Share ko lang.
Naka relate kasi ako. Nakabukod kami ni hubby and kasama namin mom niya simula nun nanganak ako. Nun una mejo okay pa. Pero dadating din talaga sa point na ikaw mag aadjust sa sarili mong bahay. Though na open ko naman kay hubby na hindi ako kumportable Kasama nanay niya. After mag announce na magkakaron ng lockdown. Pinapauwi na siya ng bunso niyang anak, pero di siya umuwi. Siguro yun iba sasabihin na buti pa ko may katuwang sa gawain bahay pero di po kasi ako dependent na tao. Nakakainis lang din na OA na minsan ultimo simpleng bagay siya pa gagawa kahit nakikita naman niya na inumpisahan ko ng gawin. Tapos pag ka chismisan yun mga kapit bahay parang ang dating katulong siya dito. Hindi po kami nag uusap at ayaw ko din siyang kausap. Kumukulo ang dugo ko pag naririnig ko ang boses niya. Di ko nga mafeel na bahay namin to parang ako pa yung nakikitira. Pa vent out lang po. Dala na din siguro ng matagal ng di ka nakakalabas at walang ibang makausap 😔