Ito itatanong ko mommy sayo, sino ba ang in-charge sa pamilya mo? Parents mo o kayong mag-asawa? Kahit ayaw nila, bumukod na kayo. Ano na kang mararamdaman ng hubby mo? Kahit sabihin mo pang wala kang kinakampihan, the fact na sinusunod mo pa din yung gusto nila na huwag kayo bumukod, parents mo pa din sinusunod mo. Mag-asawa na kayo, si hubby mo na ang dapat captain of the ship. Sa ginagawa mo, tinatanggalan mo siya ng role. Experienced ko yan kasi tumira din kami sa parents ko at totoo, laging may puna parents ko sa asawa ko. Lagi na din kami magkaaway ng asawa ko. Until bumukod kami. Nakapagplano kami ng maayos para sa pamilya at mas naging masaya.
It's an old saying momsh but very much true. "Familiarity breeds contempt". The more magkakasama kayo jan, the more you will lose respect sa isa't isa. Hindi totoo na happy happy. Pansinin mo yung mga family na hiwa-hiwalay ng tirahan pag naggathering sila, masaya and respectful sa isa't isa. Ganun kasi dapat pag may pamilya na dapat humiwalay na. Imposible maging happy happy pag ganyan kasi mahirap gumalaw lalo sa part ng asawa mo, dapat sya ang "king" sa bahay which is hindi mangyayari dahil anjan papa mo. Mahirap gumalaw.
Yan ang problema sa mga in laws. Maraming makasarili. Ang tingin sa manugang lahat may attitude problem. Di nila pansinin sarili nilang attitude problem. Ganyan din ang in law ko. Nagpa order online sakin tapos hindi nagustuhan kahit sya naman ang naki-order tapos itinapon sa harapan ko at hindi daw yun ang order nya. Tapos pag nanonood kaming lahat ng tv at ako nalang ang naiwan sa mesa papatayin nya yung tv kht nanonood pa ko. Hay nako ipagdasal nalang natin mga kaluluwa ng mga yan.
Hays. Ganyan family ko nun lalo na nung buntis ako sa bahay pa ko nakatira kasi ayaw pa ng mother Ng partner ko na magsama kami. Actually hindi family ko yung father ko lang di ko alam bakit mainit ulo niya sakin, laging ako yung nakikita niya napapansin niya hanggang sa dumating yung time na nasagot ko na siya. Makalipas ang ilang buwan kinuha na kami ng partner ko. Nung time naman na umalis kami sa bahay umiyak sila nalulungkot dahil namiss nila ng sobra yung baby ko.
I feel you Mamsh. Pero ako yung nakikitira sa bahay nang Hubby ko 😥 Nung una lage kaming nagkakainitan ng Ate niya, kasi di daw niya ako gusto. Ganito ganyan at pati parent nila ayaw sakin. 3 years kaming nakikitira dito at sabi ni hubby aalis kami pag na okay na yung problema namin bubukod na kami. As of now while I'm pregnant binibigay ng mama niya yung gusto kong kainin bsta hindi na bili ni Hubby. At nag aadjust sila sa mood swing ko 😊
Pagbukod lang ang solution dyan. Nag asawa ka na. Sariling pamilya mo na ang priority mo. Kung babaliktarin ang sitwasyon at dun ka sa inlaws mo nakatira tyak na nanaisin mo din na bumukod kayo. Put yourself sa shoes ng asawa mo para maintindihan mo ung struggles nya sa pagstay nyo dyan sa inyo. Ke mabuti o masama laging may masasabi dahil nakikitira lang kayo. Bumukod para mas maging maayos kayo. Proven in so many cases.
Sis, BUMUKOD parin kayo. Yun lang ang tanging paraan para matahimik buhay ng sarili mong pamilyang binubuo. Pwde nmn sila bumisita. Hndi maiwasan na hndi magkaalitan ang inlaws at asawa mo. Ilayo mo na ang asawa mo sakanila paramaghilom ang alitan nila. D0t sa isang pamilya ikaw at ang asawa mo ang hari at reyna, wla nang iba. Kaya bumukod na kayo.
Ganyan din sakin pero madaming di tulad. Sakin mama ko lang ung nagbubunganga samin ng asawa ko pinapahiya sa mga barkada sa inuman ilang beses pinaglagpas. Pero nagdesisyon nalang kami mag bukod para wala ng nag babatay at free na lahat anong gawin pag nagstay talagasa magulang problema ng asawa nakikiproblema din sila
Hindi pwede ayaw nila bumukod kayo dahil lang sa apo. Hindi na healthy yung ganyan na wala na respeto sa isa't isa. Nagiging toxic pag kasama extended family. Need nyo bumukod na kawawa naman din asawa mo d makagalaw ng maayos hirap kaya non bawat kilos may nakabantay. In the end baka kayo pa maghiwalay
Kami din ganyan ... Mas tahimik nga na kami lang ng asawa ko nun eh .. kaso pinabalik kami sa bahay ng parents ko dahil kelangan daw nila ko. Wala kasi mag aalaga sa knla .. plus may sakit kasi mama ko cancer. Pero grabe lahat pinupuna lahat napapansin. Di siguro maiwasan un..
Vino Tupaz