Depressed na

nakakalungkot mga mommies. 3 weeks old ang baby ko inaayawan niya ang dede ko. mix feed po siya kasi wala pa pong gatas na lumalabas saken nung bagong panganak ako.now lagi ko siya pinapalatch, pag nagwawala na siya at niluluwa nipple ko parang nakukulangan, saka namin bibigyan ng formula.siguru sa isang araw nakaka 8 oz sya. kanina nagtry ako,wag talaga siya bigyan ng formula gusto ko kasi pure breastfeed.grabe nagwawala siya grabe ang iyak nag.iiba na kulay nya, niluluwa nya nipple ko.nakakafrustrate.kaya ayun binigyan ko ulet ng formula, grabe pagdede nya gutom na gutom. pag pinipisil ko naman dede ko, may gatas naman.anu po ba dapat ko gawin? nanipple confuse na po ang baby ko, paano ko kaya sya mapa pure breastfeed?help naman po.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

possible po na nipple confused na since binibigyan niyo ng fm thru bottle, better kasi na cupfeeding, may gatas naman pala kayo, malaking tyagaan po kasi ang pag bf, and baka di tama ang position kaya niluluwa niya or inaayawan ang dede mo, or baka malakas ang flow.. habang maaga sana matyaga mo na maging pure bf.. seek a lactation consultant sa area mo para mas maguide ka, paunti unti mo bawasan ung fm, then offer more ang breast, mag skin to skin kayo para maestablish ulit.. or magpump ka and offer bm na nasa maliit na cup na pang medicine, yun ang ipang cup feeding

Magbasa pa
6y ago

cge sis sundin ko payo mo. tama ka, need talaga ng mahabang pasensya. thank you sa mga advise.