SAMA NG LOOB KAY MIL..

ako lang po ba nakakaramdam ng ganito?sa bahay kase ng hubby ko kami nakatira..kaya nakikita or napupuna ako ng mil ko..sa tuwing may bibilhin kase ako na mga gamit or damit para kay baby..nakikita ko po sya na nakaismid or nakasimangot..tapos ng bumili naman po ako ng nursing bra parang di rin ok sa kanya kase dumating yung pinsan nya at nakita nito na nakasampay yung nursing bra na nilabhan ko..narinig ko yung mil ko at pinsan nya na nag uusap..sabi ng mil ko na sya raw pag umaalis naman dati nagbobote sya..di raw sya nagpapadede sa labas..kaya parang ang dating saken eh di ko naman kelangan ng nursing bra kase nasa bahay lang naman ako tapos pag lalabas gagamit naman ng bote at di naman magpapadede sa labas..tapos ng sinabi ng byenan kong lalake na kelangan pa raw palang bumili ng diaper para sa baby..sabi naman ng mil ko na hindi naman daw yun kelangan pa kase di naman daw idadiaper ang baby sa hospital pagkapanganak..lampin lang daw naman ang gagamitin..tapos sinabihan nya pa ako na wag ko na raw susundan yung baby namin..kaya wag na raw ako bumili ng mga damit ng baby..tama na raw yun..nakakasama lang ng loob..kase iniisip ko lang naman yung para sa anak ko..at parang lage syang kumokontra..tapos sabi nya girl daw to at ng malaman nya na boy parang nadisappoint sya..sabi nya anu ba yan..lalake nanaman?puro na lalake nandito sa bahay..kase mga anak nya mga lalake..isa lang ang babae..eh first baby ko palang to..minsan sumasama lang talaga loob ko lalo pa pag kumokontra sya tungkol sa baby ko..

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hugs momsh! mag ipon n kaung mag Asawa at bumukod, di healthy sayo at sainyong mag Asawa Ang gnyang environment Lalo sa MIL mo na nangingialam. Wag mo nlng isipin mga sinsabi nya Gawin mo nlng Ang alam mong tama, kc kahit na ano Gawin natin di natin maple please lahat ng tao sa paligid ntin.. ako maswerte Sana ako sa in laws ko kaso nagkaroon ng step mother Yung husband ko na parang ksing evil ng step mom ni Cinderella, kinaiinggitan nya pagbbuntis ko kc wala pa siyang anak. Worst pinopost pa ako sa fb at sinisiraan. hinahayaan ko nlng mamatay nlng Sya sa inggit bsta kami ni hubby ko nakabukod kmi at d kmi nahingi ng kahit ano sa kanila..

Magbasa pa

Yep madalas nya kong pinupuna sa mga binibili ko para sa sarili ko at kay baby kesho daw napaka aga pa at keso kung ano ano lang d importante kahit na importante naman like baby bottles and allπŸ˜… iniisip ko na lng mahal sya ng asawa ko kaya nagpapasensya ako. Pag labas ng baby ko tyaka sya nagreklamo na kulang mga gamit ng baby ko kinomptonta ko na lang na DIba pinigilan mo kami noon na bumili haha anyways bumukod ka na lang. Kung pede lang bumukod kami ginawa ko na but my partner doesnt want to leave his mom and brothers πŸ˜• so tiis muna

Magbasa pa
5y ago

Mag insurance ka momsh sa sunlife pede kahit 1k lang a month para makabili ka kaagad ng bahay ng hindi mapadali ang pagluwang ng iyong isipin

VIP Member

Bumukod na kayo. Yun ang pinakamainam sa solusyon, Kasi kami ng husband ko before pa kmi magpakasal ay bumukod na kami. Kahit nuon pa man nakatira na kami sa separate house. Dahil ayaw ko nga ng mga issue, issue na ganyan. Tsaka ako din mahilig bumili ng kung anu ano na mga gamit pero wise din naman yung mga bagay na binibili ko.. Since kami lang ng hubby ko. Wala kaming problema. Happy kami both.

Magbasa pa
5y ago

totoo momsh..kaya hindi kami basta basta makapagbukod..sya kase tumatayo na panganay ngayon dito kase sya yung pangalawa sa magkakapatid at yung pinakapanganay naman nila nasa ibang bansa na..dun na naninirahan kasama asawa nya..

Mommy wag mo nalang pansinin at dagdag stress lang sayo yan at kay baby πŸ˜ͺ as a first time mom excited talaga tayo mamili para sa mga anak naten. As long as d ka naman nanghihingi sakanya ng pambili, okay lang yan πŸ™‚ at d na rin uso lampin ngayon no baka nung panahon nila lampin ang gamit hehe

5y ago

hehe kaya nga momsh eh..kaya tuloy sa tuwing kumokontra sya..tumatahimik nalang ako pero yung isip ko kumokontra rin sa kanya..πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Bumukod nalang kayo, sis. Ganun talaga ang buhay may kontra sa lahat ng bagay. Kami rin ng asawa ko nakabukod na kaso yung nanay niya parang nagseselos na hawak ko na lahat ng pera ng asawa ko. Walang modo at bastos pag bumibisita sa bahay kala mo kung siya lang yung tao andito eh.

5y ago

hirap nga sis kase ayaw ni hubby eh..tumutulong pa kase sya sa mga kapatid nya na nag aaral..tumutulong din sya sa pamilya nya..nagbibigay pa sya kay mama nya pag sasahod sya at yung papa nya naman may sakit sa puso at nagdadialysis na rin kase may chronic kidney disease kaya ayaw nya lumayo sa pamilya nya..

Im thankful kasi di ganyan mga in laws ko, ang hirap gumalaw pag ganyan sis kasi nakikisama ka. Yung mga in laws ko tinuturing akong parang totoong anak nila talaga, pag warla kame ng anak nya mas galit sya sa anak nya. Hay bat ba may mga ganyang mga biyenan nakakaiyamot

5y ago

buti ka pa sis..swerte mo..ako kase kung anu makita na binibili ko palage pinupuna..palage kumokontra..hayyyzsss

Mainam po sana kung makakabukod kayo. Pero if hindi pa po kaya, ignore nyo na lang po un mga sinasabi nya or nadidinig ninyo. Mainam na dn po na naibigay nyo ung respeto na para sknya. Atleast dpo kayo nagkulang dun.

5y ago

ok po..thanks momsh..

Thank God di ganyan mom ko sa lip ko. Di ren naman ganyan fam nya saken. Madami lang bawal di ko sinusunod. Mas okay pa den mother instict. Kaya mas okay mommy bukod na kayo para wala sila nasasabi.n

5y ago

kaya nga momsh eh..

Kaya parati kaming pinaalalahan ng magulang ko na kapag kami ay ikakasal na, mag bukod kami ng bahay. Dahil kung sila daw ay kinaya nila, kakayanin din namin.

Kaya mas maganda talaga na nakabukod eh. Walang makikialam kahit tumambling ka pa ng nakahubad. Malaya kang gawin lahat ng gusto mo para sayo at sa pamilya mo.

5y ago

Nakuu wala bang ibang kapatid si hubby mo? Dapat graduate na siya diyan eh. Kayp na dapat priority.