Sorry baby

Natatakot ako para sa baby ko, kakapanganak ko lang sa kanya. Nung una excited pa ako. Pero habang tumatagal parang ayoko na sya hawakan. Naiiyak ako pag iyak sya ng iyak. Parang nagsasawa na ako padedehin sya. Minsan naiisip ko na bakamasaktan ko sya. Naiinis ako sa sarili ko. Tapos Nakatira kami sa in laws ko, dagdag pa sa problema ung nanay nia dahil masyado niya kami pinapakielaman sa lahat ng desisyon namin. Mahal na mahal ko anak ko kaya natatakot ako na baka isang araw masaktan ko sya. Isa pa, na cs ako kaya limitado lang mga galaw ko. Akala ko nga kaya kami tumira pansamantala sa kanila para matulungan ako kahit papano sa pag alaga hanggang sa gumaling ako, kaya lang ako pa rin pala sa lahat. Nakakapagod lang talaga. Edit: Hindi ko po alam kung tama ba ung pag aalaga ko kay baby. Natatakot ako magkamali. Nanonood ako ng mga tutorial pero feeling ko kulang. Parang hindi ko sya kayang palakihin. Ung asawa ko supportive naman kaya lang mas nangingibabaw ung negative na nararamdaman ko. Para kong mababaliw..

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ganyan po naramdaman ko lately ang pinagkaiba lang napakasupportive ng mga tao sa paligid ko mula sa asawa ko, inlaws, mga magulang ko at mga kapatid nmng mag asawa..pero andami ko dng iyak tas napakabilis ko mayamot.

hi sis pray ka lng , and kung naka2ramdam ka ng pagod, hanap ka ng maka2 usap , or sa asawa mo, wag kang pa2talo sa nara2mdaman mo. be strong po, hayaan mo muna yung mga tao sa paligid mo, mag focus ka kay baby,

PPD po yata, ako po Cs din, ganyan din po na feel ko dati, un lng po after ko manganak as in rest po ako, alaga lang po ako sa morning sa baby, pag dating po sa gabi asawa ko na, saka cya din naglalaba

Parang ganyan din po nafefeel ko ngayon. Pag umiiyak si baby. Naiinis ako. 😢😢😢 nasigawan ko nga nung minsan tapos di maalis sa isip ko yung takot na baka kung ano mangyari kay baby. 😢😢😢

5y ago

Yes po...nakakaawa. grabe pa nsman makaiyak si baby. 😢

Omg. Akala ko ako lang nakakaramdam nyan. To be honest, I feel bad for my baby. Pero mahal na mahal ko sya. Minsan nga lang, nakakapagod din talaga. Pero never ko inisip na saktan sya.

Mapalad ka momsh dahil andyang supportive ang asawa mo. Wala naman daw perpektong magulang eh.. Ang importante ginagawa mo ang lahat para kay baby mo. Stay strong. Hugs.

VIP Member

PPD po yan. Tatagan mo lang po ang sarili mo, labanan mo po yan, at magdasal. Malalagpasan mo rin po yan. Lahat naman kakayanin natin para sa anak natin.

VIP Member

PPD yan momsh, ganyan ako.. But then nag open up ako kay mommy ko kaya nababawasan ng konti at buti I have the best brother and mother in the world..

Hay kakalungkot nman😢sana dko maranasan...baka diko rin kayanin.same nakikitira lang sa in laws. Kaya natin tu mga momshie...pray lang tayo🙁

Ganyan tlga Lalona't hnd mo kasundo Ang in laws mo.Kaya NGA mas maigi na tumira malayo sa in laws natin dhil masnakakagalaw Tau Ng maayos.