Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mum of a little baby princess (灬♥ω♥灬)
Help po
Ftm po. Mamsh pwede po ba ang betadine sa 1 month old baby? Salamat po.
breastmilk
Pano po magkakagatas? Nalabas na si baby pero wala pa din akong gatas. Naaawa ako kay baby dahil wala siya madede sakin. Need help and advice. Salamat po.
Our Little Angel Princess
EDD: Oct. 23, 2019 DATE OF BIRTH: Oct. 24, 2019 Via Normal Delivery After almost 16 hours of labor! Ito na siya! Grabe yung hirap na dinanas ko pero nung nailabas ko na siya di ko mapigilang di maiyak lalo na nung narinig ko na siyang umiiyak. Halos pahirapan pa nung nangyari ang lahat. Oct. 23 ng umaga nagpunta kong ospital to follow yung check up. Syempre due ko na. Marami nang pumapasok sa isip ko. Then in-IE ako. 1cm na daw kaya pinauwi muna ako at niresetahan ng eveprim. After ko uminom ng tanghali kinahapunan may lumabas na sticky at pinkish sakin. Sabi nila mucus plug na daw yun at malapit na ko manganak. 8 pm na kaya uminom na ulit ako ng eveprim. Pero wala pa din ako gano maramdaman hanggang sa dumating yung time na 8:45 biglang may umagos na tubig sakin. At first akala ko nawiwi lang ako pero hanggang sa madami nang lumabas at tumakbo na kami sa ospital. Ang dami pang nangyari 3cm lang ako nung in-IE ako. Akala ko mabilis na lang pero hindi pala. Wala akong nararamdamang contractions. Wala talaga as in. So naghintay pa din kami at dinala ko sa labor room. 3am na pero 3cm pa din ako ang dami ko nang kasabayan na nanganak na. Pero ako wala pa din so nilagyan ako ng eveprim sa loob ng private part ko. Halos mag 7am na pero 4cm lang ako at 2 banig na ng eveprim ang nagamit sakin. 9am 5 cm tinurukan na ng pampahilab. Then eveprim ulit. Hanggang sa 10 am na at 7cm pa lang ako pero sobra sobra ba yung sakit. Unti unti nang humihina yung heartbeat ni baby ko. Pati ako nanghihina na din. Kaya pinilit na nilang palakihin yung cervix ko. At pinaire na ko. Bumababa na din yung BP ko at nilagyan na ko ng oxygen. Grabe na hilo ko at gusto ko nang pumikit pero pinilit kong hindi at iire si baby. Kahit sobrang hirap at nanghihina na ko. Hanggang sa 11:10 am nailabas ko si baby. Nagkacomplication dahil nagbleed ako at umabot na ng 80/50 ang BP ko pero nung narinig ko yung iyak ni baby ko lumakas yung loob ko. Halos 3 doctor pa ang nagpapalit palit sakin para lang matahi ako dahil sobrang lalim. And now, I am so proud to say na nakayanan ko! Yes! Nailabas ko talaga siya. Here she is... My precious one. Meet my baby angel Yhurie Talitha Enriquez!
help po
40 weeks na po ako ngayon. Last saturday ang sabi ng doctor sakin 1cm pa lang daw po ako. Then kanina pong umaga lang nagpacheck ulit kami kasi medyo sumasakit sakit na po yung tyan ko. Tapos nung in-IE ako 1cm pa din kaya niresetahan ako ng evening primerose tapos ngayon lang po ayan na yung lumabas after ko mag cr. Ano po ba meaning nyan? Ftm po ako eh. Malapit na po ba ko manganak? Salamat po.
BPS c/o OB
Saan po ba pwede magpa-BPS c/o OB. North Caloocan po sana. Salamat po.
cervix
Hi mga mamsh! Advice naman po. Ftm here. Ano po ba yung mga paraan para mapabilis ang pagbuka ng cervix. 1 cm na po kasi ako and currently 39 weeks and 3 days na. Tia po!
mucus plug???
Mga mamsh may lumabas pong parang sipon sakin na medyo yellowish pero konti lang po. Kanina umaga tapos ngayong gabi pero konti lang talaga siya. Mucus plug na po ba yun? Btw 39 weeks and 1 day na po.
EDD ??
One more week at due ko na. Puro pagtigas ng tyan at sakit ng balakang lang nararamdaman ko. Kailan kaya lalabas si baby ko? ?
OCTOBER EDD
38 weeks and 3 days na. Nakakainip pero at the same time nakakakaba na nakakaexcite! Sana talaga maisipan na ni baby na lumabas. Hahaha. Kayo mga mamsh?
2nd wife
Sorry pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Medyo mahaba lang. 2nd wife na ko ng lip ko. Nasa 37 weeks na ko. May 1 anak ang lip ko sa ex wife niya. Bale 3 years old na ngayon. Buhay pa naman mother ng bata at nagsasalit salitan sila. May ibang asawa na kasi at anak yung babae. Minsan nasa mother, minsan nasa amin ng lip ko. Nakatira pa kami sa poder ng parents ni lip ko. Walang problema sakin na may anak yung lip ko. Tanggap ko siya. Ako pa nga ang nag aalaga. Tinuring ko na siyang anak ko. Kaso dito ko nasabi na... Shocks sobrang hirap na pala. Na parang ayoko nang alagaan. Yung tipong "teka lang muna pwede magpahinga?" sa tingin ko kasi may pagka adhd yung anak ng lip ko. Grabe magtantrums, naninipa, nanununtok at nanghahagis kapag di niya gusto yung isang bagay. Inisip ko bata eh. Pero medyo napapansin ko na parang may abnormality sa bata. Kasi di siya makaintindi ng isang salita, at di pa talaga siya marunong magsalita ng diretso. Yung tipong para siyang 1 year old pa lang. Dito na talaga napasok yung problema ko... Lagi kasing nadadaganan o nasisipa yung tyan ko. Especially kapag natutulog ako at gising naman yung anak ng lip ko. Magugulat na lang ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa tyan ko. At dahil ftm ako syempre over ako kung mag isip na baka napano na yung baby sa tyan ko. Di ko naman magawang paluin yung anak ng lip ko. May time na kalalaba ko lang ng kobre kama at mga kumot tapos maiihian lang o kaya magkakamantsa ng kung anong pagkain. Ang hirap mga mamsh. Buti sana kumg may tagalaba ako eh. Kaso wala. Hanggang ngayon ako pa din naglalaba ng mga damit namin. Wala naman akong magawa. Naiiyak na lang ako lalo na kapag nadadaganan o nasisipa yung tyan ko. Minsan nga parang gusto ko na lang muna tumira sa parents ko ulit eh. Nakakapagod.