bakit kaya ganon yung partner ko?? ?

Nalulungkot lang ako para sa baby ko kase, lagi nalang pag mag oorder ako ng gamit online at ipapakita ko sakanya. lagi nalang syang galit sasabihin "saka nalang, matagal pa naman" kahit sa pag iisip ng name yon lagi sinasabi nya, pag iisipan nya pa daw pag may binibigay naman akong name kesyo di daw maganda pero sya naman walang maibigay. Di naman sa wala kaming pambili pero parehas naman kaming may savings at maganda naman ang work nya arch. Po sya. Pero bat sya ganun?? 8months na ko ngayon pero di pa din kami nag start mamili ng mga kailangan ni baby. Naunahan pa kami ng mom nya kasi excited din dahil first apo.. Nalulungkot lang ako kase parang pag dating lagi kay baby. Saka nalang... ???

212 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bumili ka na momsh wag mo na sya hintayin. Malapit nlng yan. Mabuti na yong ready na gamit ni baby kasi anytime lalabas na sya. Lalo na sa clothes you have to wash it pa and plantsa. Tapos prepare pa ng gamit na dadalhin sa hospital plus gamit mo. Dapat as early as now or 6 mos inaasikaso na po yan pra hindi ka mag cramming baka may mga makalimutan ka pa na importante.

Magbasa pa