Baby shaming

Nakakasama lang ng loob bilang isang ina na pabiro nilang nilalait ang anak ko. “Mataas ang ilong” “Patangusin mo ilong ng anak mo” “Pango” Tinatawanan ko lang nung una, pero paulit ulit na lalaitin ung anak ko ang sakit pala. May ginawa bang masama ung anak ko para laitin ng ganon. Masakit para saken na sa lahat ng hirap ko simula nung pinag bubuntis ko sya hanggang sa pag papanganak ko sakanya. Akala ko matatapos na, yun pala mas masakit pa ung mga lait ng tao kesa sa literal na sakit na naramdaman ko nung nag labour ako. Di ko akalain na di makakaligtas sa panlalait ang anak ko. Normal ko naman pinanganak ang baby ko ng dahil lang sa hindi matangos ang ilong nya kailangan nyang makatanggap ng mga mapanglait na salita 😭😭💔💔

Baby shaming
96 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

siguro nmn nung panahong d kp buntis may nalalait k dn na baby. minsan d nasasabi pero nasa isip. ganun nmn talaga mga tao. wala k dn nmng magagawa kung ganyan ilong nyong mag-asawa. tanggapin mo para d k nasasaktan. d lang naman dn baby mo ang nalalait halos lahat ng baby.

5y ago

Isa din tong mka comment, dagdag stress ka kay mommy. Imbes na pang comfort ang i comment mo hindi.. Wag nman ganun..