EBF vs Formula Feeding

Nakakalungkot makita na yung ibang mga nanay na may kakayanang mag EBF e napaka baba ng tingin sa mga nanay na walang choice kundi magformula. Breastmilk is best. Oo, pero wag nyo naman ipamukha sa ibang nanay na napakasama nilang tao pag nagformula sila dahil wala naman silang choice kung wala talagang gatas ang dede nila. E sa wala talaga kahit ilang linggo at ilang buwan na ipasuso e. Akala nyo ba ayaw nila magpasuso? Nangarap din magbreastfeed yang mga yan pero di talaga nila kaya. Wag nyo naman mata-matahin. EBF moms are the best moms in the world at napakaperfect nyo po. Sure. Keep it up.

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mag ate ko din grabe akala nila di sila nakakasakit one time nagsalita isa kong ate "di mo mararamdaman maging tunay na ina, di ka tunay na ina di mo naranasan mag padede"(in a joke way) pero para sakin masakit yun na gusto kong umiyak at sabihin na hindi batayan ang pagpapasuso para masabing isa kang tunay na ina..FTM kasi ako buntis palang ako dami ko na ginawa para magkagatas pero wala 5days na si baby nung nagkagatas ako ang prob.lang nasanay si baby sa bote kaya tyagaan sa pump pero pag umaalis kami di ako nakakapag pump hanggang sa humina at nawala na ng tuluyan..

Magbasa pa