kasabihan o toToo?

Naniniwala po ba kayo sa kasabihan na pag po raw may tao kang hindi kasundo lalo na po kakilala or kamag anak nyu raw tapos manganganak ka na..mahihirapan po raw lumabas yung baby at hindi po raw yun agad na lalabas..kase para po raw may humahadlang?totoo po kaya yun?ask ko lang po..kase meron po kapatid ng asawa ko na hindi ko po ganu nakakasundo kase po suplado sya at masyado mainitin yung ulo..super sensitive din po lalo na po sa mga gamit nya at gamit ng jowa nya..halimbawa po yung damit po na kinuha mo sa sampayan at tinupi mu..magagalit na po yun kase ginalaw yung gamit nila..kaya hindi ko po gusto yung ugali nya..nagwoworry lang po ako kung totoo po ba yung kasabihan na yun?ano po maipapayo nyu??

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di Naman Yan totoo sis.halos lahat di ko kasundo Lalo na pamilya ko.awa NG dios normal Naman clà nalabas....may dahilan kc bakit di ko clà kasundo.may ugali din clà...Alam mo na ung tipong pansin ka Lang nila pag meron ka.

6y ago

haha yun na nga sis eh..yun bang nakakahiya na bumangon ng tanghali na..😀😀😀tapos pag may nakitang hugasan..nakakahiya naman na titignan mo lang at di mo huhugasan..ako nga rin tagaligpit ng mga kalat nila eh at mga basura..lalo pa mga lalake mga kapatid nya..naku kalat dito kalat doon..ako naman si ligpit ng ligpit..