Baby shaming

Nakakasama lang ng loob bilang isang ina na pabiro nilang nilalait ang anak ko. “Mataas ang ilong” “Patangusin mo ilong ng anak mo” “Pango” Tinatawanan ko lang nung una, pero paulit ulit na lalaitin ung anak ko ang sakit pala. May ginawa bang masama ung anak ko para laitin ng ganon. Masakit para saken na sa lahat ng hirap ko simula nung pinag bubuntis ko sya hanggang sa pag papanganak ko sakanya. Akala ko matatapos na, yun pala mas masakit pa ung mga lait ng tao kesa sa literal na sakit na naramdaman ko nung nag labour ako. Di ko akalain na di makakaligtas sa panlalait ang anak ko. Normal ko naman pinanganak ang baby ko ng dahil lang sa hindi matangos ang ilong nya kailangan nyang makatanggap ng mga mapanglait na salita 😭😭💔💔

Baby shaming
96 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hinahayaan ko lng ate.. Anak ko minsan ganyan din... Pero Habang nilalait nag iiba lalong gumagwapo.. Kaya wag munang pansinin.. Alam mo na pogi ang anak mo at maging proud ka dahil yan naman ang pinaglalaban nating mga ina😊😊😊Wag munang pansinin..

yung partner ko pag labas ng baby namin daming salita kanino nag mana yan bat ganito ilong nyan bat hindi maputi bakit ang puti etc ang dami nyang reklamo ang pinaka masakit lang hindi sa ibang tao nang galing kundi sa asawa ko mismo 4 na anak namin😔😔😔

we are Pinoys kaya natural na pango tayo. nasa genes na yan kaya what we can do is accept wholeheartedly and just be happy. pag sinabi nila na pango ang baby, then sabihin mo "syempre Pinoy yan at proud ako na malusog sya. yon ang importante."

VIP Member

Pango ilong ng panganay q pero proud parin aq kht ganun ilong nya..pinagmamalaki nmin sya..minsan nagtatanung sya bkt pango sya pero yung dalawang kapatid nya hnd.lagi nmin sinasabi.maging proud kung anu man ang itchura o bigay sa knya😊

VIP Member

Wag mo nalang sila pansinin sis.. mag focus ka nalang sa baby mo.. Hindi naman nila ikakaganda ang pang lalait..Ma stress ka lang.. pag nag sabi ulit sila ng pango sabihin mo nalang ano ba problema sa pango..Ang importante nakakahinga ..

be accept and content what God giving you ..kasi its God creation for a human..iba iba man ang lahi or kulay or hitsura love na love sila ni God ..hayaan mo sila ..wag sakyan yung mga sinabi nila as long as healthy ang baby mo ..

korek, ang sakit nyan akala nila nakakatuwa ang biro nila. ikaw na ina gusto mo positive lang ang marinig ng anak mo habang lumalaki sila tapos itong mga taong wala naman ganap sa pagpapalaki mo sa kanila ang huhusay manlait.

VIP Member

naku gnyan din baby ko non msakit tlga pero magbabgo yan habang lumalaki cia pero hayaan mo na lng mga ganon tao.focus ka na lng kay baby..enjoy mo every min.second.hr na kasmaa mo cia mabilis lng kasi panahon.

Ilong daw po talaga pinaka tsambang magandang magawa kase hindi naman naturally matangos ilong ng mga pure Pinoy. Dedmahin nyo na lang po or kung may kapintasan din ung nagsabi, pintasan mo din para makaganti ✌️😁

bakit sila nun pinanganak ba matangos agad ilong nila...kapal ng mukha nila..wag mo na lng pansinin hindi sila ang ikakaunlad ng buhay mo...basta para sa ating mga ina mga maganda at gwapo anak natin