my pregnacy journey

Nalaman ko buntis ako 1 month and half lang si baby sa tiyan ko... Maaga ko din nalaman na mataas ang sugar ko... Sobrang hirap pag ang taas ng sugar, di makakain ng maayos, monitor palagi ang sugar, tusok dito tusok don pag check ng sugar sa meter... Yong maiiyak ka nalang kasi gusto mo kumain dahil gutom ka kaso need mo mag diet sobrang unti lang need kainin mag hapon. Pero fighting lang para sa anak... Nong third trimester na ko saka naman ako nainsulin kasi di na kinaya ng diet mahal gastos bayad sa Endocrinologist tapos insulin pa ang mahal mahal din... Pero still fighting for my baby para ma normal delivery... Sa wakas 38weeks and 3 days lumabas din baby ko safe and healthy. 3.5kg malaki pero nakaya kong i normal delivery... Mataas sugar pero nakaya pading i normal delivery... At di ako pinahirapan ng anak ko mag labor... 3hours lang halos ang nag labor... Pag ka admit admit ko sa hospital pumutok agad panubigan ko tapos deretso labor na ng 3hours ?. Kaya mga mommies dyan na kagaya ko na mataas ang sugar... Fighting lang...!!! Kaya yan para sa mga baby natin.

my pregnacy journey
151 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats ❣nkk-inggit tlga ung mga momsh n nkkaraos n s pngangank hopefully ako dn mging ayos laht.😍

congrats momshie.. mga team august goodluck po sa inyu kayang kaya nyu yan pray lng kay god.. 😊

congrats mommy. ituloy mo ang check-up mo ha, alagaan ang sarili at si baby. Godbless you both!

Amazing! Congrats po! Nakakatuwa naman at nakaraos na kayo! Godbless you and your little one!

Hello sis, ask ko lang sis kung san ka nanganak and magkano nagastos mo sis 😊

5y ago

Hindi po... Sa bulacan yon sis.

Congrats mommy sana ako din mka anak na 40 weeks nd 3 days na aq d padn lumalabs c bby

5y ago

Squat ka lang sis... Tapos mag dance dance ka para exercise mo. Tapos lakad lakad ka nadin... Maganda kong akyat baba ka ng hagdan... Araw araw mong gawen. Yong squat hanggang sa kaya mo squat ka lang pag pagod kana pahenga ka tapos mga ilang oras squat ka ulet... Gawin mo lang kada may pagkakataon ka.

Congrats sis sana ako din mailabas ko ng maayos ang baby ko sa January.

VIP Member

Congrats momsh! Cutie baby! Palitan mo na ang name mo and profile hihi

Congrats momsh.. sna ako dn ma normal delivery kht mejo malaki dw si baby

5y ago

Kaya mo yan sis... Kausapin mo lang si baby lagi na wag kang pahirapan... Tapos syempre pray lang ng pray

congrats sis,sana ako din manormal ko c baby. Gdm mom😍