LIP
Good afternoon mga mommies. Hingi lang po sana ako ng advices nyo tungkol sa live in partner ko. May 2 months old na baby kami. Simula nung mabuntis ako hanggang ngayon mag 2 months na baby namin wala parin siyang trabaho. Ang gumagastos samin ay family nya nsa ibang bansa mga ate niya, yung nanay niya nandito sa pinas. Dito sa bahay ng nanay niya kami nakatira. Hindi ko na alam kung ano talaga plano niya para samin mag ina kasi hanggang ngayon tamad parin siya maghanap ng trabaho. Lagi cellphone, laro. Nagpupuyat kakacp. Nakakapagod na kasi, lahat na dito sa bahay ako nagawa tapos siya ayaw parin magsikap maghanap ng trabaho. Pagdating sa baby namin mapagmahal siya at natulong nman siya kapag sinabihan ko. Iniisip ko mommies iwan ko nlng muna sakanya ang baby namin at pumunta nlng sa america(nandun family ko) pra makapag aral ako at makaipon pra sa future ng anak ko. Pero kasi natatakot ako baka never ko na makita ang anak ko once na nakipag hiwalay ako sakanya. Ano po ba dapat kong gawin? Wala naman po bisyo asawa ko, sa bahay lang siya hindi rin siya nabarkada. Tamad lng tlaga siya