nakakainggit lang !

Nakakainggit yung mga asawa na todo alaga sa asawa nila no . Yung naiintindihan nila yung pakiramdam ng nagbubuntis . Yung mga gusto mong kainin yung mga gusto mong gawen . Hahayaan ka lang nila para sa inyo ng baby nyo . Sana lahat ganon . Di yung simpleng bagay na di mo gusto kung ano ano na sasabihin sayo . Parang ang sarap nalang mabuhay mag isa . Para walang magbubunganga sayo . Ginagawa ko lang naman na makisama sa partner ko dahil sa anak ko .

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung husband ko maalaga,maintindihin at binibigay gusto ko. Yun nga lang hanggang sa manganak ako,sugarol pa rin. Minsan tumatakas pa. One time umalis sya,minonitor ko yung bank account namin online. Unti unting nauubos ang pera e malapit na kong manganak non. Naku sinundan ko talaga sa casino kahit bedrest lang dapat ako. Muntik na kong mahimatay sa casino habang hinahanap sya dahil sumakit ng todo tyan ko. As in grabe galit at stress ko non. Buti na lang ngayon nagbago na. Tsaka close kasi mga casino😂. Anyway ang point ko lang momsh,wala naman sigurong perpektong asawa o tao. Kung meron man,malamang sobrang rare or taken na. Nasa atin din siguro kung pagtyatyagaan natin sila. Swerte na din kung magbago sila☺️

Magbasa pa
VIP Member

Nung 1st trimester ko, halos umiyak ako araw araw ksi ganyan asawa ko, laging grumpy, walang paki sakin and inum ng inum. Before ako sumampa sa second tri, nag bleed ako dahil sa sakit ng luob and kunsimisyun, naagapan naman agad. After nun parang himalang ang laki ng pagbbago nya. di na yan umiinum sa ibang bahay-dito nalang sa labas ng pintuan namin (which is super okay sakin.) Kahit di utusan kusa yan maglilinis ng bahay, magluluto maglalaba-basta pagtimpla ko lang ng kape sa umaga, yun lang ang pakiusap nya sakin-kapeee. lahat din ng gusto ko na kainin, binibigay nya. it turns out din na sya daw ang unang naglihi kya sya yung moody. Ayaw na daw ako nkikita nun kaya layas ng layas ng bahay... haha.

Magbasa pa

Relate po ako nung 1month-4months tong baby bump ko po yung hubby ko e nagbabae po siya yung kahit nagsasama na kayo magkaklase pa kayo pero naghanap e kahit magkakababy na kami yung tipo pong galit ka kasi naglilihi ka dati mas galit siya taas taas ng pride niya yung hinahayaan kalang niyang magutom yung tinutulugan kalang niya yung puru siya cellphone yun pala may kachat at nagpapasaya sa kanyang ibang babae masakit pero kaylangang tiisin para baby namin hanggang ngayun di pa po maalis yung sakit wala na nga po yung tiwala ko sa kanya e pero kung mahal mo kaya mo siyang pabaguhin para lang sa baby . Sana nga po magbago na siya para samin 😔😇

Magbasa pa

ganayan din kami ng partner ko dati laging nagiinom sarili lang iniisip pero simula nung namatay ung 2nd baby namin at muntikan din akong mamatay medyo nagbago ung asawa ko ngaung buntis ako..although umiinom pdin sya pero d na katulad dati na nagwawala sya tapos d na rin kami madalas nagaaway kapag nakainom sya tsaka kapag may uyos ako sakanya sinusunod na nya...pinagluluto ako...magbabago din yang partner mu basta intindhin mu lang sya muna sa una mahirap pero marerealize din nya na kailangan ka nya at ung anak nyo😊

Magbasa pa
VIP Member

Naku mommy hayaan mo lang sya huwag mo stressin sarili mo sa kanya ang importante safe kayo ni baby. Yung asawa ko naman di ganyan lahat ng gusto ko sinusunod nya, ayaw nya na nagtatrabaho ako o kahit anong mabigat na bagay para daw samin ni baby. Pag uuwi galing trabaho itatanong kong ano gusto kong prutas o pagkain. Pero strict sya pag dating sa mga bagay o pagkain na di pwede sa buntis. Ikaw mommy pagpray mo lang sya kase ganun ginagawa ko malay mo naman magbago pa sya. GOD BLESS mommy sa inyo ni Baby mo ❤

Magbasa pa

Partner ko kahit gumising ako ng alas 11 ng umaga at ang kalat pa ng bahay di siya magagalit tinatanong niya pa masarap ba tulog ko. Before siya umaalis kinikiss niya ko sa lips kahit wala pang mumug nagigising ka nalang. Binibili niya ano gusto kung kainin. Kahit kami lang dalawansa bahay di akonna si stress. Buti.nalang talaga siya pinili ko

Magbasa pa

Agree nakakainggit yung ibang asawa na maasikaso sa asawa na buntis tipong di kana masyado papakilusin sa ibang gawain, ako kasi nasanay na nagkukusang kumilos sa bahay yung tipong uutusan mo palang parang galit na kaya minsan mas gusto ko nalang sarilihin mga ginagawa ko kesa utusan si hobby pero sana pag nanganak na magbago na sya

Magbasa pa
VIP Member

Lahat namn po nadadaan sa maayos na usapan. Communication is the key mamsh. Kung may ayaw ka sa ginagawa nya, sabihin mo sa kanya para aware sya. Minsan kasi sila mga manhid, kala nila di sila nakakasakit. Kaya mas okay na mag vent out ka sa kanya, sabihin mo lahat ng nararamdamn mo. Tsaka konting lambing pagtapos ng usapan.

Magbasa pa

Sakin naman po hindi, nakakasama lang ng loob yung makalimutan niya yung ipapabili mo, minsan mali pa yung nabibili. 😆 Pero okay naman po, lumalabas din naman kami para kainin yung gustong pagkain ni baby. Ayaw niya kasi ng lutong bahay nung naglilihi ako (which is sinusuka ko), gusto ni baby lutong labas (fast food).

Magbasa pa

I feel you mommy. Never ako inintindi ng partner ko nung buntis ako. Kapag ka nagbibwisit ako nagagalit sya. Diko din marequest mga gusto ko kainin kase tamad sya lumabas para bilhan ko. May time pa inaaway nya talaga ako. Kaya dapat ngayon palang mommy magisip ka na. Think about your baby. Just an advise

Magbasa pa
5y ago

Ganyan din hubby ko mamsh :(