UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies

Ang hirap sa mindset nating mga pinoy pag nabuntis automatic na dapat priority na din tayo ng partner. As long as hindi pa naman asawa, wala tayo karapatan humingi ng kahit ano unless para sa baby. Hindi natin dapat obligahin yung partner natin na pakasalan tayo, lalo na kung ayaw nila, o ipagsiksikan yung sarili sa kanila. Ngayong binigyan na tayo ng blessing ni God, sana mas mag focus tayo dun. Sana maisip natin yung purpose kung bakit siya binigay satin. Baka yung baby mo yung mapupuno sa buhay mo at magbibigay sayo ng genuine happiness na di naman mabigay sayo ng partner mo. Hindi sa kanya iikot yung mundo mo. Dapat maging matatag ka para sa sarili mo at sa baby mo kasi yan na yung buhay mo. Buhay mo yan kaya wag ko hayaan yung ibang tao na magdefine ng buhay mo.

VIP Member

Sis kahit ano pa yan .wag na wag mo sya i aabort .. sabi nga nila God has a plan for us .. Binigay nya sayo yan .kaya wag mo ialis sayo saka wag mo idamay ang baby sa anupaman na kasalanan or sitwasyon mo ngayon kasi wala syang alam dyan .. Blessing yan sis .naaawa ako kay baby .. saka mortal sin yan sis .. Mommy if ever na maisip mo ng ituloy mag sorry ka kay baby . Kausapin mo sya .. Humingi ka ng tawad sakanya na minsan sa buhay mo naisip mo syang ipalaglag . Kasi mommy nararamdaman nya yan .. At masakit sa kanya yan kahit pa sabihin mong dugo pa lang yan .. And isipin mo mommy madaming babae na gusto magkaanak pero di mabiyayaan . Pero ikaw mommy meron k tapos aalisin mo .. your blessed mommy .. Kasi ikaw napili ni God na magka baby .. Kaya please sis wag na lang ..

sis wag ka magtakot sa sasabihin ng pamilya mo.. sila ang unang uunawa sayo please wag mo gagawin yan sa baby mo. ako wala din ama ang anak na dinadala ko niloko din ako ng lalaking sobrang pinag katiwalaan ko sa mahigit na anim na taon. naisip ko din lahat ng naisip mo pero sobrang nag sisisi ako na naisip ko yung gawin sa anak ko. hanggang ngayon di pa din ako nakaka move on sa mga nangyari pero hindi na kasing sakit nung una na halos araw araw umiiyak ako at di makakilos. pero alam mo naisip ko hindi ibibigay sayo ang baby mo ng walang dahilan. minsan kasi nakikita na natin na yung taong mahal natin e hindi talaga para sa atin pero pinipilit natin kumbaga kasi naniniwala tayo pero ito na din siguro yung way para alisin k sa relasyon na hindi nyo deserve ng anak mo.

Wag mo isipin ang napakaraming problem mo ..tingin mo b pag pin abort mo Yan eh mawawala na problem mo ... Hayaan mo Yung lalaki Kung San cya masaya Kung sa tingin mo mo eh HND mo n cya Kaya pakisamahan then go away from him in the first place Sabi mo nga pinagsasabihan k n nya ng masasakit ano na susunod ? Sasaktan k na nya .? Tuloy monlng pagbubuntis mo Kung inaalala mo naman ang kahihiyan sa pamilya mo .. Wala k ng magagawa dun kundi tanggapin pasasaan b at lilipas din Yan at mawawala din galit ng pamilya mo sayo .. family is family kht ano pang pagkakamali mo matanggap Ka nila ulit.. Marerealize mo Yan balang araw .. At least wala Kang regret kapag tinuloy mo ang pagbubuntis mo bagkos pagmamalaki mo pa ng nakayanan mo .. GOD Bless you Girl 😍😍😍

please po wag mo idadamay si baby 😥 wala sya kasalanan. buhay narin po yang nasa sinapupunan mo.. malalagpasan mo din po lahat ng problem na yan mag pakatatag ka.. if you want na iwan na si guy iwan mo na at lumapit ka sa pamilya mo at humingi ng tulong sa pag alaga sa magiging anak mo. sila lang tanging makakaintind sayo.. walang masama maging single mom. gawin mo po inspiration ang magiging baby mo. in the future you can find someone na tatanggapin ka pati ang baby. naka tadhana ang baby na yan sayo kaya bigyan mo sya ng pagkakataon mabuhay sa mundo.. masakit man po sa ngayon at feeling mo di mo kaya pero pag nakita mo na ang baby mo at hawak mo na sya sa kamay mo mababago ang pananaw mo sa buhay.. always pray po para maguide ka ni God sa gagawin mong decision.

Sobrang tanga mo talaga sis pag tinuloy mo ang pagpapalaglag(sorry for the word).ikaw na nga nag sabi na ayaw nila sa baby mo pati ba naman ikaw ayaw mo din sa kanya..mag isip ka ng positibo sis wag mong pangunahan ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari isa pa nasa tamang edad kana di kana teenager para ikatakot ang pag bubuntis mo,yung mga teenagaer nga na wala talagang kakayahan tinutuloy nila ang pagbubuntis nila ikaw pa kaya.isa pa walang kasalanan ang baby sa katarantaduhan ng tatay nya..manghingi ka sa kanya ng financial support para di ka mahirapan pag pumalag pa barangay mo.kaylangan mong maging matapang hindi yung nag papatalo ka sa emotion mo.hindi sagot ang abortion para makalaya ka baka kamalasan pa ang manyari sayo pag tinuloy mo yang binabalak mo.

wg mo ipalaglag ako 3 na anak ko tatay ng dlwa kong anak iniwan ako panganay ko 2yrs old pngalawa ko pinagbubuntis ko plng inwan na kmi oo ngicp dn ako ipalaglag peo ngdasal lng ako ky god na gbayn kmi lalo na sa gstusin nkaya ko nmn . . nakilala ko tatay ng bunso ko un tnggap nya yng mga anak ko happy na kmi. . kahihiyan wg mo icp yn kc halos lht ng tao ngiicp ng d magnda sa kapwa kpg ngbntis ka ako hnyaan ko nlng cla kesa mastress ako tinuon ko nlng sa mga ank ko at sa work ko attension ko . . panganay dn ako anak kht papaano nkakatulong ako sa kptid ko ng aarl . . lge lng ako ngddasal na wg kmi pabayaan . . pamily mo sa una lng yn mggalit kpg nkita na nla anak mo mtutuwa un. . kya mo yn alm ko mskit mlalagpasan mo yn ksma ang baby mo ❤❤

Sabi mo Lang Yan sis na hindi mo Kaya.. kapag na isilang mo na Ang baby mo..lhat kakayanin mo para SA kanya.. mahirap Ang sitwasyon mo,naranasan ko din Yan..pero dko naiisip o sumagi SA isip ko na ipa abort Ang baby ko..bagkos kailangan kong maging matatag at maging matapang na harapin Ang pag subok na Yun.. nabuhay ko mag Isa Ang mga anak ko..walang sustento as in solo Akong nagpalaki SA mga anak ko..nagttrabaho ako..nung una d tanggap din tanggap pero NG Makita nila Yung apo nila sobrang saya nila..2lang kming magkapatid... Pray kA Lang sis..pag si god Ang sentro mo makakaya mo lahat NG pagsubok..sobrang Mahal ko din Ang ex husband ko..pero kpaglumabas na Ang baby mo..dun mo malalaman Ang kahalahan nya..god is good all the time sis..god bless

wag m nmn sana idamay si baby sis....hindi m ba naisip na baka xa ang blessings na binigay ni papa God sau sa dami dami ng problemang kinakaharap mo ngaun... kung sinasabi or iniisip m na wala kang kakampi sa kanila.. naisip m ba na baka yang baby mong yang ang nag iisang magiging kakampi mo sa mga pagsubok s buhay mo. God moves in a mysterious way...kung nahihirapan ka at marami kang problemang kinakaharap ngaun.. bka si baby ang blessings na pinadala ni papa God para maovercome mo yan lahat... remmember, they are angels. hindi nmn palagi nakalugmok k s probmela mo.. darating din ang time makakaahon ka... at mas masarap isipin na ang baby mo ang pagkukuhaan m ng lakas...keep praying na sana tulungan ka s mga desisyon n gagawin m. Gudluck sau at kay baby.

Siguro nga napakadami mong iniisip sa mga oras na to, karamihan niyan puro negative. Napakasakit din ng nangyari sayo dahil nagawa kang lokohin at saktan ng mahal mo at ng pamilya niya. Pero alam mo may isang positive na nangyari sayo yun yung baby sa sinapupunan mo. Biyaya yan galing sa Diyos oo hindi mo pa makita yung kahalagahan niya sa ngayon pero believe me once na makita mo siya, mahawakan mo siya, may bagong pagasa na makikita ka sa buhay. Magkakadahilan kana para mabuhay at gumising sa bawat araw. Mahirap sa una lalo pag walang suporta sa mga mahal mo sa buhay pero lumaban ka, INA ka na, maging responsible ka nanay para sa anak mo. At higit sa lahat humingi ka ng tulong sa Diyos walang ibang makaka enlightened sa isip mo kundi siya lang. 🙏🙏🙏

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles