UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ko na rin tinapos sis. Pero ito lang maipapayo ko sayo. Alam mo nman kung ano ang puno't - dulo ng problema mo ngayon. Alam ko rin na nade-depress kna sa sitwasyon mo. Ang di ko lang mawari ay kung bakit idadamay mo ang unborn child mo? Di ba dapat, siya ang magiging lakas mo pra mgpakatatag at lumaban sa hamon ng buhay? Wala siyang kasalanan sis para alisan mo siya ng karapatang mabuhay. Kung hindi mo na kayang pakisamahan ang partner mo, then leave. Mamuhay ka kasama ang magiging baby mo. Mahirap pero walang di kakayanin ang isang matino at mapagmahal na ina. Huwag na huwag mong gagawin ang pagpapa-abort! Di ka patatahimikin ng konsensiya habang buhay. Maling-mali yan sis... Magdasal ka para maliwanagan ang pag-iisip mo. Good luck and God bless!

Magbasa pa

Advice ko lang po. Wag mo isipin sasabihin nang iba. Ako nga sa edad na 17 nabuntis ako pero anu ginawa ko mas pinili ko buhayin ang anak ko kahit yung tatay niya gusto ipalaglag anak namin. Ang dahilan pa niya sakin hindi niya kayang iwan ang buhay binata. So nag desisyon ako na buhayin ang bata, habang nag aaral, nag oonline selling ako. Napupundar ko pangangailangan nang anak ko. Kahit galit sakin pamilya ko, pinush ko pa din. Ang nasa isip ko, binigay siya sakin ni God para maitama ko ang lahat nang mali ko, na maging malakas ako, na ang anak ko lang ang mag mamahal sakin yung pag mamahal na walang kapantay. Masarap sa feeling na ang anak mo ang lakas mo at same time kahinaan mo din siya. Isa siyang blessing. Kaya mo yan mommy. Fight lang.

Magbasa pa

hindi po kasali si baby sa issue nyo ng kalive in mo. Dahil bago man malaman mo na may ginagawa syang masama sau, pumayag ka at nagkaroon kau ng moments together para magawa si baby. Hindi dapat ang baby ang kailangang magsuffer sa nangyari sau. Kung hindi ka na kumportable sa piling ng mga tao sa paligid mo, tutal di pa naman kau kasal, better lumayo ka nalang sa kanila, but NEVER EVER na ipalaglag mo nag bata dahil kasalanan yan sa Diyos. Mag pray ka lang na malulusutan mo din nag sitwasyon mo na yan. Na gabayan ka ni God sa journey ng pagiging nanay mo sa baby mo kahit wala ka ng makuhang support sa tatay nya. Madaming magagandang paraan ang nkaapaligid sau para isurvive mo ang buhay nyung mag ina, just be positive, magtiwala ka lang. Pray always po.

Magbasa pa

Palakihin mo ng mabuti anak mo, in the end of the day sya pa din magiging lakas mo kahit dalawa lang kayo o mag isa ka lang mag papalaki sa kanya, oo sa una mahirap walang namang naging matagunpay na gindi dumaan sa hirap. Matatanggap din ng pamilya mo. Pamilya mo pa din sila sila lang magiging sandalan mo. Sa tatay nya at pamilya nya , minsan mas makakabuting bumitaw kesa mag stay sa toxic relationship. Alam mo na sa sarili mo yung sitwasyon. Nasa sayo kung pano mo tatanggapin, pano mo ipaglalaban. Kailangan mo lang ng acceptance sa sitwasyon nyo ng tatay nya. Mag let go kung kailangan. Sarili mo pa rin tutulong sayo. Kaya mo yan mamsh! Try to be strong. Subukan mong tumayo ng walang nakaalalay. Always pray and have faith kay God. Godbless mamsh. 🤗

Magbasa pa

Tanga ka ba?? Walang kasalanan ang baby Sa mga Nangyayari Sa buhay Mo 8g I were you ipagpatuloy Mo Yan dahil Lalo Kang mamalasin niyan pagpina abort Mo Yan bleesings ang pagkakaroon Ng Anak ti kilabutan ka Jan SA plano Mo! At yang lip Mo Iwan Mo Yan 3h amo ngayun Kong lumabas yang bby Mo na wala ang papa niya d nman cguro kawalan yang lalaki Mo para mabuhay yang Anak Mo! Yang mga ganyang klaseng lalaki kunsumisyon lng Yan at kasalanan mi din Kasi my history na Pala yang lalaki na Yan na babaero umabot kapa talaga Sa point na nagpa buntis pa dapat nag control ka sis. Pero anong magagawa Mo anjan na Yan, don't gave up dahil Lang Jan instead IPA mukha Mo SA kanila na Kaya Mo kahit Wala ang suporta Nila at ang lip Mo mad Lalo kapang E bleesed Ni papa god niyan...

Magbasa pa
6y ago

hindi tanga ang tawag dun mommy, wala tayo sa lugar para sabihin natin yan. nag post siya seeking for help. not to be judge. Hindi tayo perfect. the fact na niloko siya ng taong mahal niya, andyan at nandyan ang pain na kahit anong gawin natin. masakit talaga... at dahil sa sakit nakakaisip tayo ng di maganda sa tingin ng ibang tao. like you, na jinudge siya dahil sa mga sinabi niya. Intindihin mo siya biktima siya ng pangloloko. to you mommy, (anonymous) ipagpatuloy mo ang pagbubuntis mo, start a new life with your baby. kung ang kinakasama mo niloloko ka at ginago ka, remember yang nasa tyan mo hindi ka iiwan niyan. if you need comfort and ears to listen, nandito lang ang TAP at kaming ibang mga mommies na nakakaintindi to support niyo with advices at positivity. Pakatatag ka mommy. God is always with us ❤

Naririnig mo ba sarili mo sa mga pinagsasasabi at iniisip mo?! Di sapat ang SORRY para pumatay ka ng bata at sariling anak mo pa. Ang laki na nga ng kasalanan ng BF mo sayo gagayahin mo pa mas matindi pa dahil pag patay yang naiisip mo! Saka walang kinalaman yung bata sa mga katarantaduhan ng ama nya' labas sya jan! Umuwi ka nlng sa inyo magalit man pamilya mo tanggapin mo dahil kahit sino ganon magiging reaction dahil sa kalokohan ng bf mo pero sila lng dn ang bukod tanging tatanggap at susuporta sayo lalo nat buntis ka. Matanda kna te para mag isip ng kung anong Tama at Mali. Mag PRAY hingi ka kay God ng sign kung ano dpat mong gawin at huwag na huwag mo ipalaglag yung bata kundi mahalin at alagaan ng maayos, palakihin mo syang puno ng pag mamahal.

Magbasa pa

In a more open-minded perspective, I would say na it's your choice because it's your body. If you think na mahihirapan kang palakihin si baby ng ikaw lang magisa at kung sa tingin mo ay magiging miserable lang siya, then do not prolong his/her agony. Just get it done with and abort the baby. Pero personally, kung ako talaga ang magdedecide, si baby ang paghuhugutan ko ng lakas to carry on kahit walang katuwang. Of course, iba iba naman ang mga tao. Be wise, and let go muna ng religious beliefs and traditions. Isipin mo lung viable ba ang future niyo ni baby if pagpapatuloy mo ang pregnancy, or hindi. Matagal tagal din na pagdedecide gagawin mo, mumsh. Suggestion ko is use your logical reasoning lagi. I hope the best for you and for your baby. 😊

Magbasa pa

nko2x wag po. wlang ksalan ang baby mo sender,ang daming single mom at hndi lng din ikaw ang my ganyang sitwasyon,u are 27yrs old ryt? alm mo sender yan ang magiging inspirasyon mo si baby, alm mo din b kung bakit bnigay sayo yan kse alm ng panginoon na kayang kaya mo yan. kung iniisip mo kawawa si baby dahil lalaki ng wlng father wag mong isipin yan dahil di mo kayang buohin yan kung wlang father meron sya kaso nga lng hihiwalayan mo, okay given hingian mo nlng ng sustento dahil para un sa baby mo responsibilidad ng lip mo magsustento jan sa baby mo.. naniniwala akong kayang kaya mo yan, wag mo pairalin yang emotion muna yan ngayon but its a normal kse nga buntis ka pero hanggang kayat iwasan iwasan sender... laging manalig sa dyos, be strong okay

Magbasa pa

Isa lang ang sagot jan. WALANG ALAM ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN MO pa lamang. huwag mo syang idamay. Hnd nman sya ang ngkamali eh. Isipin mo nlng, binuhay ka rn ng mga magulang mo. Kaya bigyan mo sya ng pagkakataong mbuhay sa labas ng tiyan mo. Nadedepress ka lng sa ngayon. Pero once na pinaglaban mo anak mo, at nakita mo na sya marerealize mo lht. Di baleng mawalan ng lalaki sa buhay, wag lng ang anak. Isipin mong KAYA MO! wg mong icping wala kang kayang gawin. Namuhay ka nga ng ikw lng. Manalig ka lng kay Lord. Wg mong hayaang mawala ang kapit mo sknya ng dhl sa niloko ka. Lahat ng bgay na nngyayari my purpose. Tulad nyan, nabuo ang anak mo dhl my PURPOSE sya sa mundong ito. Kaya wg kang gumwa ng masamang bagay pra lamang sa pgibig mo sa lalaki.

Magbasa pa

Mamshie relate ako sa problem mo kasi Ive been there and hindi siya biro same thing my family didnt knew about what going on gulo ng isip ko wala akong masabihan. Plano ko na din ipatangal but na realize ko walang kinalaman yung bata so I kept it. Naniniwala kasi ako sa saying na "all the s*** someone puts you through, sooner or later find its way back to them". Which is totoo Karma is real. And at this point if wala kang makausap you can talk to me pramise, opinion ko lng tuloy mo na si baby kasi baka magkaroon ng komplikasyon yung gagawin mo baka by the time na gusto mo na magbaby di ka na magkaroon pano na teh? Im pretty sure may lalaking darating sa buhay mo na tanggap kyong mag ina. Ipag prapray kita kay lord na malinawan isip mo.

Magbasa pa