Toxic Family
Nasa iisang bubong lang kami ng pamilya ko at parents ko. Di ba dapat masaya nalang dahil ayaw ng magulang ko na lumayo kami dahil sa mga bata. Pero lagi nalang may alitan. Mabigat yung aura ng bahay kapag kompleto kami. Lahat nagbabantayan. Lahat ng kilos may puna. Ako lagi ang nasa gitna pero para sa asawa ko at sa magulang ko may kinakampihan ako sa kanila. Naranasan nyo na ba to? Pag magisa nalang ako wala nakong ibang ginawa kundi magdasal na sana matapos na at maging masaya nalang. Pag wala ang asawa ko at nasa trabaho, tahimik kaming lahat. Pag umalis kami ng asawa ko masaya naman din kami. Pero pag lahat magkakasama ang bigat. Dahil sa huling naging away nila. May sakit kasi ang asawa ko at may inutos ang papa ko. Tumanggi sya ng maayos at nagsabi na kung pwede sa susunod nalang muna dahil masama talaga ang pakiramdam nya. Nangungulit si papa hanggang sa dumating si mama na nanumbat na ng lahat lahat. Na walang kwenta, walang pakinabang at kung ano ano pa. Napikon yung asawa ko at nakapagmura. Ayun hanggang ngayon magkakagalit sila. Para sakin pareho silang may mali. Wala akong kinampihan. Any advice? Ayaw nilang bumukod kami dahil syempre isasama namin ang mga bata.
Excited to become a mum