Baby shaming

Nakakasama lang ng loob bilang isang ina na pabiro nilang nilalait ang anak ko. “Mataas ang ilong” “Patangusin mo ilong ng anak mo” “Pango” Tinatawanan ko lang nung una, pero paulit ulit na lalaitin ung anak ko ang sakit pala. May ginawa bang masama ung anak ko para laitin ng ganon. Masakit para saken na sa lahat ng hirap ko simula nung pinag bubuntis ko sya hanggang sa pag papanganak ko sakanya. Akala ko matatapos na, yun pala mas masakit pa ung mga lait ng tao kesa sa literal na sakit na naramdaman ko nung nag labour ako. Di ko akalain na di makakaligtas sa panlalait ang anak ko. Normal ko naman pinanganak ang baby ko ng dahil lang sa hindi matangos ang ilong nya kailangan nyang makatanggap ng mga mapanglait na salita 😭😭💔💔

Baby shaming
96 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nako mommy yung baby ko walang kilay at dapa ilong pagka labas. Hahahah. Pero makapal na kilay nya ngayon at matangos. Anyways, whatever yung features nya we should accept it. Walang pangit na baby 😊

lahat ng baby adorable ❤kung patuloy ka makikinig at iisipin ang sasabihin ng ibang tao cnu po magtatanggol sa anak mu ate ..what matter is healthy c baby mo ..be strong pra kay baby .stay safe

God bless this child. I declare abundant blessing, happiness, good health, wisdom, and grace from the Lord be pour upon your baby. 'Wag na po kayong malungkot. words are so powerful.

Wag mo cla pansinin mommy.. Pkialaman kamo nla ilong nla, wag ung baby mo..Punahin kamo nila ung sama ng ugali nila.. Ang cute kya ni baby.. Mgbbago p yan hbang lumalaki c baby..

VIP Member

Felt the same way, pero I dont mind them and I always replace my thoughts with "Im just happy and grateful to God na may babybis healthy" That's what matter most 😊

ginaganyan din nila baby ko, pango daw si baby nakadapa daw ilong wala tinatawanan ko pa pang aasar nila depende naman sa pag handle yan ng pang aasar nila, ma.

mommy ilong po ng Best friend Kung lalaki is pango po. but sobrang taas po ng sex appeal Niya. hindi lang po kasi Ang ilong Ang pwedeng asset ng isang tao.

TapFluencer

Wag mo n pansinin mga taong mapanlait.. Isipin mo basta laging healthy c baby at isang npakagandang blessing sa inyong mg asawa. 🤗🤗🤗🤗😘

VIP Member

baby pa naman yan...di pa mkikita tlga...pag laki nyan sis, ay naku baka mapahiya sila sa panglalait sa anak mo...alagaan mo lang kutis nya sis...

Magbabago pa po itsura nya hbang lumalaki..anak kong lalaki nde rin kgandahan ang ilong nung baby pro hbang nalaki cya gumaganda na,ok lng po yan