Living with parents
Ang hirap pala talaga makitira kahit magulang mo pa sila. Grabe halos lahat isusumbat halos lahat mali mo eh. Wala ng nakikitang magandang nagawa mo. Iisang anak lang ako and ngayon may partner and baby na din pero dito kami nakatira sa bahay ng parents ko. Ang hirap, nag babalak na kami bumukod ng partner ko, pero ngayong malapit lapit na kami makabukod, ngayon pa nag kakalabasan ng sama ng loob. Ang hirap. Akala nila di kami natulong sakanila sa mga gawaing bahay. Di kase nila nakikita dahil may mga pasok sila. Isusumbat pa nila lahat na kala mo eh wala ka ding naitulong sakanila. Kung tutuusin nga di naman sila mag kakaroon kung di dahil. Sa amin ng partner ko pero hay nako po. Ang hirap mag salita. Tiis na lang talaga. Pero kanina nasagot ko na magulang ko sumusobra na grabe ang hirap parang di nila ka ano ano yung kasama nila sa bahay. #advicepls #pleasehelp #pleasehelp
Same Unica hija ako at nakapag asawa may dalawang anak.. Sabi ng parents ko wag muna kami bumukod since sila lang dalawa ng nanay ko nasa bahay mas masaya sila kasama kami at mga apo nila . Pero di nawawala yung nagtatalo talo talaga kaya mas maganda mas sariling bahay talaga . Yun naman ang goal di ba pag pamilyado na dapat nasa ibang bahay na .. kaya meron na din kami sariling bahay naipundar namin ng asawa ko.. kahit sinasabi ng magulang ko na ibenta nalang namin at dito nalang kami Sama Sama di ako pumayag 2nd investment namin Yun . nauna namin ni hubby magpundar ng sasakyan kasi naniwala kami na magiging ok talaga kahit Sama Sama kami . Pero Mali ako . di pala ganon kadali.. lalo na sa part ng husband ko pinapagalitan pa kasi ako ng magulang ko minsan minumura pa . gusto ng husband ko sumagot Pero di niya ginagawa kasi malaki respeto niya sa magulang ko at Isa pa mas lalo lalaki ang away kung makikisali pa si husband kaya pinili niya manahimik nalang .. Pero nasa isip na ng asawa ko na umalis na kami dito .. kinukumpleto lang namin mga kulang pa sa new house bago kami umalis...
Magbasa pawala ka magagawa kase nakikitira ka talaga sakanila. Kung maaga ka nag buntis at yan mali mo ang sinumsumbat nila wala ka magagawa kundi marinig yan ng paulit ulit. Kahit anong pagkakamali mo pagagalitan ka talaga. Umalis kayo sa poder ng parents mo para mag humilata ka man wala ka maririnig. Yan ang the best. kahit maliit na kwarto lang. Mahirap talaga ang nakikitira bhe. I experienced dati na para akong katulong kase nakikitira lang kami gusto ko matulog ng tanghali di ko magawa syempre na namimiyenan ako 😅namatay father ko. di ko sinabi na para akong katulong sa ibang tao, iisang anak lang din ako and maaga nag asawa.. the best pa din ang may sarili ♥ Keri yan. bumukod ka. nagging masikip na ang bahay kamo at need niyo din matuto. mapag kasya kung ano meron kayo. ganon. tapos mag Thank you ka sa pagpapatira sa inyo kahit sama ng loob ang nabigay sayo ☺️. kase nakinabang kapa din sakanila.
Magbasa paYung sa amin naman, may sarili na kaming bahay pero nasa iisang compound lang. Nahihirapan ako kasi yung biyenan ko eh lahat ng utos iniaasa sa asawa ko. Pati problema ng mga kapatid nya, asawa ko pa yung naghahanap ng paraan para maresolba. Tuwing umaga, minsan pag hapon at nagpapahinga ang mister ko, pati gabi, kinakatok kami para mag utos na may ipinapabil, atbp. Parang ginagawa niya lang na utusan yung anak niya. ewan, mahirap magsalita. Magkaka anak na din kami soon, di ko alam kung tama bang dito pa din kami. Di ko din masabi sa mister ko na talagang bumukod na kami kasi kahit papano, parents nya yung maiiwan niya.
Magbasa pamahirap talaga pag malapit lang sa mga in laws or even parents hehe. sana sa susunod mahanap na natin yung peace of mind na gusto natin. 😅
mahirap talaga ung ganyan mamsh kami ng asawa ko nag decide kami na mag rent kht gusto ng papa ko na iisang bahay na lang daw kmi kc mother ko din nmn napag iiwanan ko sa anak ko pag nag wwork kmi ng asawa ko (2 yrs old) pero sabe ko ayoko kaya nmn kht mangupahan kami sipag lang tlga at tulungan mag asawa sa totoo lang nakakastress din kc tlga pag ksma mo kht sarili mong parents nkaka pressure ganun. wala pa kayong privacy mag asawa tsaka mas marami sila expectation sau kapag nasa puder ka nila.
Magbasa paako bliktad pag sa srli nmin inuupahan xempre pagud ako at may baby tas may work c hubby.lagi ako pinauuwi ng pmlya ko pra may katuwang ako sa pag aalaga ng baby at pra mkatulog ng maayus.kht pag linis ng bote ng anak ko at paglalaba dmit ni baby mga kpatid ko kusa gumgwa.dpende kc cgru un.family oriented kc kmi kya gsto ni mader at fader n nsa bhay kmi lalo mga apo mas kligyahan nila n nkkita kming lhat na magkksma.at sa gastos ng fudang xempre tulong tulong din
Magbasa paPaano naman yung kagaya ko unica hija lang din ako tapos single parent pa gustuhin ko man bumukod ng kami lang mag asawa at ng magiging anak namin kaso di maiwan yung isa dahil hlaf body nya stroke. Palagi nalang kami nag aaway dahil nga di rin makaappreciate, ang dami din masyadong sinasabi. tapos feeling lagi kinakawawa at nagsusumbong sa mga kapatid kahit wala naman talagang ginagawa sa kanya kaya ang ending ako yung napapasama sa mga kamag-anak namin.
Magbasa paalam mo parents mo sila,di mo sila masisi kung gnyan sila. nasa poder ka nila rules ng bahay nila rules nila yun kaya wag kang anu jan... isa pa matatanda na magulang mo,kng ayaw mo ganyanin ka din ng anak mo. bumukod kayo kung ayaw mo jan.as simple as dat. ganun aman talaga magbgay k man o hndi tmlong k man o hndi may mssbi at mssbi pdn sau. gmwa ka tama. nakagawa ka mali may mssbi at mssbi pdn sau .. yan ang realidad...
Magbasa pabukod Po talaga Ang sulosyon kami subrang liit lang Ng room na inuupahan namin siguro 4×4 feet lang Ang laki Bali kami lang mag Asawa kasya Ngayon na malikot. na anak namin masikip na talaga kami pero nag titiis kmi na maka bukod nag babayd Ng rent 2k monthly kurente tubig atlest walang nanunumbat or nag babantay Kong paabotin man namin Ng kinabukasan Yung hugasin namin at Wala makiki alam hahahah
Magbasa paMas maganda talaga nakabukod sis kahit magulang mopa yan kasi pag nakabukod ka kasi kahit maghapon pa kayo nakahilata mag asawa makalat walang magrereklamo walang magbubunganga iopen mo din sa magulang mo na kailangan nyo bumukod para nadin sa katahimikan nyo buong pamilya kasi tulad niyan nagkakasamaan kayo ng loob
Magbasa pait is always better to leave and cleave based on my experience. Leave and cleave will help you grow and you and your husband will have a personal space without the judgement of other people most especially from your relatives. When you get married your own family is your main priority.