82 Replies

VIP Member

Kaoag tinatanong ako kung ano gusto ko maging gender ni baby, lagi ko sinasabi gusto ko sana baby boy pero kapag girl okay lang kase gusto ni LIP girl. Actually okay naman kami kahit ano basta healthy. I think kase mas mahalaga na healthy kayong dalawa ni baby, lalo na siya kesa sa gender. Kahit ano naman gender niyan mamahalin mo e. Ako ramdam ko na girl magiging baby namin 3 months palang tiyan ko 😅 nung nalaman nga ni LIP dati na gusto ko boy, sabi niya sige daw sana boy nalang sabi ko hindi okay lang kung girl, bawi nalang sa next baby 😁 Yung family ko kase naniniwala na kapag inverted nipple ni baby, ang kasunod niya girl, viceversa na kapag hindi inverted nipple ni baby, boy kasunod. At dahil hindi inverted nipple ni baby, hoping na kapag ready na kami for baby no. 2 baby boy naman 😇 pero sa ngayon, aalagaan muna namin si baby girl ng bongga 😊

Momsh, ako din, super happy ako nung nag download ako sa app na ito. Dito ako ba belong talaga kasi ang dami kong tanong sa isip ko lalo't naka bedrest ako. Daming negative na iniisip. Thank God napunta ako dito. But lately, ang dami na din anti life. Minsan natatakot akong mag open. Peru ini ignore ko nalang sila mas binibigyan ko ng pansin yung need ng advise din na katulad ko.. Almighty Father, please spare us all mommies here na makasalamuha ang mga negative na nilalang coz I know pakawala sila sa masasamang espiritu para kami din ay ma discourage kami to continue on our journey. Thank you Father God.

Be happy and contented sa Kung ano binibigay ni God for us. Dahil siya Lang may Alam Kung bakit Niya binigay si baby. Lucky nga sila Kasi magkakaanak sila. Ung Iba never na experience magka anak kahit gusto. Be thankful always kahit wrong timing man sila nagkababy or maaga sila nag ka anak. Dahil blessing Yan at buhay na Hindi dapat sinasayang.

So true. Yung tipong depress na nga yung ibang mamshie dahil sa mga problems nila at ito lang ang stress reliever eh lalo pang naistress sa mga posts na super negative. Hays... Keep positive na lang tayo lagi and always pray kay Lord na gabayan tayo and syempre pati mga babies natin.

Haha oo nga sis etong mga nakaraan andaming post na ndi mgnda.. pero ako iniignore ko nlng at report ung iba kase di nakakatulong sa apps na to at sa kapwa mommy, parang walang utak like ung post na gusto magpaabort okya ung nireyp dw nya anak nya hays basta tayo mahalin natin mga anak natin

Report po natin ung mga users na may inappropriate content ang posts. And as much as possible wag na po tayo magcomment para matabunan nalang ung post. Kahapon may nakita aking post na he's a dad molesting his daughter. Nireport ko agad hindi nako nagcomment hopefully natabunan nalang yun.

Its expected naman talaga na mag wiwish tayo kung ano ang gender ni baby but ano naman magagawa mo kung hindi ito ang winiwish mo. You just have to accept it and look for a positive side. Pinaghirapan ginawa tapos magsisisi kung ano ang kinalabasan sa ginawa. Tssskkk.

Hahaha. Naloka naman ako don. Ako nga expect ko baby girl pero boy pa din. Dun tayo sa positive side. After ng miscarriage ko napalitan sya agad. Magrereklamo paba ako sa gender. tapos eto ayaw ng gender ng baby haha. Anong meron at ayaw nyo dba.

Kami ng husband ko, we really want a girl, pero boy binigay samin, pero di kami nadisappoint kasi yun yung binigay ni God. Wat makes us happier is that, boy gusto ng papa ko. Mas masaya lng kasi healthy baby namin, yun yung pinaka importante.

True. Kami din gusto girl. Pero ang binigay is boy. Thankful pa din ❤ basta healthy at no issues 💗

True. Mga walang magawa sa buhay, dito sa app nambubuwisit. Feeling ko din iisa lang yan. Dapat kasi wala ng hide name option ung app para d na nagiging anonymous ung profile. Lakas magpost ng ganyan, di naman kayang ishow yung sarili

Trending na Tanong