Buhay binata si Partner

Need some advice. Hindi ko na alam kung ano bang mali. Ganito kasi 9 years na kami ng partner ko tapos ako college graduate, siya hindi kasi dahilan niya kaya daw siya huminto dahil wala daw ako makakasama pagkapanganak ko pero pakiramdam ko hindi talaga para sa kanya ang pag-aaral kasi dati pa pinapaaral siya lagi siya nagccut classes at hindi pumapasok naglalaro lang sa compute (DOTA) tamad talaga siya mag-aral. So ito na nga nanganak na ako samin na siya nakatira nagaalaga naman siya ng baby namin pero wala siyang trabaho at hindi rin siya naghahanap ng trabaho sagot kami lahat ng magulang ko lahat ng pangangailangan namin pati ng baby yung mga magulang nya maaalala lang kami kung kailan gusto at pinakamalaking binigay samin is 3k para sa vaccine ni baby isang beses in short wala talaga kami maaasahan sa magulang niya kahit alam nila na lalake anak nila at walang trabaho. Oo hindi nila kami obligasyon pero nun nagkausap sila ng pamilya ko ang sabi nila ay tulungan daw pero parang wala naman sila naitutulong. pasalamat na lang ako sa magulang na mayroon ako. mabalik kay partner, so wala nga siyang trabaho at dahil ayoko na umasa at nahihiya ako kahit 2 months pa lang baby ko nagpursige na ko makahanap ng trabaho at ngayon working na ko. Siya nagbbantay kay baby. Diba kapag natutulog ang baby dapat sinasabayan mo na ng tulog pero siya laro lang ng laro sa cp nya hanggang sa mapupuyat siya at sinsabi niya sakin na lugi daw siya sa pagbabantay ng baby e mas puyat pa siya sa paglalaro niya kesa bantayan si baby at anak naman niya yoon. Tapos tuwing saturday maglalaro siya sa computer shop kasama mga kaibigan niya simula 8pm hanggang 5am para sakin para narin siya nagwork non edi sana sumahod pa siya. kahit madalas ayoko dahil gusto ko siya palagi katabi matulog. kaming tatlo gusto ko palagi kami tabi matutulog. lagi niya sinasabi na wala siyang pakialam kahit magaway kami sanay na daw siya at kaya lang naman daw siya nandyan dahil sa baby. Hindi naman daw kami pamilya. kaya sobrang sama ng loob ko at palaging umiiyak kasi hindi ko alam kung ako ba yung mali. ultimo bisyo niyang yosi at laro binibigyan ko siya at galing yun sa magulang ko. Hindi siya naoobliga na wala ng gatas o diaper anak niya. tapos kapag nagaaway kami hindi siya uuwi ng ilang araw tapos paguwi niya parang wala lang nangyari. gusto ko na nga humiwalay sa kanya minsan kasi parang hindi naman niya gusto magkapamilya. sorry kung mahaba. wla lang talaga ako makausap. nakakalungkot. gusto ko lang naman na buo at masayang pamilya.

67 Replies

naku sis mag usap muna kayo mabuti at masimsinan ng hindi nag aaway. alam mo sis yang mga bisyo sa laro na yan may kasama pang babae yan (based on my exp.) yung hindi mo pwede maistorbo sa laro kasi yun pla shota nya kalaro nya. nabisto si mister at pinapili ko ano ba talaga priority nya, kasi kung hindi pamilya nya, ano pang semse ng pagsasama namin diba? so ayun pinili nya kami at iniwan nya bisyo nya. yung ate ko naman yung asawa nya pinapili din nya barkada, bisyo o pamilya? aba ang bilis magdesisyon nagbalot agad gamit at umuwi sa nanay nya. eh di ayun masakit man sa ate ko pero kailangan maging masaya, maginahawa, free from stress sya sa asawa nya at nagfocus na lang sa anak nya, ngayon kaming pamilya ni ate ang katuwang sa anak nya. at yung asawa nya ayun naglaho na parang bula, di na talaga nagparamdam kahit in.laws. grabiii di ko malimutan nagagalit panasawa nya bakit magtitimpla ng padede samantalang ate ko may bitbit ng bag at baby nya. grabeeee magtitimpla na lang.... wala talaha sense of fatherhood yung lalaki. salamat sa dyos at yung atw ko nakamove on na dahil sa family support system.Dyos na ang bahala sa atin

Magusap kayo ng masinsinan, ilatag mo lahat ng gusto mong sabihin. Alamin mo kung ano bang plano niya sa buhay niya at sa pamilya niyo. Kung maganda man ang magiging response niya at sasabihin niyang magbabago siya, maghahanap ng work para sa pamilya niyo. Then that’s a good sign na may pagasa ba, baka kailangan lang talagang ipish si Kuya. Obserbahan mo nalang din or bigyan mo ng ultimatum para mapwersa nandin. Kung kabaligtaran naman yung magiging sagot or paguusap niyo. Hiwalayan mo na, iuwi mo na sa bahay nila. Wala naman kamong pakinabang at walang direksyon ang buhay. O kaya naman magusap usap kayo uli mg both families niyo, napagkasunduan na dati pero anong nangyari? Basta bigyan mo lang lagi ng ultimatum. Walang mangyayari sa pamilya niyo kung gaganyan yung padre de pamilya. Siya yung nagiging palamunin niyo e. Tapos isusumbat pa yung talaga namang responsibilidad at obligasyon niya sa bata. Very wrong yun.

VIP Member

mejo same case tyo nakatira kame sa side ko. walang work partner ko ako nagwowork. mahilig maglaro ng pc and nagyoyosi sya. nung kelan lang nag away kame kase kesyo siniksik ko daw sya dto sa bahay namen hndi sya makagalaw ng maayos mga ganun tas nakipaghiwalay. 10yrs kame together. na-realize ko momsh na okay lang saken kahit maghiwalay kame kesa naman magiging burden saken ang partner ko. sabi ko sa kanya kakayanin ko mag isa ang i even told him na sana makahanap sya ng tao na magmamahal sa kanya and makakapagpabago sa kanya. i also told him na sadly hndi kme enough ni baby pra magpaka-tatay sya. ang hirap momsh pero kelangan kayanin ko for my baby. ayun nakapag isip isip sya at nagbago naman sya. ang advice ko syo momsh kausapin mo si partner mo. kaya nga kayo PARTNERS eh. kapag walang effect let him go na.

I think buhay binata nga siya, and hindi pa talaga siya ready sa mga responsibilities at nasanay siya na andyan ung parents mo na handang sumuporta sa inyo financially, so petiks siya. Since sa kanya na nanggaling na kaya lang siya andyan dahil kay baby, so bakit mo pa pipilitin na magkaroon ng isang buong pamilya kung ganyan naman pala ang thinking nya. Much better na kayo na lang ni baby kesa dagdag pa siya sa problema and responsibilities mo. And besides nandyan naman family mo, mukhang hindi naman nila kayo pababayaan ni baby. Wag natin ipilit na magkaroon ng buong pamilya kung hindi naman kayo masaya pareho. Ipagdasal mo mommy na iguide ka sa magiging decision mo. Siguro hingi ka na din advice sa parents mo. 🙏

VIP Member

may mga bagay tlaga madam n ndi natin lubos maintindihan. pero s ipinapakita ng partner mo mukhang ndi sya handa s buhay n pinasok nya. hingi ka ng wisdom kay Lord. Kung may partner ka n ndi naman nakakatulong at pasakit lng binibigay sau bkit ka pa magtitiis.. Mahaba na ang 9yrs.. Aq bilang ama ako dpat ang foundation ng tahanan namin aki dpat kumakayod pero ndi gnun ung nangyari aq ang naging house husband. pero bilang house husband alam q mga obligation q. mag alaga kay baby gumising ng madaling araw pra magbigay ng milk s knya. para may lakas p dn si misis pg pasok kinabukasan. paghahamda q sya ng food pag uwi nya ng food n dn pra kain n kng kami. pg nagawa q n un tsaka lng aq naglalaro

Sis alam mo sya narin nagsabi na wala na syang pakialam.khit mag away pa kayl, so meaning wla na rin syang respeto sa relasyon nyo. At ano ba ang ibig nyang sabihin na kaya lang dw sya nanjan e para sa anak nyo, thats bullshit, e wla nga syang maambag, kundi ang mag alaga na kya naman sguro na ipakiusap sa mga magulang mo. At alam ko di sila tatanggi. Paalisin mo na, kc imbis na oahit pano makatulong sya, dagdag pasya sa pasanin mo dahil s aaraw araw mong dinadanas sa kanya. Pwede syang magpl pakaama kung alam na nya kung anong ibig sabihin non. Wag kang mag alala, mag magiging masaya ka, na kayo lng ng anak mo at ng pamilya mo. Kaya mo yan!mag ingat ka lagi. Hugs

alam mo sis yung mga ganyang klaseng lalake walang responsibilidad sa pamilya wala kang mapapala sa partner mo. hindi naman sa pagiging negative na magisip about sa inyo. pero what if nagkasakit si baby niyo tas siya puro bisyo pa at paglalaro imbis na maghanap ng trabaho para sa kinabukasan niyo. ngayon palang sis magisip isip ka na kasi sa situation mo mahihirapan ka e tandaan mo mabilis lang ang panahon lumalaki si baby pero syempre nasasayo parin ang desisyon kung sa tingin mo na magbabago siya if mapapakiusapan mo pa siya pero kung hindi mo talaga siya mapakiusapan much better na leave him kasi wala ka talaga mapapala.

Kung kaya mo na mommy at sa tingin mo mabubuhay mo na si baby sa tulong ng family mo, iwan mo na. Sorry for these words but as I see it wala siyang pakinabang sa buhay ninyong dalawa. Pagbigyan at hayaan mo na siyang magbuhay binata tutal yun naman ang gusto niya. wag mo na hayaan na mamulat ang anak ninyo na ang tatay nya may mga bisyo. Responsibility mo mommy bilang isang ina na ilayo siya sa masasamang ehemplo kahit pa ito ay sarili niyang ama. Mukhang hindi pa handang maging isang ama at magkaroon ng pamilya ang partner mo. Let him be para na din may peace of mind ka. 😊

medjo same tayo ng situation except dun sa napagsalitaan ka nya na kaya lang sya anjan dhil sa bby. fortunately di nya nasave sken un khit kelan. balik sa prob. iwan mo muna sya mamshie. nssbe nya lang yan ksi nag sasama kayo. pero pag naramdaman nyabg nawawala na kayo sa kanya "bka" kumilos na sya. minsan need mawala ng isang tao para mkita importansya. di biro 9 years pero wala namang masama kubg magpapahinga. di ka naman agrabyado nasayo anak mo. anjan parents mo. lagi lang positive. kubg di nya pa rin mkita worth nyo. let him, kawalan nya yun. ❤ xx

sorry to say this sis, kapag ganyan naman ang lalake mas maigi pang wala nang tatay ang anak ko. gusto mong buong pamilya pero hindi naman nakikitaan ang partner mo ng pagsisikap para sa inyong mag-ina. dapat ay kausapin mo na sya at magdesisyon na kayo. kung ako lang ang nasa katayuan mo ay hindi ko na panghihinayangan ang ganyang lalake. tutal naman ay nakatapos ka ng pag-aaral at may magandang work ka, kaya mong buhayin mag-isa ang anak mo. may awa ang Dios at hindi ka pababayaan ng Dios dahil alam nya ang situation mo. Kapit lang sa Dios sis.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles