Buhay binata si Partner

Need some advice. Hindi ko na alam kung ano bang mali. Ganito kasi 9 years na kami ng partner ko tapos ako college graduate, siya hindi kasi dahilan niya kaya daw siya huminto dahil wala daw ako makakasama pagkapanganak ko pero pakiramdam ko hindi talaga para sa kanya ang pag-aaral kasi dati pa pinapaaral siya lagi siya nagccut classes at hindi pumapasok naglalaro lang sa compute (DOTA) tamad talaga siya mag-aral. So ito na nga nanganak na ako samin na siya nakatira nagaalaga naman siya ng baby namin pero wala siyang trabaho at hindi rin siya naghahanap ng trabaho sagot kami lahat ng magulang ko lahat ng pangangailangan namin pati ng baby yung mga magulang nya maaalala lang kami kung kailan gusto at pinakamalaking binigay samin is 3k para sa vaccine ni baby isang beses in short wala talaga kami maaasahan sa magulang niya kahit alam nila na lalake anak nila at walang trabaho. Oo hindi nila kami obligasyon pero nun nagkausap sila ng pamilya ko ang sabi nila ay tulungan daw pero parang wala naman sila naitutulong. pasalamat na lang ako sa magulang na mayroon ako. mabalik kay partner, so wala nga siyang trabaho at dahil ayoko na umasa at nahihiya ako kahit 2 months pa lang baby ko nagpursige na ko makahanap ng trabaho at ngayon working na ko. Siya nagbbantay kay baby. Diba kapag natutulog ang baby dapat sinasabayan mo na ng tulog pero siya laro lang ng laro sa cp nya hanggang sa mapupuyat siya at sinsabi niya sakin na lugi daw siya sa pagbabantay ng baby e mas puyat pa siya sa paglalaro niya kesa bantayan si baby at anak naman niya yoon. Tapos tuwing saturday maglalaro siya sa computer shop kasama mga kaibigan niya simula 8pm hanggang 5am para sakin para narin siya nagwork non edi sana sumahod pa siya. kahit madalas ayoko dahil gusto ko siya palagi katabi matulog. kaming tatlo gusto ko palagi kami tabi matutulog. lagi niya sinasabi na wala siyang pakialam kahit magaway kami sanay na daw siya at kaya lang naman daw siya nandyan dahil sa baby. Hindi naman daw kami pamilya. kaya sobrang sama ng loob ko at palaging umiiyak kasi hindi ko alam kung ako ba yung mali. ultimo bisyo niyang yosi at laro binibigyan ko siya at galing yun sa magulang ko. Hindi siya naoobliga na wala ng gatas o diaper anak niya. tapos kapag nagaaway kami hindi siya uuwi ng ilang araw tapos paguwi niya parang wala lang nangyari. gusto ko na nga humiwalay sa kanya minsan kasi parang hindi naman niya gusto magkapamilya. sorry kung mahaba. wla lang talaga ako makausap. nakakalungkot. gusto ko lang naman na buo at masayang pamilya.

67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sorry to say, pero kung gusto nya talaga magpakaama sa anak mo, dapat pursigido sya mismo sa sarili nya na gumawa ng way para sa baby. At wag nya sinasabing hindi kayo pamilya kasi nung time na nagkaroon kayo ng anak, dapat alam na nya sa sarili nya yung gagawin. I think kaya sya nagsstay kasi masarap ung buhay nya dyan. Kausapin mo nalang po mumsh yung partner mo. Your family will be there for you naman. Wag na yung family nung guy. Palayasin nyo na yan. Di ka naman pababayaan ng parents mo kay baby. Nanggigigil ako sa ganyang lalaki. Walang balls!

Magbasa pa

Immature pa ang bf/partner mo momshie. Kausapin mo xa at bgyan ng ultimatum. Tatay na xa at need nia maging responsable para sa inyong mag ina. Pag dipa din xa ngbago siguro need nio pareho ng space. Para malaman nia ang kakulangan at kamalian nia. Panigurado naman suportado ka ng family mo emotionally at financially. Need mo lang xa talaga turuan ng leksyon. Anyway, nasau pa din ang decision. Need mo lang talaga pagisipan ng mabuti ang gagawin mong aksyon. Goodluck momshie and God Bless sa inyo ng baby mo ❤

Magbasa pa

lahat naman gusto ng masaya at buong pamilya pero kung ganyan lang din naman ang makakasama mo sa buhay aba e para kana rin nagsingle mom talo mo pa nga e...imagine lahat na sinagot sa inyo tapos nakontento na sya dun lalaki yang baby nyo mag aaral yan lalaki ang gastos momsh kung ganyan lang ang makakasama mo sa buhay wag na maawa ka sa sarili mo total tinutulungan ka ng magulang mo andyan sila para sayo balik mo nalang yan sa pamilya nya mas magiging magaan ang buhay mo at ng pamilya mo.

Magbasa pa

Ano ba yan. Napakairesponsable. Wag mo kase isipin sarili mo, isipin mo yang anak mo. Tinutolerate mo kase kahit bisyo nya. Feel na feel nyang mahal na mahal mo sya kaya nagagawa nya yan. Kung talagang mahal nya kayo ng baby mo, gagawa at gagawa ng paraan yan para lang kumita para sa inyo. Tsaka nakakaloka huh, di ba sya nahihiya sa mga magulang mo? Kung ako siguro kapatid mo aawayin ko yan. Kapal ng mukha. Di na nga nakakatulong perwisyo pa!!!! Isip isip mamsh. Godbless!

Magbasa pa

Isip bata yan sis. Try him to let go kasi alam mo. Kahit Ikaw lang mag isa makakaya mo yan. Totally Anjan naman parent mo para Sayo. Saka Mabilis Lang naman lumaki ang bata. Sa susunod niyan Kakain na yan ng kanin hindi na masyadong magastos yun Dahil mukang Wala naman dulot yang Asawa mo. ✌ Ganyan din issue ko sa dati Kong Asawa kaya. Nag desisyon ako na Iwan na talaga sya Kahit may anak kami. Kasi lalo lang ako mai-stress Kapag pinag patuloy ko pa.

Magbasa pa
VIP Member

Ay anu siya yaya? 9 years na walang any growth sa kanya? At umaasa pa rin kayo sa parents niyo. Pano kung wala na sila? Kailangan niyo mag-usap para sa future ninyo. King hindi niyo makita ang future niyo together, I think dapat maghiwalay na lang kayo para makita niyo mga sarili ninyo at mag grow on your own. Nakakalungkot kasi na parang palubog lang yung relationship niyo. Baka next niyan mabalitaan mo na lang nambababae na siya o kaya nagdadrugs.

Magbasa pa

I feel you. cheer up ka lang para kay baby. u know what to do pero dahil gusto mo complete family kayo kaya kinakaya mo parin kahit nakakapagod nah. isipin mo nah lang future ni baby. lalaki sya pati mga needs niya paano nah lang dalawa pa sila kargo mo mas mahihirapan ka. ur partner will never change. now and forever he will be the same hindi mo maaasahan lalo pa hindi sya tapos mag-aral. do the right thing hindi pa naman kayo kasal.

Magbasa pa

... kung ung baby lang ang dahilan kung bakit xa anjan...pwede namang sabihin mo sa kanya na umuwi na xa sa kanila at sustentohan na lang si baby mo.. di bale xa pa rin ang ama... ang mali kasi hindi niya gusto makasama ka...so ibalik mo na sa magulang niya... dibale hindi ka naman mamatay kung wala xa... anyway si baby ipakilala mo pa rin si lalaki na ama niya... so in short may tatay pa rin ung baby mo... hindi nga lang kayo mgkasama...

Magbasa pa

Honestly speaking sis martir ka, ang isipin mo n lng ngayon si baby, be practical lalo na pra sa baby mo, mabuhay kyo ng 2 n lng, iwan mo aswa mo tutal tinutulungan k ng parents mo, un tulong nila pra na rin s baby mo, mag focus k sa baby mo at sa work mo, hayaan mo asawa mo, d n sya binata at may responsibilidad n sya na dapat n sya ang gumagawa, wag ka matakot at manghinayang s knya kse d sya worth it, wla sya kwentang aswa

Magbasa pa

Iwan mo. Unang una, di mo kasalanan di sya nakatapos. Kung gusto nya talaga, gagawa sya ng paraan. Sabi mo nga gusto mo na humiwalay, do it. If that will give you peace of mind. Hayaan mo sya magmature sa sarili nyang paraan. Kung kaya mong umangat mag isa do it. Isipin mo na lang ngayon may binubuhay ka na. Andyan naman parents mo to look after your child. Kung andyan sya para as anak nyo, alam nya din dapat obligasyon nya.

Magbasa pa