko galit na galit nmn ako nun sinampal ko siya nung una parang di ko magawa or parang ayaw talaga sa panaginip ko na sampalin siya pero sa huli na sampal ko siya. Malakas, may sinabe siya " sakit sa panga ah " tas yun next scene ulit nasa kama ako natutulog siguro nakauwi na kami nun ng biglang nagalit bf ko nagdabog siya at nagwala pinagbabato nya ako ng masasakit iyak ako ng iyak nun kase masakit at buntis din ako nun baka mapano si baby. Tapos iyak parin ako ng iyak hanggang ginising ako ng bf ko kung nananaginip ako tapos nagising nlng ako na naiyak nga. Pero sa utak ko parang totoo talaga kase nararamdaman ko yung sakit. Ps: pregnant po talaga ako hindi lang sa panaginip

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

same lagi n lang gnyn panaginip ko..