Sorry baby

Natatakot ako para sa baby ko, kakapanganak ko lang sa kanya. Nung una excited pa ako. Pero habang tumatagal parang ayoko na sya hawakan. Naiiyak ako pag iyak sya ng iyak. Parang nagsasawa na ako padedehin sya. Minsan naiisip ko na bakamasaktan ko sya. Naiinis ako sa sarili ko. Tapos Nakatira kami sa in laws ko, dagdag pa sa problema ung nanay nia dahil masyado niya kami pinapakielaman sa lahat ng desisyon namin. Mahal na mahal ko anak ko kaya natatakot ako na baka isang araw masaktan ko sya. Isa pa, na cs ako kaya limitado lang mga galaw ko. Akala ko nga kaya kami tumira pansamantala sa kanila para matulungan ako kahit papano sa pag alaga hanggang sa gumaling ako, kaya lang ako pa rin pala sa lahat. Nakakapagod lang talaga. Edit: Hindi ko po alam kung tama ba ung pag aalaga ko kay baby. Natatakot ako magkamali. Nanonood ako ng mga tutorial pero feeling ko kulang. Parang hindi ko sya kayang palakihin. Ung asawa ko supportive naman kaya lang mas nangingibabaw ung negative na nararamdaman ko. Para kong mababaliw..

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy better na magpa check up ka po i think meron ka pong postpartum depression need mo po ng treatment lalo na at cs ka

Postpartum yan momsh. And the hardest part is walang nakakaintindi na may postpartum ka ☹️☹️ i feel you

Mommy PPD po kayo. Pagbalik nyo sa ob mention nyo po sa kanya ng mabigyan ka ng advice sa anong dapat gawin.

Aww. 💔 kaya mo yan mommy wag lang po kakalimutan si God. Alam ni God na kaya mong lagpasan yan❤

post partum syndrome po iyan sis normal po yan sa mga mommy na kakapanganak pa lang po.

PPD is real. Kaya natin to mamsh 😔 God is with us!pray lang po tayo.

Wag naman po.. kawawa si baby. Better tell your partner po.

Parehas na parehas tayo ng nararamdamaaaan im gonna cryyyy

tiis lang at pagusapan nyo magasawa kung anong plan nyo

pray for God's protection and guidance :)