UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung ako sayo sis, wag ka matakot magpa laglag kung un talaga ang gusto mo. Personally dko gagawin sa sarili ko yan pero hindi ako totally against jan para sa mga ibang taong gustong gawin. nakikita ko palang sitwasyon mo base sa kwento mo nahihirapan nko. Wg kang mtakot. Pro pgisipan mo mabuti. Siguraduhin mong years from now dka mag sisisi sa ggwn mo. Buhay na usapan jan, kaya d lang doble o tripleng pag desisyon ng maayos ang ggwn mo, more pa. U need time. Pgisipan mo. Wg padalos dalos. Baka nadadala kalang dn ng galit mo ngaun at lungkot. Wag mag desisyon kapag ganyan nararamdaman kasi kawawa pdn ung baby. Pro kung un tlga gsto mo, hnd k namen masisisi sa sitwasyon mo at lahat tayo may sariling buhay at kung ano desisyon nten labas na ang ibang tao don. Hnd dn namen nararamdaman Kung ano ang nararamdaman mo. Kaya wlang kht sno sa comments ang mkkpg sbe ano ang tama mong gawin dahil sarili mo yan, ikaw at ikaw lng dn mkkpg weigh ng decisions mo base sa sitwasyon mo at nrrmdman mo. Bsta kung ang desisyon mo ay ipalaglag ang anak mo, wag kang mtkot.

Magbasa pa

Ako iba namn magka sama na kami nang bf ko mag 1year na kmi nang bf ko din. Umuwi sya nang probisya nila last may 2019 din nag sama kami din itong january nalaman na 2mos pregnant na ako masayang masaya ako pero sya parang hindi nasisiyahan syempre 1st baby namin Tapos itong feb. Lang nakita ko sa messenger nya may babae nag send nang pic.at kilala ko kasi x nya dati din animin nya saakin na nong pag uwi nya pala my nangyari saka nila nang x nya din nabuntis yung babae subrang sakit dinamdam ko nang dinamdam kaya nakunan ako hindi ko inisip na magpa laglag kasi kayang kaya ko buhayin yung anak ko at kahit magkasama kmi hindi nya nman ako binibigyan kahit pambayad nang bahay kaya yung iniisip ko lang kung ano sabihin saakin nang pamilya ko kaya subrang sakit at wla akong ginawa sakanya ngayon sinisisi ko yung sarili ko kasi dinamdam ko kaya na laglag yung baby ko ngayon nga antay nlng ako kung ano gagawin baka babalik sya sa x syempre my anak sila at hindi na ako nag iisip kasi baka mabinat ako kasi nong nkaraang araw lang ako nakalabas nang hospital.

Magbasa pa

I was on that situation too, 5 months ago. Ang pagkakaiba lang, hindi buntis si other girl. Pero same ugali as your partner. Laging mainit ulo, kung makasabi ng tanga at bobo akala mo alam lahat. Nanliliit din ako sa sarili ko before knowing na College Grad ako tapos minamaliit lang ako ng partner ko na Hschool grad. Dati kapag nagaaway kami, nagugulat nalang ako na bigla syang di uuwi tapos malalaman ko nalang sa kapatid nya na dun sya natulog sa parents nya. Problema ko pa Mama nya kasi super kinukunsinti yung anak nya. Pero above all, pinili ko na ituloy yung pregnancy ko. tapos 2mos after giving birth, nung di ko na talaga natiis yung ugali nya nakipaghiwalay na ko. Ngayon single mom ako, pero di ako nagsisisi kasi super sarap sa feeling magkaron ng anak πŸ™‚ Until now kinukunsinti parin sya ng nanay nya, pero i don't mind. as long as I have my son, wala na kong pake sa kanya. Mahirap, Yes. Pero masarap sa feeling. So I suggest, wag mo ipalaglag Sis. Isipin mo nalang na may karma, and believe that God is with you πŸ™‚β™₯️

Magbasa pa

Lagi mo isipin may mas malala sitwaxon sayo..i come to realize that..isa pa hindi ibibigay yan ni Lord if hindi mo kaya..di maghiwalay na kayo if un ang decixon mo..pero walang kasalanan ang bata bakit xa ang madadale..hindi xa kahihiyan..modern age na tayo never na kahihiyan yan lalo na ikaw gumawa nyan..you just have to live with it..hindi maiiwasan na mgisip na ipalaglag lalo na magulo isip..pero magwait ka lang magiging excited ka na rin for the baby lalo na pag nagparamdam na sayo makita mo sa ultrasound..ako kada nakikita ko sa ultrasound naiiyak pa rin ako lalo na nung kumakaway siya..worth ang pain and suffering..grabe pinagdaanan ko and here i am trying for us to survive kahit kami dalawa lang..marami gusto mgkaanak hindi nabibiyayaan kaya chance mo talaga yan..kung sa tingin mo di mo talaga kaya my mga centers for pregnant..yes nghanap ako para lang makasurvive kami..marami paraan at makakatulong..alagaan ka nila until manganak ka and mgdecide ka if paampon mo ung bata or ikeep mo..pagisipan mo mabuti kesa pagsisihan mo sa huli..

Magbasa pa

I won't judge you kase di ko naman pwede sabihin sayo na sana bago ka bumukaka ay nagisip ka muna dahil 27 yrs old kana nga. Hindi mo naman kasalanan na hindi aminin sayo ng kalive in mo na nakabuntis sya. Advice lang. Wag mo ipalaglag ang bata kase bigay sayo yan ni lord. Panindigan mo tutal may work ka naman sabi mo nga then kung ayaw mo na sa lalaki na kinakasama mo edi hiwalayan mo sya buhayin mo magisa ang bata. Sabi mo nga ikaw ang breadwinner sainyo sguro naman pagkapanganak mo pwede mo iwanan sa pamilya mo yung anak mo para makapag work ka or kung di naman at ayaw nila alagaan ay tumigil ka sa work at ikaw ang magalaga sa baby mo obligahin mo yang jowa mo na magbigay ng sustento para sainyong dalawa karapatan mo yon. Sguro naman matagal mo ng sinusuportahan ang pamilya mo, tama na muna. Unahin mo din muna ang sarili mo. Kung di nila matanggap ang baby mo then bitawan mo pag support sakanila at gawan mo ng paraan para masuportahan si baby I know di madaling gawin pero mas okay naman yan kesa patayin mo yang nasa loob mo.

Magbasa pa

Life time na pagsisisihan mo kung magpaabort ka sis. Mahirap sitwasyon mo pero hindi ito dahilan para palaglag mo ang bata. Talk to your parents and siblings tell them honestly about your situation. Sa una talagang magagalit sila, makakapagsabi ng mga salitang hindi talaga maganda pero later on matatanggap rin nila sitwasyon mo. Pray and talk to God always. Before you speak to them pray. God will teach them to understand your situation. Let go of your partner. Fucos ka sa baby mo. Ako 33 ko na, twice akong namatayan ng anak at sobrang sakit para saamin yon. You are still blessed kasi God is giving you opportunity para maging mother. Pakatatag ka sis manalangin ka palagi. Gawin mong kakampi at sandigan ang Panginoon di ka nya papabayaan. May our Gracious God look upon your situation, help you, comfort you and give you wisdom. May he give you the strenght that you need. God bless sis. Every baby in our womb deserve to live. Only God has the authority to take one persons life. Manguna sana ang banal na pagkatakot mo sa ating Panginoon.

Magbasa pa

Sa dami ng advices sana buo na loob mo na ikeep ang baby . . Dahil ang anak mo mag ssilbing kinabukasan mo at motivation makabangon ulit. . Bsta tandaan mo hindi ka nag asawa para maltratuhin ka lang at bastusin. . Be STRONG and FIRM. . Kht anu sabhn ng pamilya mo matatanggap nila yang anak mo kasi family pa rin ang makkapitan mo sa oras ng kahirapan di man sila masaya sa naging buhay mo hanggang ganun lang sila kasi concern sila sau mas gstu nila mapabuti ka kaso disappointed sila sa ngyon.. pero kung lumipas man ang panahon mag babago rin pananaw nila sayo once makita nila nakabangon ka .. Wag ka matakot maging single mother. . Lahat ng katatagan mo sa loob mahhugot mo yan sa anak mo .. masaya na mahirap mag kaanak pero worth it lahat ng sakripisyong dadaanan mo makita mo lang siyang lumaki ng maayos GOD BLESS YOÜ ❀️ Prayers also helps a troubled mind and heart. . Isa yan sa pag subok sayo ni God today.. Ienjoy mo pagiging buntis lalo na pag sumisipa siya mamimiss mo yan pag nanganak ka na sa kanya :)

Magbasa pa

don't abort the baby plz..sakit Oo but think about whats good killing an angel is sin..habang buhay mo pagsisihan yan.u need to do is break up with him if needed para sa baby ksi c baby ang kawawa..im a singlemom to my first baby here😌 ina bandona kmi nang anak ko nang papa at masakit pa deny niya sa parents niya nabuntis niyaπŸ˜₯ subrang depression ko nga yun cguro almost 4month din yun and i want to abort my baby or killing myself kasi kawawa anak dahil papa niya walang kwenta its hard na lalaki walang papa anak koπŸ˜₯ its too late na din nalaman ko d lang ako binuntis at ina bandona niya wala pala kmi..Now im 22weeks preggy i feel my baby kickimg and moving it feel like i choice the right thing to keep my child and moving on mahirap sa simula but im still bless parin dhil sa parents ko they still love me and support me AT c papa godπŸ™πŸ˜‡..sila yong lakas mayron ako ngayon para patuloy sa buhay at para sa anak ko.. Pray ka lang it will help Blessings din c baby sa buhay natin.. GOD BLESS AND ALSO TO YOUR BABY.

Magbasa pa

Mommy, kung nasaan ka man, ito ang tandaan mo, hinding hindi magiging kahihiyan ang batang dinadala mo. BAKIT MO IKAKAHIYA ANG ISANG BAGAY NA BIGAY SAYO NG DIYOS? hindi ako galit, hindi rin kita hinuhusgahan dahil iba iba tayo ng level of tolerance of pain. Ang sakin mommy, fight for your baby! Make your baby your strength mommy, please. Gusto mo sya iabort para makalaya sa bf mo? Pero half ng dugo ng batang yan ay iyo mommy. Para mo nading pinatay ang sarili mo. Your family might be sad pero eventually, mamahalin din nila ang baby mo, pamilya mo sila, mahal ka nila, at malamang mamahalin nila ang baby mo. ISIPIN MO THIS IS THE PERFECT TIMING, ang pagbubuntis mo ang perfect timing para iwan mo ang bf mo. Hindi magiging maganda ang buhay mo at ni baby sa piling ng lalaking yan at ng pamilya nya. Isipin mo, sign yan ni God sayo na humiwalay na sa bf mo mommy. Magpakalayo layo ka muna. Umuwi ka sa family mo, nurse your wounded heart pero keep yourself healtht for the baby. God is with you, mommy. Keep fighting! πŸ’•

Magbasa pa
VIP Member

iwan muna ung bf mo,once is enough,twice is too much,too much n katangahan kung pata2warin mo p xa ulit,wag kn mghintay ng pangatlo kaga2han na un,sorry sa harsh word pero u must face d reality sis,ndi rason ang ayaw mong lumaki n walang ama ang iyong anak kaya ayaw mo xa iwan dahil andami n single parent ngaun n naging maayos ang pagpa2laki sa anak nla n mgisa lng cla,asa tao yn wla s kung buo o wasak ang family..isa p once ang tiwala nasira may lamat n yn at ndi muna mabu2o kht kailn kaya for life kn laging may pagdu2da at takot n mglo2ko ulit ang bf mo..tapos isa p yng family ng bf mo naku sis khit maloko bf mo kung maba2it nmn sau mga inlaws mo mka2tiis kp,gising sis,pnga2buso n yng gingwa nla sau,..wag kng matakot keep d baby balang araw mgpa2salamat k n tinuloy mo yng pgbu2ntis mo,dont think negative,basta mgpray ka lagi,magtiwala k Kay Lord,may reason kaya nya binigay sau yng Baby n yn,ndi Nya kau paba2yaan sis basta lagi k lng tumawag s Knya..be strong,again iwan muna bf mo,u deserve someone better..❀️

Magbasa pa