UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies

Hindi tlaga maganda na one sided love lang. Always learn how to love your first before others. Laginh sinasabi ng parents ko na if a man cant treat you better then leave him. No one deserved to feel unspecial. Wag mong ipalaglag ang bata! Hindi nya kasalanan f***** up ang buhay nyo ng bf mong tarantado. Habang buhay mong dadalhin sa iyong kunsensya kung ipalalaglag mo sya. Lahat ng bata miracle of God. Imagined,Osa ka sa mga pinagkalooban ni God. Hindi reason ung keso ikaw bread winner,ako din bread and butter ng family ko but never nila ako sinakal. Matanda ka na you,You can stand on your own kung gugustuhin mo. Kung hnd mo sya kayang palakihin buhayin mo sya at dalhin sa ampunan pero wag patayin pls! Maawa ka! You dont know kung anong nararamdaman ng baby mo now. I cried yesterday nung nakita ko ang baby ko na super likot sa tummy ko. I hope na gawin mo ang nararapat. Buhayin ang bata, Iwan ang bf mo at magsampa ka ng kaso for child support. Kung ako ang kapamilya mo I swear buing pamilya nya ang sisingilin ko na nararapat sa anak ko. Pray to God. Challenge lang yan sayo na dpat kang lumaban.

Hello. At somehow, nkarelate aq sa story m. Except lng don sa may nabuntis xa. Yung family nya aware na my MGA babae xa while buntis aq pro tinotolerate nla. Alam q yng gnyang feeling na khit ksama m xa araw2, eh nssktan ka prin kc alam m ung nangyyri. inisip q ring ipalaglag baby nmen. Pro mas nanaig ung kagustuhan kong buhayin c baby. Alam m ba ginawa q? 5months preggy aq nung nag decide aq to leave him. Wala kong pakealam kng mging single mom ako. Kase im on the right age naman narin to have a baby! Tiniis q lahat ng mag isa. Gsto nyang bumalik aq sknya pro hnd aq bumalik kc auq na ng stress. Nakkatrauma ung ginawa nya. Until nung nanganak na q, bumabalik prin xa. BLESSING yan sis kaya wag na wag mong ipapalaglag yan! Lahat ng nangyri sayo, may reason yn. Tsaka isipin m nlng, hnd lahat nabbiyayaan mgkaron ng anak tpos ikw papalaglag m lng? sbrang sarap sa feeling ng my baby. Ngaun palang naiisip q ng my mkksama aq sa lahat ng bonding moments. At xmpre sa pgtanda q narin :) 2months na baby q and sbrang masaya aq sa naging decision ko. Pinag iisipan q prin kng babalikan q ung tatay nya.

Hi mommy, unang una sa lahat HUUUGS!💜 Naintindihan ko sitwasyon mo at kung bakit mo naiisip ang magpalaglag sa kadahilanang niloko ka ng iyong live-in partner. Momsh, masyado na malaki ang baby mo at tao na yan. Mas mainam sigurong umuwi ka na sa pamilya mo para merong mag kalinga sayo habang buntis ka. Pinaka masarap sa pakiramdam ay may taong nag aalaga sayo tulad ng nanay mo or kapatid mo na pwede kang suportahan ng taos puso. Yung lalaki na yan ay hindi na magbabago. Kung ako ang nasa lugar mo ay hihiwalayan ko na lang yan at hihingi na lamang ng sustento. Kung lagi ka lang naman din mumurahin ay wala ng galang yan sa pagkatao mo. Sana hindi ka nya sinasaktan. Gawin mong lakas ng loob ang baby mo dahil kailangan mo sya bigyan ng maayos na buhay kahit wala ang kanyang ama. Mahirap din makisama sa pamilya ng lalaki kung hindi ka nila tanggap at maaari din ito maging sanhi ng iyong depression. Uwi ka na friend. may pamilya kang tatanggap sayo. Magagalit sa una pero mahal ka nila. Mag ingat ka lagi ha. Masaya magka baby lalo pag nginitian ka ng sarili mong anak. 💜🙂

Parehas kayo ng sitwasyon ng kaibigan ko nung buntis na sya saka lang nalaman na may babae pala sya kaya pala matamlay na yung guy saknya. Pero bilib ako sa friend ko wala syang pake kung wala ang tatay ng baby nya hiniwalayan nya to at tinuloy ang pag bubuntis nya. Sa anak nya binuhos lahat ng pag mamahal lalo na ng manganak na sya ginawa nyang inspiration napaka swerte nya rin naman at napaka ganda ng anak nya. Ngayon mag 9month na ang baby girl nya wala syang hiningi kahit anong sustento sa lalaki pinakita nya na kahit mag osa lang sya magiging maganda ang buhay ng anak nya. Kaya sana sis gawin mo rin inspiration ang baby mo wag mong isipan sya ng masama wala naman syang kasalanan eh. Pakita mo sa boy friend mo na kaya mo kahit wala sya hindi kawalan ang mga ganyang lalaki mga man loloko makakahanap karin ng right guy para sayo pero habang wala pa sya yung anak mo muna ang mahalin mo. Ako na mag sasabi mas magiging bless ka pag tinuloy mo yan kesa gumawa ka ng masama habang buhay mong dadalhin sa kunsensya mo yun. At hindi mona maalis sa isip mo yung ginawa mo.

Kaya mo yan sis . Di ka bibigyan ng problema ni lord kung d mo kayang solusyunan o malampasan . Walang mga magulang ang makakatiis sa anak , ipaliwanag mo lang ng maayos lagy mo maiintindihan ka din nila kasi mgulang din sila . Msama na idamay c bby sa ngyayari kasi wala syang kaalam alam sa ngyayari .. Ang daming momshie na gusto mag kaanak ng d nabibiyaan kaya bago sana gumawa ng maling desisyon ay pag isipan mabuti . At jan sa partner mo mkakalimutan mo din yan kung iiwan mo , gawin mo nalang pkisamahan mo muna sya hanggang sa mkapanganak ka , pag okay na tsaka mo gawin kung ano dapat mong gawin . Tayo kasi mas nakakaalam kung hanggang kailan mag iistay . Pang hugutan mo ng lakas c bby , wag mo din sya hayaang ikaw mismo ang mag down o mag paramdam na wala syang worth sa mundo lalo d pa sya nakakalabas . Mas mahalin mo sya dhil sya lang magiging lakas at kakampi mo pag dting ng araw . Wag mo gawing mahina ang srili mo dahil sknya gawin mo syang lakas para malampasan ang lahat . Alam ko madli lang magsalita , pero alam ko na makakaya mo yan sis . In jesus name

Ituloy mo sis. Mas masakit sa baby mo kung pati ikaw igi-give up sya. A baby is always a blessing. I got pregnant at a very young age. 17 yrs old lang ako. My daughter is now turning 21 yrs old today. At alam mo blessing sya sa akin kahit di kami nagkatuluyan ng daddy nya. During my pregnancy siguro twice ko lang nakita bf ko nun. Tumawag pa ko sa kanila tapos sya mismo nakasagot sa landline nila pero nagdeny pa. Worst pa nun, sa kabilang kanto lang sya nakatira pero di nakakabisita. Well bumalik sya nung nanganak ako. Pero after 3 yrs, ako mismo humiwalay. My daughter is such a blessing to me. Close sya sa akin until now. Nagwo work na sya ngayon and dami nyang achievements. Mahirap talaga na ma-betray ng taong pinagkatiwalaan mo at minahal. Ipagpasa Diyos mo na lang lahat. Saka anak mo yan, wag mo pagisipan ng masama. Lahat ng pain mo, itaas mo sa Diyos para lumuwag pakiramdam mo. Darating ang panahon, mauunawaan mo kung bakit ngyari ang ngyari. Sana sis ituloy mo ang pregnancy mo. Tutal maayos naman kamo work mo. Kaya mo yan!

We really had the same issue. Before when I am pregnant with my first Baby I found my husband cheating with his ex. I am 7 months pregnant at that time. I accidentally read their conversation and it hurts me knowing na even though I already had his child in my womb he still not contented with me. I cried and I faint from what I discovered, they still seeing each other. I was about to leave him and raise our child on my own but he pleaded with me to stay and I did. I choose to eat all my pride not because I love him but because I love my Baby. Bumawi naman sya. He ended his affair with his ex and he always shows me that he really loves me and our Baby. But his Karma arrived when our Baby turned 1-year-old up to now. She never liked her Papa being around, she always told us that she loves me and not her Papa. FIY I didn't teach her to hate her Papa, I swear it's just coming out to her. I even talk to her that she treat her Papa wrong but she always insists. My husband talks to me that may be it was his fault. He cheated before not only to me but also to our Baby.

Nalulungkot ako para sayo sis.. Nilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon mo.. Pero wag ka po magpaabort,, may buhay na yang nasa tiyan mo.. Hiwalayan mo na yang lalake na yan.. Mas marami ang nagmamahal sayo, lalo na pamilya mo.. Nung buntis ako ng 3months sa bf ko, tinago ko sa pamilya ko, kasabay nun, ngresign pa ako sa work dahil sobrang nasstress na din ako, makakasama din samin ni baby, lalo na 1st baby ko ito.. Takot na takot ako na malaman nila kasi breadwinner din ako sa bahay, tapos ngresign na nga ako, at buntis na ako.. Naiiyak ako kasi sigurado na magagalit sila sakin, baka di nila tanggapin ang sitwasyon KO.. Pero thank God, imbis na magalit, natuwa pa sila.. Suportado nila ang pagbubuntis KO.. Lapit kadin sa pamilya mo,, at mas magandang advise din kung sa magulang mo manggagaling ang sagot nila sa katanungan mo.. Be strong sis,, para kay baby mo.. Di lang sya anak ng nanloko sayo, kungdi anak mo din sya.. Sa ngayon sis, si God ang kailangan mo higit sa lahat, tumawag ka sa Kanya.. Nanjan din ang family, relatives or friends mo.. Kapit lang

Opinyon ko sis ituloy mo ung baby mo KC blessing xia sau na dumating xia...dahil sakanya PATULOY Kang lalaban SA buhay...about SA bf mo iwanan mo nalng xia KC never na kau mag kakaruon Ng maayos na relasyun lalo na SA ginawa Nia at paulit ulit at the same girl masakit sis na makipg hiwalay pero bandang huli maiisp mo dn na Tama Ang desisyon mo KC xia Ang papatay sayu at SA baby mo...KAya mo Yan lagi mo iisipin na anjan na Ang baby mo na magmamahal sayu bless xia sau na dumating xia SA buhay mo KAya wag mong hayaan na itulak ka s masama Ng demonyo Ng dahil Lang s problema mo s NARARAMDAMAN mo s MGA Taong NAKAKA Sama mo...about Naman s family mo mauunawaan ka nila cguro KAya napag sasalitaan ka nila Ng d maganda dahil TUtol CLA SA bf mo at nangyayari SA buhay mo Mahal kanila galit CLA KC nakikita nilang nasasaktan ka Lalo kamo at ikaw Ang bread winner s PAMILYA nyo... Laban Lang at iwasan mong ma stress...Pray ka palagi....KC pag stress ka so baby Ang maapektuhan ung bf mo pabayaan mo xia may karma din Naman na darating para SA kanya at SA ginagawa Nia...

Hi sis. Be STRONG and TRUST YOUR WORRIES TO GOD ! Stand for what is RIGHT. Hindi naman tamang makisama ka kung talagang wala ka ng trust at ayaw na ng puso't isip mo sa kanya. But what is right is to push with your pregnancy, masarap magka baby sis its something na hindi mo pagsisisihan mahirap sa simula pero pakatatag ka para sa inyo ng anak mo, tanggapin mo lang kung anong sasabihin ng fam mo its normal and at the end of the day family is family. Trials come and go. Pagdating ng araw tatawanan mo nalang pinagdaanan mo, kesa naman hanggang hukay kang maguilty sa pagpapalaglag mo sa baby mo Muntik na din akong maloko ng ex ko before, buti nalang hindi ako pumayag sa gusto nya, not knowing na buntis na pala ung babae nya na pinagseselosan ko. Dahil sa katangahan kong pagpapatawad sa kanya muntik na din akong mapahamak buti nalang natauhan ako agad. Hindi ako dumating sa point ng same ng situation mo now. Pero before pa man I stand against abortion kaya pinalaya ko siya kahit nagpipilit siya sa akin. TRUST IN GOD. Everything Happens for a reason sis.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles