bakit kaya ganon yung partner ko?? ?

Nalulungkot lang ako para sa baby ko kase, lagi nalang pag mag oorder ako ng gamit online at ipapakita ko sakanya. lagi nalang syang galit sasabihin "saka nalang, matagal pa naman" kahit sa pag iisip ng name yon lagi sinasabi nya, pag iisipan nya pa daw pag may binibigay naman akong name kesyo di daw maganda pero sya naman walang maibigay. Di naman sa wala kaming pambili pero parehas naman kaming may savings at maganda naman ang work nya arch. Po sya. Pero bat sya ganun?? 8months na ko ngayon pero di pa din kami nag start mamili ng mga kailangan ni baby. Naunahan pa kami ng mom nya kasi excited din dahil first apo.. Nalulungkot lang ako kase parang pag dating lagi kay baby. Saka nalang... ???

212 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes po. Dapat mag usap kayong dalawa. Ikaw lang din ang makakapag brought up niyang usapan na yan. Mas maigi na alam ng asawa mo ang nararamdaman mo, kawawa rin si baby, dahil maaapektuhan at nararamdaman din niya kung may problema/stress yung nanay niya. Kami 7 months palang si baby, nagprovide na husband ko, since no work ako s angayon dahil pandemic, siya pa nagsabi na mamili na kami pero syempre limited budget lang. Hindi rin ganon kadali kasi siya lang din nagpoprovide samin kahit kakaresume lang din ng work nila. Stressed din ako dati, umabot ako sa punto na umiiyak na ko gabi gabi kasi naiisip ko pano pampaanak ko? paano mga pre natal vitamins ko? check up ni baby? kung parehas kami wala work nung nabuntis ako quarantine. pero di pinaramdam ni hubby na magisa ako. Kaya sibrang thankful din. Sana maisip din ni mister mo maging excited naman siya kay baby, biyaya yan eh. Usap kayo mommy, Ilabas mo saloobin mo, siya dapat karamay mo dyan lalo malapit ka na manganak konti nalang, baka kasi meron din pinagdadaanan si hubby mo hindi niya lang din masabi. KAYONG DALAWA lang magkakaintidihan.

Magbasa pa