Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Ina ng pinaka hyper na bata ? ???
pasagot po...
Anong magandang capsul na tatak ng malunggay na magandang inumin para dumami gatas ko?
mga mommies sana may pumansin
Gaano katagal po dumating yong result ng new born screening?. Usually po kayo mga mommies ilang weeks nyo natanggap yong result?
my pregnacy journey
Nalaman ko buntis ako 1 month and half lang si baby sa tiyan ko... Maaga ko din nalaman na mataas ang sugar ko... Sobrang hirap pag ang taas ng sugar, di makakain ng maayos, monitor palagi ang sugar, tusok dito tusok don pag check ng sugar sa meter... Yong maiiyak ka nalang kasi gusto mo kumain dahil gutom ka kaso need mo mag diet sobrang unti lang need kainin mag hapon. Pero fighting lang para sa anak... Nong third trimester na ko saka naman ako nainsulin kasi di na kinaya ng diet mahal gastos bayad sa Endocrinologist tapos insulin pa ang mahal mahal din... Pero still fighting for my baby para ma normal delivery... Sa wakas 38weeks and 3 days lumabas din baby ko safe and healthy. 3.5kg malaki pero nakaya kong i normal delivery... Mataas sugar pero nakaya pading i normal delivery... At di ako pinahirapan ng anak ko mag labor... 3hours lang halos ang nag labor... Pag ka admit admit ko sa hospital pumutok agad panubigan ko tapos deretso labor na ng 3hours ?. Kaya mga mommies dyan na kagaya ko na mataas ang sugar... Fighting lang...!!! Kaya yan para sa mga baby natin.
paki sagot po please
Mga mommshie... Ilang months nyo ginamit ang newborn diapers?... Napadame kasi bili ko... Dahil nag 50% ang lazada... Halos 300 pcs ng new born diapers ng huggies at mommy poko yong nabili ko... Halos laking tipid kasi kaya sinamantala ko hehe.
mag 3cm na
Nag pa i-e ako kanina at mag 3cm na daw ako at first i -e ko din... Pinauwe pa ko ng ob ko balik daw kapag sumakit na ng todo ang tiyan ko o may leak na sa panubigan o may dugo na lumabas. Binigyan na rin nya ko ng reseta na primerose para daw mas bumukas ang cervix ko. Ask ko lang sobrang sakit po ba talaga mag labor hehe... First baby ko po kasi at kinakabahan na ko kasi anytime na daw pwede na ko mag labor sabi ng ob ko. Anong tips din po maibibigay nyo?
insulin
Sino dito kagaya ko na mommy na nag insulin?... Yong after dinner nyo ba nag iinject agad kayo o after 30 minutes o one hour pwede mag inject...
pwede bang magbyahe ang buntis
hi sana may sumagot... mga mommies pwede bang mag byahe pa ang 8 months na buntis... pero sariling sasakyan naman po mga 3-4hours yong byahe tapos kinabukasan uwe din 3-4 hours ulet... o delikado po? salamat sa sasagot
sana may pumansin
ask ko lang may kagaya ba ako dito na 6 months preggy na minsan pag lalabas ng bahay o lalakad lang naman at di naman nakakapagod pero bigla bigla... parang pakiramdam na hihimatayin... nanlalamig at pinagpapawisan... 5months ako nong nag start to. ilang beses na din nangyare pero saglit lang naman di naman nagtatagal... pag nakapag pahinga ako ng ilang minuto okay na ulet.
sana may sumagot
mga mommy 5 months and 2 weeks na me preggy... normal na parang nong unang 2-3 months ng pag bubuntis nararamdaman ko nanaman na feeling ko lalagnatin ako pero wala naman tapos masakit buo kong katawan... ang hirap din matulog sumasakit dibdib ko kinakpos ng hininga...
diabetic
hi mga mommies... sino dito ang may diabetis na buntis? kasi sakin mataas sugar ko. super diet talaga ko. wala pa kong mga iniinom folic acid lang bawal pa sakin gatas sabi ng OB ko kasi may sugar daw yon 3 mos preggy na me. anong meal madalas nyong kainin na mababa ang sugar?