Partner appreciation post

Next month pa ang anniversary namin pero sobrang overwhelmed lang ako ngayon at di ko sya macontain. Haha as in di ako makakatulog hanggang di ko to nailalabas hahahaha Skl dito since medyo shy ako magpakacheesy cheesy sa fb. Totoo talagang "it's the thought that counts" no? Si partner kasi, di sya showy o sweet. Di sya man of words. He's more into actions. Lahat ng maliit na bagay, kahit yung mga bagay na di ko namamalayan na nasasabi o nahihingi ko, binibigay nya. So kanina, binigyan nya ko ng shawarma. Syempre nagulat ako at nagpasalamat. Di kasi fan ng junk food o processed food si partner. Bago ko iopen, tinanong ko sya kung bakit. Ang sagot sakin, "baka lang namimiss mo. Wala kasi ako makitang fries kaya yan na lang binili ko". Natuwa ako kasi kahit ayaw nya sa mga ganun, tinotolerate nya yung mga gusto ko. BASTA PAGKAIN. Naawa na siguro kasi puro tinapay, prutas kinakain namin na merienda. Alam nya kasing sanay ako sa mga unhealthy foods HAHAHAHA Wala lang talaga 'to. Gusto ko lang talaga magshare hehehe #partner #appreciationpost

Partner appreciation post
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Ang sweet naman. Swerte mo mommy. ❤

3y ago

Onga po hehehe thank you mommy ☺️