bakit kaya ganon yung partner ko?? ?

Nalulungkot lang ako para sa baby ko kase, lagi nalang pag mag oorder ako ng gamit online at ipapakita ko sakanya. lagi nalang syang galit sasabihin "saka nalang, matagal pa naman" kahit sa pag iisip ng name yon lagi sinasabi nya, pag iisipan nya pa daw pag may binibigay naman akong name kesyo di daw maganda pero sya naman walang maibigay. Di naman sa wala kaming pambili pero parehas naman kaming may savings at maganda naman ang work nya arch. Po sya. Pero bat sya ganun?? 8months na ko ngayon pero di pa din kami nag start mamili ng mga kailangan ni baby. Naunahan pa kami ng mom nya kasi excited din dahil first apo.. Nalulungkot lang ako kase parang pag dating lagi kay baby. Saka nalang... ???

212 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din sakin mommy.. Busy kasi din sya sa work. Kaya pag naiinis ako sa sagot nya o naffeel ko wala syang pakialam, nag pplace talaga ako ng order online para kay baby, ayun magugulat nalang sya na may package nanaman na dumating 😂 8 months narin ako nakpag start bumili kasi nga sinasabi nya sakin matagal pa naman daw, eh naexcite na ko kasi sa mga following weeks from now pwede na ko manganak. Sabi ko kung ayaw nya muna ako nalang, mas ok na prepared. Atsaka pera nya naman ginagamit ko pambili 😂 Ayun natutuwa naman sya kasi tuwing nakikita nya package naiisip nya na malapit na si baby. Di ko alam kung normal sakanila ganun pero ienjoy mo nalang din mommy. Para naman kay baby din yan :)

Magbasa pa