Aso o anak?

Hello mga momsh cno dto may byenan na napakahilig sa aso? Ung byenan ko kc sobrang hilig nya sa aso halos lahat ng askal dto samin inaampon nya kht may mga diperensya may galis may nagsusuka. Madalas amoy aso ung buong bahay 1beses sa 1month lng kc nililiguan ung mga aso nya. May allergy kc asawa ko sa mabalahibo/alikabok. Nag aaway cla ng asawa ko dahil sa aso. Worried kc asawa ko dahil may baby kme. Pinapapasok kc sa loob ng bakuran namin ung mga aso. Ung byenan ko at kapatid nya kc unang tumira sa bahay namin since malayo ung work namin ng asawa ko. Ngaun pandemic bumalik na kme sa bahay dahil kapos na sa budget. Pag nagsasabi naman ung asawa ko about sa mga aso nagagalit naman byenan ko. Pkiramdam tuloy ng asawa ko wala syng karapatan dito sa mismong bahay nya d nya magawa ung mga gusto nyang mangyari dto sa bahay at parang mas pipiliin pa ng nanay nya ang mga aso kesa sakanya. Tapos tuwing gabi binibuksan pa ung radio gang umaga. Sobrang bait ng asawa ko kc d nya masagot ng sobra nanay nya. Minsan nakikita ko sya parang naiiyak sa inis pero d nya pinapahalata sakin. Naaawa nadin aq sa asawa ko dahil stress na nga sya sa work pagdating sa bahay ganun pa. Cmula ng tumira kme dto d namin feel na welcome kme. Parang kame pa ung panira dto sa bahay namin. Sorry po sa mga pet lover. Naglabas lng po ako sa saloobin ko πŸ˜”

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hello momsh, opinyon ko lang since bahay naman yan ng hubby mo dapat kausapin din nya ung nanay nya..explain nya maigi kung ano magiging effect nun sa baby nyo kasi napaka sensitive ng mga new born lalo na sa amoy, sorry to say pero napaka inconsiderate naman ng byenan mo knowing may apo sya..otherwise, hanap na lang kayo malilipatan para iwas gulo na din baka sakaling dun marealize nya pagkakamali nya..ung hubby ko gusto bumili ng aso pero di ako pumayag kasi alam ko magiging effect nun sa baby nmin sabi ko saka na lang magalaga if mejo lumaki na si baby..

Magbasa pa
12mo ago

yun nga lagi nila pinag aawayan e kaya nagdecide asawa ko na dto muna sa parents ko mgstay .kc pati ako inaaway na ng nanay nya .kme nlng nag adjust kht kme ung may ari ng bahay .

Better na bumukod na lang kayo. Yun lang.

1y ago

Ayaw kc ng byenan ko na ilagay sa kulungan ung mga aso. Para sana maenjoy manlang ng anak ko ung paglalaro nya sa bakuran namin