96 Replies

momsh, wag mo po sila patulan at wag mo rin pansinin. ipasa-Diyos na lang po natin ginagawa nila sa batang walang kamuwang-muwang at inosente. Ang mahalaga malusog si baby and raise the child with love and care, with proper guidance, with good manners and right conduct. Bukod sa wala sila ganap sa buhay, nanlalait siguro sila ng bata kasi nalait din mga anak nila kaya ginagawa nila un sa anak mo. Dont worry momsh un mga gnyn klase ng tao nanlalait sa baby mo better to pray for them kasi they will eventually come to the point na sila mismo marealise nila na mali sila, and they might experience themselves more than babyshaming. btw, nsa genes na ng Pinoy pagiging Pango, di naten mababago yan kung nsa genes talaga. Nothing is new on that cos its a fact na pango tlga tayo mga Pinoy not unless halfhalf ang lahi or pure foreignblood, un mga nagsasalita ng ganyan sa babymo sbhin mo kuha sila salamin, tignan muna nila sarili nila bago sila mangialam ng buhay ng iba! Anyway, cute cute kaya ni baby 😍

Baby ko hindi rin matangos ang ilong pero pareho matangos ang ilong naming mag-asawa. Nung sinabi ng mga kapatid ko na pango ang ilong ni baby, sabi ko na nalang ganyan din kase ako nung maliit pa, tumangos lang nung lumalaki na. And yun din ang sabi ni mama kaya hindi rin naman sumama ang loob ko. Buti at wala pa naman sa mga friends at kakilala ko ang namimintas sa ilong ni baby kundi susupalpalin ko talaga sila. Ganto nalang ang sabihin mo mommy pag nilait ulit ang anak mo: pango pa nga lang ang anak ko, maganda/gwapo na, pano pa kaya pag matangos ang ilong nyan, edi mas lalong gwapo/dyosa na yan. 😂

ignore those people mommy. yung baby ko rin pango pero matangos ang ilong ko. nakuha niya sa daddy niya yung ilong. kaya everytime na pumupunta friends ko dito lagi nila akong inaasar na "bat ganyan ilong niya" ganon pero natatawa na lang ako. even my relatives sinasabi nila yon. ignore lang ako. sila nga pango di ko pinakialamanan eh hahahaha just focus na lang kay baby. kasi ke matangos o pango naman yan marami pa ring sasabihin eh. alam mo naman mga pilipino, mga judgemental. kaya wag mo masyado isipin or dibdibin sinasabi nila. no one is born to be perfect

bakit kaya ganun, kdalasan s nanlalait eh mga MIL at mga LIP, nakakaasar prang di galing sa dugo nila, kpag ganun mga momsh ang isagot niyo, dugo niyo kasi yan kaya ganyan itsura, kung pogi o maganda amg anak ko dun kayo magtaka baka hindi niyo dugo, haha tingnan natin kung di sila matahimik, o kaya diretsahin niyo, nagkamali ka kasi kamo ng piniling khati ng genes ng anak mo, gigil much, ipagtanggol niyo baby niyo, huwag niyo hayaanlaitin nila dugo namn nila yan eh😊✌

Haynako mommy, laitin mo din ung nanlalait sa baby mo 🙃 hindi naman sa pang susugarcoat pero minsan nakakatulong din to release ung inis mo sa nangsasabi ng ganon sa baby mo.. bilang ina, sobrang nakakapagod tapos ganon pa maririnig mo. imbes na i lighten ka nila ganyan pa sila so gantihan mo nlang 😂 btw, cute po ang baby mo 😍 lagi mo tandaan na lahat ng nilikha ng Dyos ay perfect.. baka kung nakatangos pa yan super perfect na diba 😘 cheer up mommy

hi mamsh 😊 gusto ko lang sabihin na napaka cute ng baby mo ❤😍 same tayo yung bby ko pango din sya . na experienced ko na din na may lumait sa kanya at tama ka masakit at nakakainit ng ulo kaya kinausap ko yung nanglalait sa anak ko after that wala na ko narinig 😊 habang lumalaki po si baby nagbabago po yan mamsh hilot hilotin nyo lang po habang baby pa sya. Be strong mommy ❤

Wag po kau magpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao. Just be proud with your baby no matter what.. Naka experience din po ako ng ganyan sa first child ko madalas po nanonotice po ng ibang tao kulay ng anak ko dahil medyo darker po sya unlike sa second and third child ko. Lagi ko lang pong sinasabi sa ibang tao proud ako Kong anu meron ang anak ko ayon nagsawa din sila hahaha

Husband ko mapute, ako mapute. Panganay ko mapute. Itong bunso ko na mag1month may kaitiman. Lahat sila sinasabi na maitim ang anak ko Kung kailan babae. Ang sinasabi ko sa kanila, oo nga maitim. Edi tapos ang usapan. Eh sa maitim naman talaga eh, may magagawa ba ko. Hindi ako affected Kasi Alam ko Naman na magbabago pa hitsura Niya. At kung hindi man, so what.

same tayo mami.. kya mnsan inuunhan ko nalng na maitim nga yun baby ko pra alm nla accept ko. pro mskit

mamsh, pango ako pero maganda. haha. ung standard ng mga tao ng beauty ang problema... maputi, matangos ilong payat. i personally don't think any of these make anyone less beautiful than others. magaganda at gwapo lahat ng babies natin. and more than anything, their character is more important. let's raise a generation of kind and non-discriminating people.

VIP Member

Ano kaba ate wag na wag mo pansinin. Mas masasaktan ang anak mo makita ka nalulungkot. Akalain mo yun isang anghel yan at hayaan mong Diyos ang bahala sa kanila. Nilalait nila ang Diyos di si baby kasi siya lang naman ang nag bigay ng buhay ng anak mo. Huwag ka paapekto ate huwag talaga dapat proud ka sa anak mo. 😍😍❤️❤️❤️ LOVE YOU

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles