Masakit yung walang pakielam sayo partner mo

Nawawalan na ko ng gana pati sa pag kain parang hindi tinatanggap ng sikmura ko pero ginagawa ko para kay baby sa kaniya na lang ako humugot na lakas. Ang hirap pala no sana partner mo yung kasama mo sa hirap pero tuwing nahihirapan ako sinasabi niya lang nag iinarte ako ako, sisigawan pa, mumurahin minsan nasasaktan na ko physically. Lately kasi parang na dedepress ako. Hindi ko alam bakit ganito, sobrang emotional ko pero wala naman ako mapag sabihan kasi ayoko idamay magulang ko. Halos araw araw ako umiiyak pero yung partner ko nagsasawa sa ugali ko. Nakikipag inuman palagi akala mo walang anak kung umasta. Sa work niya ang daming nag aaya uminom tapos nagkakagusto na babae. Hindi ko naman alam kung ano nangyayari talaga lalo na may past cheating issue siya kaya nag ooverthink ako araw araw. Ni maayos na assurance walang mabigay parang pilit pa pag rest day nasa bahay lang magpaparinig walang magawa gustong uminom. Ending parang kinokontrol ko daw siya tsaka minsan na lang mag buhay binata. Ang sakit ako ang bata ko pa, ako nahihirapan nakakaninggit kasi kaya niya maging normal while ako Hirap na hirap :(((

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nako hindi yan pag iinarte mi, ganyan talaga pag preggy, valid ang emotions mo. wag ka na lang din masyado magpaka stress para sa baby mo yung health nyo po ni baby ang mahalaga ngayon, sana magkaron ka ng courage na makapag open sa closest friend mo or kahit sa parents mo, for sure maiintindihan ka po nila imbis na sinasarili mo lang dahil makakasama yan kay baby, stay strong po ๐Ÿฅบ

Magbasa pa