Family future with tamad na husband
Nakatira kame ngaun dto sa bahay ng mother ko.dahil dun sa bahay namin nakatira ung byenan ko na ayaw sakin na mas gusto pa ex ng asawa ko 🙄. Ngaun once a week nlng ang work ng asawa ko problema ung bill sa bahay kame pdn nagbabayad katwiran samin naman daw ung bahay pero d naman kme ang nakatira .ung bahay hinuhulugan pa namen .may mga raket din naman ako kaso d naman sapat yun. Gusto ng asawa ko bumalik nlng kme sa bahay namin.ayoko na bumalik dun dahil super stress ang inabot ko halos pti baby ko nadadamay ko na sa pagkastress ko. Kung hindi daw kme babalik sa bahay .sya nlng ang uuwi at maiiwan kme dto sa bahay ng nanay ko.may inooffer kc nanay ko na magcaretaker ng bahay .pwedeng tirhan at may allowance na 500 (sayang din yun) pero samin ung bill sa tubig at kuryente . Ayaw ng asawa ko..ang sakin lng ayoko kc dumepende sa magulang ko .halos lahat ng gastos sa kanila na .gusto din kc ng nanay ko na magsikap ang asawa ko since once a week nlng ang pasok nya pwede sya humanap ng pagkakakitaan nya .kaso ayaw nya .mas pinag gagastusan pa nya ung letcheng PS4 nya at panay lang ang laro sa phone .minsan naiisip ko na bka pag wala na syang work uuwi nlng sya sa nanay nya at iiwan nya kame dto sa nanay dahil wala na sya pangbigay ng gatas para sa anak nya ..bka soon maging singlemom ako kaya hinahanda ko na sarili ko.magsisikap ako para sa anak ko .kesa bumalik sa bahay ng asawa ko kasama ang byenan na mukang pera..pag wala kang pera wala kang pakinabang sakanya.kaya mas gusto nya ex ng asawa ko dahil binibigyan sya ng pera 😔.d lng tlga ko makapagwork ng fulltime dahil walang mag aalaga sa baby ko. Kaya paraket raket nlng kung anu ano..hirap magkaroon ng asawang walang future para sa pamilya 😔