pansamantalang hiwalay
Nakipag hiwalay muna ako sa partner ko, kasi di ko nakayang tiisin yung ugali nya. Wala syang babae at wala syang bisyo. Pero may ugali sya na sa harap ng ibang tao mabait sya at pasensyoso. Pero pagkaming dalawa na lang mabilis sya magalit, tapos sinisigawan at nilalayasan na lang ako bigla. Babalik na lang pagkakain na. Nong inaway ako ng tita nya nanahimik lang sya at walang imik. Ako pa ung pinapatahimik nya. Dinuro duro nya ko, kinaltukan kasi daw pala sagot daw ako. Ngayon, di ko na alam ung sarili ko, sa bahay wala daw ako karapatan magalit. Sya lang daw meron. Di ko na kaya,..gusto ko lang naman ng masayang pagbubuntis, masayang pamilya at sana man lang kahit konti ipaglaban naman nya ko. ? Sinasabi nya na mahal daw nya ko pero bat ganon trato nya sakin?? Pano na ko magsisimula? Pano na mga anak ko? Buntis pa naman ako. Pano ba magsimula ulit? Ung anak namin hinahanap sya. Napapagod na ko mag isip, kasi iniisip ko na lang baka nga kasalanan ko. Gusto ko na lang mamatay at saka patayin ung anak ko. Wala akong makausap. Nadedepress na talaga ako.