Baby shaming

Nakakasama lang ng loob bilang isang ina na pabiro nilang nilalait ang anak ko. “Mataas ang ilong” “Patangusin mo ilong ng anak mo” “Pango” Tinatawanan ko lang nung una, pero paulit ulit na lalaitin ung anak ko ang sakit pala. May ginawa bang masama ung anak ko para laitin ng ganon. Masakit para saken na sa lahat ng hirap ko simula nung pinag bubuntis ko sya hanggang sa pag papanganak ko sakanya. Akala ko matatapos na, yun pala mas masakit pa ung mga lait ng tao kesa sa literal na sakit na naramdaman ko nung nag labour ako. Di ko akalain na di makakaligtas sa panlalait ang anak ko. Normal ko naman pinanganak ang baby ko ng dahil lang sa hindi matangos ang ilong nya kailangan nyang makatanggap ng mga mapanglait na salita 😭😭💔💔

Baby shaming
96 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy every morning hilotin u po. yan po lagi ang naririnig ko noong bata aq lagi ako cnasabihan ng pango.kya tumatak po sa isip ko pango ako. ang gnagawa po ng nanay ko hinihilot po ang ilong ko. hanggang ngaun paglaki ko tumangos nman po ng kunte pero wla na po akong naririnig na pango ilong ko..