Buhay binata si Partner

Need some advice. Hindi ko na alam kung ano bang mali. Ganito kasi 9 years na kami ng partner ko tapos ako college graduate, siya hindi kasi dahilan niya kaya daw siya huminto dahil wala daw ako makakasama pagkapanganak ko pero pakiramdam ko hindi talaga para sa kanya ang pag-aaral kasi dati pa pinapaaral siya lagi siya nagccut classes at hindi pumapasok naglalaro lang sa compute (DOTA) tamad talaga siya mag-aral. So ito na nga nanganak na ako samin na siya nakatira nagaalaga naman siya ng baby namin pero wala siyang trabaho at hindi rin siya naghahanap ng trabaho sagot kami lahat ng magulang ko lahat ng pangangailangan namin pati ng baby yung mga magulang nya maaalala lang kami kung kailan gusto at pinakamalaking binigay samin is 3k para sa vaccine ni baby isang beses in short wala talaga kami maaasahan sa magulang niya kahit alam nila na lalake anak nila at walang trabaho. Oo hindi nila kami obligasyon pero nun nagkausap sila ng pamilya ko ang sabi nila ay tulungan daw pero parang wala naman sila naitutulong. pasalamat na lang ako sa magulang na mayroon ako. mabalik kay partner, so wala nga siyang trabaho at dahil ayoko na umasa at nahihiya ako kahit 2 months pa lang baby ko nagpursige na ko makahanap ng trabaho at ngayon working na ko. Siya nagbbantay kay baby. Diba kapag natutulog ang baby dapat sinasabayan mo na ng tulog pero siya laro lang ng laro sa cp nya hanggang sa mapupuyat siya at sinsabi niya sakin na lugi daw siya sa pagbabantay ng baby e mas puyat pa siya sa paglalaro niya kesa bantayan si baby at anak naman niya yoon. Tapos tuwing saturday maglalaro siya sa computer shop kasama mga kaibigan niya simula 8pm hanggang 5am para sakin para narin siya nagwork non edi sana sumahod pa siya. kahit madalas ayoko dahil gusto ko siya palagi katabi matulog. kaming tatlo gusto ko palagi kami tabi matutulog. lagi niya sinasabi na wala siyang pakialam kahit magaway kami sanay na daw siya at kaya lang naman daw siya nandyan dahil sa baby. Hindi naman daw kami pamilya. kaya sobrang sama ng loob ko at palaging umiiyak kasi hindi ko alam kung ako ba yung mali. ultimo bisyo niyang yosi at laro binibigyan ko siya at galing yun sa magulang ko. Hindi siya naoobliga na wala ng gatas o diaper anak niya. tapos kapag nagaaway kami hindi siya uuwi ng ilang araw tapos paguwi niya parang wala lang nangyari. gusto ko na nga humiwalay sa kanya minsan kasi parang hindi naman niya gusto magkapamilya. sorry kung mahaba. wla lang talaga ako makausap. nakakalungkot. gusto ko lang naman na buo at masayang pamilya.

67 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas okay kung di kayo kasal ikaw na mismo lumaya at ikaw na mag adjust gagawa sya ng pamilya ayaw papala nya kung dahil sa bata lng pla kayo nagsasama dapay nag wowork din pla sya medyo makapal din mukha nya haha kayong dalawa gumawa nyan tapos ikaw lang mag suffer aba di pwede un mommy