aswang
Naniniwala rin ba kayo tungkol sa mga aswang and esp tiktik? True ba sila or mga haka haka lang? Gusto ko lang malaman mga opinion niyo or side. Hihihi salamat
Ako noon di naniniwala, until makasama ko ung ate kong buntis. Parang nakaabang talaga ung tiktik e kasi nung kami lang ng ate ko sa bahay kasama ung panganay nya na mag 5 y.o palang nun then buntis sya sa 2nd baby nya, nung 10 ng gabi biglang may maingay sa bubong namin. Sa tapat mismo kung saan kami natutulog. 12midnight, ginising ako ni ate kasi ung maingay sa bubong, yumayabag na at parang inaangat since yero palang nun wala pang kisame. Tapos ung baby daw nya parang di mapakali sa loob ng tyan nya. Naglakas loob akong buksan ang ilaw, tumakbo sa sala para kumuha ng kutsilyo. tapos pag bukas ko ng ilaw, naglahong bigla ung maingay sa bubong. Ngayon ako naman ang buntis. 2 months palang si baby sa tyan ko pero minsan kapag umiihi ako lalo pag midnight o madaling araw, may biglang maingay sa bubong. Pero di ako natatakot kasi kasama ko asawa ko. Malaman pag umalis sya kasi ofw.
Magbasa paNaniniwala ako kasi nung sa panganay ko naexperience ko yan mga 5 months palang yung tyan ko may albularyo dito sa amin batang albularyo pa yun pero magaling talaga binigyan alo mg pangontrang bala kasi sinusundan daw kame mga buntis nakita niya daw kasi nakatambay siya sa labas that time kasi 3 kameng buntis dito sa lugar ng asawa ko and maliit lng talaga na lugar at dikit dikit ang mga bahay, ibinigay niya samin yun ng libre nung una di pa ko maniwala pero nung last gbi namin kasi lilipat kame ng asawa ko sa family ko kasi malapit na ko manganak biglang ang ingay ng bubong namin as in ang ingay hindi ako nakatulog magdamag tapos umaga sinabihan ako nung albularyo kinaumagahan na sa may bubong daw kasi ang kwarto namin nun walang kisame yero lang talaga siguro naisip nung aswang na pag samin di niya ko magagalaw kasi bato yung kisama namin
Magbasa panung una di ako naniniwala kse sa panganay ko lumalabas pako ng 2am para bumili ng pagkain at mag cr. may dalawa pang puno samin isa sa harap bahay malaki yon katabi ng gate at isa sa likod malaki rin katabi ng cr. hindi ko naranasan aswangin non pero this 2nd baby ko last week lang to umihi ako ng madaling araw 1am ata yon pagtapos non lumabas ako may narinig akong paniki ang ingay nya naramdaman kong sinusundan ako papasok sa bahay namin sis. nung sinigawan ng kapatid ako at minura nilayuan ako kse narinig nya ang ingay ng paniki tapos lahat ng aso dito samin nagaalulungan. pero paglayo nya sakin lumipat sya sa bubong tapos parang may hinuhukay sa bubungan namin ang ingay nya parin. iyak ako ng iyak buti gising kapatid ko. kse sinundan nya talaga ako hindi nmn madilim that time may ilaw non pero akala nya siguro ako lang gising
Magbasa pahindi ko lang po sure kung totoo kasi nung time na nagbuntis ako noon pandemic 3months hanggang 6 napaka ingay ng aso namin at bubong parang nakabantay sakin lagi kinukutkot ung bintana takot na takot ako nun kasi apat lg kami sa bahay tas na preterm ako ng 6months nanigas tyan ko napaka sakit mga 4am nagkaron ako ng konting dugo na buo tas nag labor napala ako non un nanganak nako ng maaga ok naman baby ko umiiyak sya nung nalabas ko rinig ko na buhay pero mga ilang oras dirin nya nakayanan😔 simula nong nanganakako ng maaga wala nakong naririnig ng ingay ng bubong at ingay ng aso namin miski sa gabi tahimik na kaya now 9weeks preggy ako talagang maingat
Magbasa paNakatira Ako sa negros oriental at may mga pagkakataon talaga na may tunog nang TikTik especially noong Wala pang kuriente Dito sa Amin pero nawala rin Yun malipas Ang ilang taon. Pero paminsan Minsan ay Meron. Meron ding wakwak. Para sa akin totoo Ang TikTik, Hindi ko man ito Nakita, pero na sa sa iyo na Yan kung matatakot Ka sa kanila dahil your enemy is in your mind, kung di mo sila mind Wala din man Silang magagawa. Silence beats a tsismosang TikTik na Yan. Pero seriously may ibin o hayop ba kayung nalaman na tunog TikTik o wakwak? If Meron share nyo Naman. Kasi baka sila rin yang nanakot di matin alam.
Magbasa paNaniniwala ako sa aswang kasi nanay ko inaswang nung maliit pa sya sa samar. Hnd pa ako nakakakita. Noon kasi noong buntis ako sa una kong anak pag mg babanyo ako sa mdaling araw nkaka rinig ako ng huni ng kikik. Sabi kasi kpag mahina ang tunog malapit dw sau un. Pero kpag malakas malau sau. My bintana banyo namin na nka bukas ginawa ko sinarado ko sya kht takot ako. Lage ko naririnig un kpag gabi sa bulacan. Noong nanganak na ako nwala na.
Magbasa patotoo po :) non kasi nakaexperience kaming may buntis sa kapitbahay tas ayon halos evrynight may kwek2x hehe.. piro tanong namin kapit bahay namin pagkabukas kung narinig ba nila.. sabi hindi hehe... pagnasa loob ka kasi ng bahay na may buntis d nyo sila maramdaman... ang kapitbahay lang ang makakapansin....
Magbasa pananiniwala po ako,,i experience it kagabi lang...tayuan lahat ng balahibo ko..kitang kita ng dalawang mata ko ..since bata plang ako marami na ko nakita.,,especially daw kapag malapit na maglabor.ingat ingat mga mamsh wag na labas ng labas ng gabi... sa mg naniniwala at sa mga hindi.
Naniwala talaga ako lalo na kung ikaw ay buntis, kasi ma fell mo yan mga momsh isang araw di ako maka tulog kasi masakit talaga tyan ko nung binigyan ako ng lana para sa aswang ayon hindi na sumakit tyan ko kasi na tatakot sila don sa lana na binigay nang lola ko😊
yes. naaalala ko tita ko dati katabi namin matulog tiniktik sya kalampag ng kalampag yung bubong. yung lolo ko panay na ang mura. wala halos nakatulog saamin. kinabukasan may patay na aso sa bubong. sobrang takot namin nun.