mga gamit ni baby sa hospital..

mga momsh..ask ko lang po..na yung mga gamit ba ni baby sa hospital na dala nyo like yung mga baby bath soap..alcohol..pag ba ginamit yun dun para kay baby halimbawa papaliguan sya..di na po ba talaga ibinabalik?yung iba kase nagsasabi na hindi na raw ibinabalik sa kanila yung mga ginagamit para sa baby nila..totoo po kaya yun??kase yun lang po gamit ng baby ko eh..wala na ako extra..kung ano dadalhin ko sa hospital..yun din sana gagamitin ko pag nakauwi na kami sa bahay..worried tuloy ako..???

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes mommy totoo yan🤣. Sa panganay ko hindi na binalik. Di ako prepared nun kasi lahat andun dinala ko tas ang lalaki pa naman ng binili ko😂 so ayun dito sa pangalawa ko puro maliliit na mga dadalin pag nanganak kaya kahit di ibalik atleast onti na lang natira saknila haha. Btw Lying in ako manganganak🙂

Magbasa pa
5y ago

sige momsh..ganun nalang din gagawin ko..maghahanda nalang din ako ng mga maliliit na madadala..

Yan din worries ko right now sis, ang idea ko is bumili nalang ng mas maliit na mga gamit tapos un lang ibibigay ko. Ung mga malakihan na binili ko iiwan ko sa bahay. To make sure, if ibalik edi thanks, if not atleast di nakakapanghinayang.

5y ago

thanks ang gudluck saten..kaya naten to!!

ung iba hindi nagbabalik lalo na pag malalaking bote ang dala mo kaya ako nun bumili talaga ko ng maliliit incase hindi nila ibalik.. private hospital pa ko nun pero may mga case na para nagagalit pa ung mga nurse pag pinaalala mo..

5y ago

ayy ganun ba..bibili nalang ako ng mas maliliit..para kung di man nila ibalik..ok lang..di ko nalang dadalhin yung malalaki dito..

Hi mommy, better dalhin nyo yung mga things ni baby in a small container/bottle lang. May mga hospital daw kasi talaga na di na nila ibinabalik yung ginamit nila para sa baby mo. Sayang naman db?! Para sure lang mommy. 🙂

5y ago

thanks mommy!!!godbless us..and have a safe delivery to both of us..

Totoo Yan haha Hindi na nila binabalik Kaya dapat maliliit Lang dala mo like nung sabon tapos kapag ipinanganak mhna x baby 2 diaper Lang bigay mo tapos ung damit wag sobra

5y ago

ok sis..noted..thanks sa tips mo..

Kukunin ko ung sa akin at ipapa alala ko tlaga sa magpapaligo sa anak ko.Aba hindi un free. Bakit hndi ibabalik eh para sa baby ko un😂😂 ka galing naman nila ay😂

5y ago

Sa public usually di binabalik kasi "donation" yun para sa ibang babies na walang gamit. Kasi kung mapapansin nyo, may ibang mommies na nagsasabi na d nmn sila nagdala ng gamit ni baby, so malamang sila yung nakinabang nung gamit ng baby mo.

Ewan ko ah. Pero san ba kayo nanganganak? May sarili kasing paliguan ang mga hospital. Sorry, sa private kasi ako and kahit mga kapatid ko nung pinanganak sila..

5y ago

sa public lang ako momsh pero nakaprivate doctor naman ako na magpapaanak saken..di ko lang sure kung nakaprivate room din ba kame at kung may paliguan na ba sa kwarto na yun..

Binabalik po nila iyon momsh kung sakaling makalimutan nila ibalik puwede niyong kunin kasi sa inyo iyon. Hindi nila puwedeng kunin na.lang basta iyon

5y ago

ok po momsh..thanks po sa sagot..nag aalala kase ako eh..wala ako iba gagamitin pag di nila yun binalik..

Yung skn sis binabalik ng nurse pgkataposnila lgi liguan ang bby,kng anu ung bngay xa din nila binabalik s patient.. Pg sa public dn nila bnblik cgro

5y ago

buti sayo momsh binalik..sana yung samen ibalik din..

Nung nanganak ako wala akong nilabas na gamit. May freebies yung hospital na liquid soap (Dove), alcohol tsaka diaper. Yun ang ginamit nila.

5y ago

siguro nga sis depende lang din talaga sa hospital..sana naman sa hospital na aanakan ko eh magbalik sila ng mga gamit..