Trying to be strong...
Napaka hirap mga mumsh! π Sagad na sagad na kasi ako eh, (Sa sakit na binibigay sakin ng tatay ng mga anak ko) wala na akong maibigay! Minahal ko siya ng buong buo to the point na pati pagmamahal ko sa sarili ko binigay ko narin. Ngayon?! Sobrang PAGOD na PAGOD na ako! Ubos na ubos na ako. Pero wala eh!! Nananatili parin ako dahil gusto kong mabigyan ng buong pamilya mga anak ko dahil ako mismo naranasan ko ang magkaroon at lumaki na buo ang pamilya ko, na may tatay at nanay ako na kasama sa bahay. Ayoko kasing lumaki yung mga anak ko na may kulang sakanila. May mga araw na gusto ko nalang mawala pero paano mga anak ko? Ayoko silang iwan. Ayokong magmukha silang kawawa. Kaya pinipilit ko parin kahit mahiral kahit masakit, kumukuha nalang ako ng lakas sakanila para bumangon sa araw araw... PAIN CHANGES EVERYTHING AND I HATE THE FACT THAT EVERYDAY I AM QUESTIONING MYSELF "AM I ENOUGH"?