15 weeks pregnant
Nakakasad na po tong nangyayari sakin, bakit ganito po ilang subo ko lang ng kanin ayaw ko na at nasusuka nako. Sa isang araw halos dalawa kutsarang kanin lang po nakakain ko kahit gutom na gutom na ko pero pag kumain naman ako ng kanin ayaw naman na agad. Ano po kailangan kong gawin parang wala ng sustansya baby ko?😢

Nagkaganyan din ako momsh. Buti di ako namayat, siguro dahil ng prenatal vitamins. Kahit tubig sinusuka ko nung 1st trimester. Nung una po skyflakes lang nakakain ko kasi nga ayaw ko ng rice. Kaso naaawa ako kay baby kaya po imbes na rice, pasta ang ipinalit ko para lang makabawi. Tsaka po pancit. Halos 2 weeks po ata ako puro macaroni, spaghetti at pancit lang 🤭 Tapos more on protein po ako, papak ng puro ulam pero less salt and oil po kasi nagsusuka din ako sa oily food. Then fruits like watermelon, cucumber, apple and ripe mango inadd ko sa food intake ko kasi di ako gaano makainom water. Pag iinom ako water, may kasunod agad na hard candy para lang di ako masuka. Ngayong 2nd trimester, okay na po ako. Nakakabawi na ulit ng kain and nag-gain na ulit ako ng weight 🤗 malalampasan niyo din po yan momsh. Fighting!
Magbasa pa



Nurturer of 2 sweet superhero