Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mama bear of 1 naughty junior
Hirap makatulog
Hi mga mamsh. 35weeks and 5days na ako, sino dito hirap na din makatulog? Pag magising ako ng madaling araw para umihi hirap na makatulog ulit. Kanina 7am ako nagising Mag aalas dose nalang ng gabi di ko pa din makuha tulog ko pero inaantok na ako. Nakakaloka, Bigat na din ng tyan ko kaya yung balakang ko parang mahahati. konting kembot nalang hello puyat na haha
saba
mga mamsh pwede ba kumain ng nilagang saba kahit gabi na? 7mos preggy here. thanks
Mga pasaway na kasama sa bahay
Mga momshies palabas ng sama ng loob. Nakakagigil na akala nila wala kang ginagawa dto sa bahay. Lalo na buntis mabilis mapagod. Grabe yung galit ko nailabas ko, ngayon naninigas tuloy tyan ko. ? Minsan ka lang mag uutos sa kanila pero sama na ng loob nila na sundin. Pinipilit ko pakalmahin lagi sarili ko kasi ayoko magalit at ma stress. kaso lagi nila ko tini trigger na magalit. hayyy
Itchy throat
Mga mommies may home remedies ba kayo for itchy throat. Grabe sa sobrang kati maiihi ka nalang talaga kapag uubo. 6mos preggy na ako. Nagwoworry ako baka mag open cervix ako may nabasa kasi akong nakaka cause ung pag ubo. Uminom na din ako biogesic kasi para akong lalagnatin. Ang init ko din daw kasi sabi ng tita ko. Sa monday pa kasi ako balik sa ob ko thanks
Baby boy again
Lagi kong napapanaginipan na gende ni baby ay lalaki. Pero assumera akong baby girl na haha. Kasi super selan ko nung naglihi compared sa panganay ko. Hilig ko din sa sweets unlike dati na maasim ang gusto ko. Tapos sa chinese calendar din baby girl na to. haha Tapos mga iniisip kong names pang baby girl kasi ayun ung nararamdaman ko girl na. Pero nung friday napa HA ako ng malakas habang inuultrasound ako, Baby boy again. Haha kaloka. Gusto ko ipa ulit di ako convince baka pusod lang yun haha charot. Share ko lang haha
Usapang SSS
mga mamsh sino dito nanganak ngayong year sa Lying in na nag file ng MAT2? Hindi ba kayo nagkaroon ng problema? Kasi sabi pag sa lying in for investigation pa daw ng SSS.
normal or not
Good eve mamsh, ask ko lang may mga naka experience ba dito na paggising sa umaga yung paa at kamay ko parang may tusok tusok na nafifeel. Yung parang ang sarap sara itapak sa lupa para marelax. Hindi naman ako nagmamanas. 5mos preggy here salamat sa sasagot
Points
hi mga mamsh, ask lang ako para saan yung mga points? san sya pwedeng gamitin? And bukod sa pagsagot sa poll, pag reply at pagpost paano pa makakagain ng points? may limit din ba sya every day? thankyou.
LMP o Trans V
Alin po ang mas accurate? Last mens or yung sa trans v. Kung lmp po ang susundin ko 16weeks and 1day na po ako today. Kung sa trans v naman 17weeks na. Thankyou