Jelyn Sanchez profile icon
PlatinumPlatinum

Jelyn Sanchez, Philippines

VIP Member

About Jelyn Sanchez

Mommy of Althea

My Orders
Posts(38)
Replies(180)
Articles(0)

Before and after pregnancy.

Hello mga mommy gusto ko lang mag vent out, Di ko kase alam kong postpatrum ba to o kaartihan ko lang. 😅 I am a FTM and i gave birth last dec. 2020 via normal del. Nung una akala ko pagbubuntis lang yung mahirap kase sobrang daming bawal, kailangan ingat na ingat ka (btw i had a miscarrge last 2019) kaya parang praning praning ako nung nabuntis ako ulit kase baka maulit yung past. Then mas mahirap at masakit pala maglabor at manganak, sobrang hirap ng pinagdaanan ko nung naglalabor ako (induce labor ako kase naunang pumutok panubigan ko then no sign of labor), naglalabor ako ng nakahiga lang bawal kase umupo o tumayo kase baka maubusan ng tubig si baby sa loob. Di ko alam gagawin ko twing nahilab tyan ko parang gusto ko nalang magpaCS kase 2am pumutok panubigan ko tapos mga 3pm di pa ko nanganganak so sabi ni OB pag 5pm wala pa ding pagbabago sa cm ko ( stock ako sa 4-5cm) iccs nya na daw ako, pero by God's grace nadagdagan cm ko ng 6pm. And finally by 8:50pm baby's out na. Mas mahirap pala yung pagkalabas ni baby. Sabado ako nanganak linggo ng hapon umuwi na kami. Yung first week ni baby pabalik balik kami sa pedia para lang turukan sya ng antibiotics kase prone daw sa mga sakit si baby kase 18hrs simula nung pumutok panubigan ko bago sya lumabas. Umaga at hapon ang balik namin para maturukan si baby may tahi pa ko sobrang sakit pero tiniis ko yun para maging ok lang si baby. First time mommy ako di ako ready sa puyatan na almost 3 hrs lang ang tulog ko umaga at gabi na yun. Naaaligaga ako pag naiyak si baby di ko alam kong ano yung gusto nya kung may masakit ba sa kanya, yung asawa ko di ko din maiwanan kay baby kase di rin sya marunong magpatahan pag umiyak na si baby. Kasama ko naman ang parents ko kaso mga senior na sila kaya di na din sila masyado makakapag alaga, yung parents ng asawa ko gusto nila na alagaan si baby kaso malayo sila. Pag gabi na sobrang iyak ng iyak si baby naiyak na din ako kase nakikita ko yung asawa ko tulog na tulog tapos ako pagod na pagod sa maghapon na pag aalaga wala pang tulog tapos si baby di ko pa alam gagawin ko para mapatahan at mapatulog lang sya. Pero ang mind set ko sa una lang to pag medyo malaki na si baby magiging ok na din naman lahat. Hays buti nalang nangiti ngiti na si baby atleast pag nakikita ko yun nababawasan yung pagod at puyat ko. Salamat po sa pagbabasa 😊 God bless mga mommy kaya natin to ❤ #firstbaby #momcommunity #1stimemom

Read more
undefined profile icon
Write a reply

Sana all no more 😊

Sharing my story. EDD: Dec. 26 2020 DOB: Dec. 19,2020 2.9k via normal delivery Isa din ako sa nakikisana all pag may nakikita ko na post na katulad ko na kabuwanan na at nanganak na. Dec 18 ng gabi bago matulog nagpalagay pa ko sa asawa ko ng primrose 2, Tapos mga bandang 1:50 am ng dec. 19 may nararamdaman ako na nalabas sa pwerta ko akala ko yung oil lang yun. Mga 1:56 bumangon ako para mag cr pagtayong tayo ko palang ang dami ng nalabas na tubig sakin pero deretcho cr pa din ako. Pagkaihi ko may sumasabay na tubig bukod sa ihi na di ko mapigilan yun pala pumutok na panubigan ko pero no sign of labor pa din. 2:00am Nagpunta na kami sa pag aanakan ko tinurukan ako ng swero, pag ie sakin 3 to 4 cm palang daw. Wait pa kami ng labor o kung madadagdagan cm ko mga bandang 2 ng hapon pag ie sakin ng ob ko 4 to 5cm palang daw ako pero may pain na ko nararamdaman pero tolerable pa naman sya. Sabi sakin ng ob ko pag still no progress pa din daw ng cm ko hanggang 5pm iCs nya na daw ako, ako itong na shock kase wala kaming budget pang cs. Kaya kami ng asawa ko pray agad na sana manormal lang tapos panay kausap kay baby na lumabas na sya. Mga bandang 6pm nakaramdam na ko ng unbearable pain pag ka ie sakin 6 cm na daw atleast nag progress na pumunta yung ob ko sa kwarto sabi nya inaantay nya nalang daw ako kase atleast nadagdagan ng cm. 7pm na nakaramdam na ko ng pain na sobrang sakit na di ko alam kong anong gagawin ko tapos mayat maya na sya sabi ko sa asawa ko sabihin sa mga stuff na di ko na kaya yung sakit pag ie sakin nandyan na daw yung ulo konting tiis nalang daw. 8:20pm di ko na talaga kaya, kase second nalang yung pagitan ng sakit, tapos yung damit ng asawa ko masisira ko na sa sobrang hawak kase di ko talaga kaya yung sakit. IE ulit almost there na daw sabi pinalipat na ko sa delivery room. Sinabihan na ko ng gagawin at tamang pagire at sa awa ng Diyos at tulong ng mga family and friends for the prayers 8:50 baby's out na. Hoooo akala ko di ko kaya, kakayanin ko pala. Kaya sa mga new preggy mommy's dyan kaya nyo yan pray lang at tiwala kay Lord. Makakaraos din kayo. Meet Althea Reign Sanchez 😍❤

Read more
Sana all no more 😊
undefined profile icon
Write a reply